🍎 CHAPTER 161🍎

156 8 3
                                    

Lino's Thrill!

"APPLE POV'S"

"Apple, Maraming Salamat. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan"

"Kanina ka pa nagpapasalamat, Hindi pa ba sapat yon? Kanina mo pa Ako sinusundan at baka kung Ano Ang maisip Ng mga pamilya niyo at mag cause pa Ng away ninyong mag asawa"

Natawa Ako Ng makitang namumula Ang magkabilang pisngi Niya. Namumula talaga Siya tuwing binabanggit ko Ang salitang mag Asawa.

Hindi na Ako pumasok sa school dahil dito na Ang diritso ko sa mismong reception Ng Party. Nagpaalam naman Ako Kay Audrey na Hindi muna Ako Papasok dahil aasikasuhin ko Ang Gender Reveal Party at Photoshoot ni Sweet na ngayon ay abala pa sa photoshoot. Mamayang hapon pa Kasi gaganapin yong Gender Reveal Party para umabot pa yong gustong pumunta atsaka Hindi naman papahuli Ang lahat Ng Section Azalea, Hindi papayag Ang mga yon na Hindi makapunta.

"Alam Ng lahat na Ikaw Ang sponsor nit--"

"OO nga, kaya nagpasalamat sakin Ang parents mo at parents ni Sweet, Ikaw lang tong sunod Ng sunod sakin. Gusto mong maging tuta sa Gender Reveal Part Ng Anak mo?"

Natawa Siya sa sinabi ko.

"Ikaw naman Apple mapagbiro ka talaga"

"Hindi Ako nagbibiro! Totohanin ko gusto mo?"

"Hahaha... Sige na maiwan na kita mukhang tinatawag na Ako sa loob. Kasali na yata Ako sa picture taking nila hehe"

Napangiti nalang Ako sa sinabi niya na makikita sa Mukha Ang sobrang kasiyahan. Pinanuod ko siyang pumasok sa Isang pinto kung saan nandoon si Sweet habang nagpho-photoshot.

"Iha Halika, kumain ka muna sigurado akong Hindi ka pa nakapag almusal."

Lumapit Ang Ina ni Jamiel at inaya Ako nitong kumain kasama Ang iba niyang pamilya. Nasa iisang mesa sila habang kumakain, Ang pamilya ni Jamiel at Sweet. Nakakatuwa lang dahil akala ko magkakaaway sila dahil sa nangyari Kay Sweet ngunit Ang Kwento sakin ni Jamiel ay nagka ayos na raw sila lalo pa at Wala na silang magawa kundi suportahan yong dalawa.

"Apple girl, Wag ka Ng mahiya. Ako lang to si Lino kaklase mo. Tita, Ako na Po bahala sa kaniya"

Lumapit naman si Lino para ayain Ako ngunit tumangi Ako dahil kakatapos ko lang kumain Ng kanina Bago Ako nagpunta rito. Maaga kasing nagluto si O bāchan Ng umagahan dahil alam niyang maaga akong aalis. Ang Sabi pa Niya pupunta Siya rito mamaya dahil Wala naman siyang gagawin, isasabay nalang raw Niya si Hans na problemado parin sa love life Niya.

Pinaupo Niya Ako sa upuan na naiiba sa lahat, iyon yong upuan na para Kay Sweet mamaya pero iyon Ang binigay Niya sakin kahit marami namang upuan na malapit sa pwesto Namin.

Taka ko siyang tiningnan Ng senyasan Niya akong maupo na.

"Ikaw Ang pinaka Special na bisita namin kaya dapat lang na asikasuhin kita Ng maayos"

Nakangiting sambit Niya sakin.

"Kapag ba Hindi special na bisita, Hindi mo aasikasuhin Ng maayos? Ganoon ba?"

"Hindi ganoon, special naman talaga Ang lahat Ng bisita Kaso mas special ka"

Napailing nalang Ako sa sinabi niya. Tiningnan ko Ang kabuuan Ng Mukha Niya na mahahalata parin Ang gasgas at pasa dahil sa nangyari kahapon.

"Bakit ka nga Pala nandito? Diba dapat nasa hospital ka pa? Magaling ka na ba?"

"Nakalabas na Ako kanina tapos dito na Ako dumiritso. Ganoon Rin si Boss at Ang iba. Hindi ko lang alam kung pumasok sila Kasi Ako excuse na. Tsanga Pala yong nangyari Kay Blake at Isabella, Ayos na ba sila?"

Apple's in Boys Section PART II- The Battle Место, где живут истории. Откройте их для себя