🍎 CHAPTER 190🍎

112 6 2
                                    

Wanted to Die!

"KNOX POV'S"

"Manong, Pwede ba akong manghiram Ng Damit? Maraming dugo Ang damit ko"

"Ito iho, Kunin mo na"

"Salamat Manang"

Sambit ko Ng iabot sakin ni Manang Ang itim na damit. Hinubad ko Ang suot na damit at pinalit yong damit na inabot ni Manang sakin.

"Anong Plano mo ngayon iho? Anong gagawin natin sa kaniya?"

Tinuro Niya Ang kinaroroonan ni Xhyl habang natutulog. Awang Awa Ako sa hitsura nito, halatang nahirapan Siya kanina, mabuti nalang at nakaabot Ako at natulungan ko pa Siya. Nakita ko Kasi Ang kotse Niya sa harapan Ng Bahay at narinig ko Rin Ang malakas niyang sigaw kaya Hindi na Ako nagdalawang isip na damputin Ang malaking bote na nakakalat at hinampas sa lalaking hawak hawak Ang kamay niya.

Hindi Basta bastang bali iyon, dahil may injured Ang kaliwang kamay Niya, mukhang nakitaan siya Ng kahinaan Ng kalaban kaya Ang kamay Niya Ang pinuntirya. Alam Kong sobrang sakit mabalian sa kahit saang parti Ng katawan. Ayokong mangyari iyon sa akin.

"Marunong ka bang mag Drive Manong? Gusto Kong kayo Ang Magdala sa kaniya sa hospital pero Bago yon gusto Kong tulungan niyo Rin Ako kung paano makapasok sa loob Ng White Mansion na sinasambit niyo kanina"

Naikwento nila kanina Ang pagdating ni Xhyl at Hanggang sa pagdating Ng mga lalaki na kinalaban ni Xhyl. Mabuti nalang raw at Wala itong mga dalang baril dahil kung sakaling Meron ay baka Patay na Si Xhyl.

Magaling Siya sa sumuntok at malakas siyang sumipa ngunit alam Kong Hindi pa iyon sasapat dahil kulang pa Siya sa practice, Hindi tulad ko na sanay na sa Ganitong Gawain.

Sinabi nila sakin kung saan Ako pwede makadaan. Sinabi rin nila sakin Ang pasikot sikot Ng Mansion, Kung saan tumatambay Ang mga bodyguard at kung saan sila namamalagi.

"Ako na Ang Bahala sa kaniya iho. Sana magtagumpay Kang makuha yong Babaeng Girlfriend Ng Lalaking ito"

"Hindi Niya girlfriend si Apple"

Hindi na sila nagsalita Ng tuluyan na naming ipasok si Xhyl sa backseat. Si Manong Ang nag drive dahil sabi Niya ay Driver siya dati. Tinulungan ko narin silang ipunin Ang gamit nila. Mas mabuti Ng makaalis na sila sa Lugar nato Bago pa sila balikan Ng mga lalaki.

"Mag iingat ka iho. Mauuna na kami"

Akmang tatalikod na Ako Ng magsalita ulit sila.

"Iho, Paano Namin makakausap Ang pamilya Niya? Hindi Namin alam Ang Bahay nila"

Lumapit Ako Kay Xhyl at kinapkapan siya. Hindi na Ako nagdalawang isip na kuhanin Ang cellphone Niya at buksan ito. Napansin Kong may malaking crack sa gilid nito pero nagagamit pa naman.

Napatanga Ako Ng makitang may password Pala. Ilang ulit ko iyong binuksan ngunit Hindi ko makuha yong password. Seven letters Ang kasya sa password Niya. Nilagay ko narin Ang pangalan ni Apple ngunit Hindi iyon tugma sa password Niya.

Dumb girl? Hindi rin! Iyon Kasi Ang tawag Niya rito.

Napahilamos Ako Ng Mukha Ng Hindi ko talaga makuha Ang password Niya.  Anong Madalas niyang tawag Kay Apple? Mag isip ka Knox! Ano nga ba? Hindi Ako manghuhula Fuck!

Sweetie!

Minsan ko Ng narinig na tinawag Niya itong Sweetie.

Napangisi Ako Ng tumugma Ang Sweetie. Ang Dali lang naman Pala, pinahirapan pa Ako tangina!

Apple's in Boys Section PART II- The Battle Donde viven las historias. Descúbrelo ahora