Chapter 4

383 22 2
                                    

Just like what Kuya said, he always checks my phone. He'll come to my room in the morning or evening just to check it. I stopped replying sa mga nagchachats sa akin para iwas galit from Kuya. Kaso nga lang si Jean ay personal na akong pinupuntahan sa classroom namin dahil sa hindi ko siya sinasagot sa lahat ng calls, texts, at chats nito sa mga socmeds ko. Sobrang kulit niya na talaga kaya heto. Humingi na ako ng tulong kay Cole para lang tigilan na ako. Kaya heto, nandirito kami sa may parking lot at aabangan niya raw si Jean para kausapin.

"Ang tagal naman ng walang hiyang 'yon." Reklamo niya habang nagpapabango.

"Hoy walang makikipag suntukan ah? Yari nanaman ako kay Mommy kapag na guidance tayo." Sabi ni Dwayne habang nagbabasa ng libro.

"Ako rin. Tahimik na buhay natin kaya Cole, usap lang ha?"

"Yes, besties."

Dumating naman si Jean na may mga kasamang lalaki. Napakunot ang noo ko at mabilis akong tinago ni Aster sa likuran nito nang mapansing may mga kasama ito. Bakit nagsama siya nang ganitong karami na studyante? Pati si Dwayne na nagbabasa ay napa ayos ng tayo dahil sa tensyon.

"Pre, mag uusap lang tayo bakit ang dami mong audience?" Tumatawa na tanong ni Cole nang lapitan niya ang mga ito.

"Cole, alam mo naman kung gaano ko kagusto ang kapatid mo 'di ba?"

"Oo alam ko. Memorize ko pa nga 'yung long sweet message mo sa akin na akala mo naman mapapaboto ako sa'yo non. Gusto ko lang naman na tigilan mo ang kapatid ko. Nag aaral pa naman nang mabuti 'yan tapos iniistorbo mo."

"Paano kung sabihin kong ayaw ko? Ayaw ko siyang tigilan?"

"E gago ka pala isa kang malaking simp. Binasted ka na ng kapatid ko, 'di ba? Alin ba ron ang hindi mo maintindihan at ipapaintindi ko sa'yo for free."

"Atsaka bakit ba ginugulo mo ang pinsan ko? May exclusive ng nanliligaw riyan na tanggap na ng buong pamilya namin." Singit ni Dwayne.

Anong sinasabi niya? Walang nanliligaw sa akin na tanggap ng buong pamilya! Kay Kuya Ivan pa lang baka natiklop na 'yon at never tatanggapin!

"Ah oo. Kilala mo naman si Aster pre, 'di ba? Ayun oh. 'Yung lalaki na 'yon na maputi, gwapo, mabait, masarap at mabango. Nanliligaw 'yan kay Coleen. Tanggap na ng tatay at nanay ko 'yan. Kaya stop ka na bhie. Sigi na bhie." Pang aasar pa nito kay Jean.

Tinignan naman ako ni Jean na para bang nagtatanong. Napalunok ako dahil hindi ko akalaing gagawa nang ganitong kwento ang dalawa.

"T-totoo ang sinasabi nila, Jean. Sorry kung hindi ko agad sinabi."

Pansin ko ang pag iiba ng timpla nito na para bang sobrang dismayado niya. Alam kong sincere si Jean sa nararamdaman niya para sa akin pero alam niya rin sa sarili niya na hindi ko masusuklian 'yon. Wala pa sa isip ko ang boyfriend lalo na't kung may pamilya akong tutol doon.

"Bakit hindi mo agad sinabi, Coleen?"

"Sorry." Sagot ko na lamang. Wala akong ibang maisip dahil hindi naman 'yon totoo.

"Gusto mo ba siya? May gusto ka na ba kay Aster?"

"Sapalagay mo magpapaligaw 'yan kay Aster kung wala?" Sagot ni Cole. "Hindi ipapaalam ni Coleen 'yan sa buong pamilya namin kung wala 'yang gusto. Kaya sige na. Umuwi ka na. Ako na magbibigay ng pang meryenda sa mga kolokoy na kasama mo."

"Sige. Salamat na lang pala sa lahat."

Bigla siyang nag walk out habang si Cole naman ay nagbibigay ng tag i-isang libo sa mga kasama ni Jean. Napailing na lamang ako dahil mukha siyang kandidato na nagbibigay ng suhol sa mga botante.

Dangerous DesireWhere stories live. Discover now