Nang Ika'y Lumisan
Lapit dito, lapit doon
Tingin sa kaliwa, sulyap sa kanan
Mga mata'y malilikot, ika'y hinahanap.Kahit saang anggulo man ng paligid tumingin, ikaw at ikaw pa rin ang bubungad sa aking mga titig.
Walang palya ang iyong pagbati
Sa tuwing ako'y nakikita ng iyong mga mata. Walang ikli ang iyong ngiti, kapag ako'y iyong kaharapIka'y masaya, ngunit ako'y nakasimangot. Ikaw ay babati, ako'y mananatiling tahimik. Presensya mo'y lumalapit, ako'y lumalayo. Titig mong kay lagkit, ako'y umiiwas
Maging ating mga reaksyon ay magkaiba. Nakikita ang tunay na motibo ng bawat isa. Walang duda, ika'y hindi ramdam ng aking puso
Sa mga panahong ika'y nariyan, ako'y duwag. Sa bawat oras na ika'y kaharap, ako'y bulag. Marahil wala sa katinuan dati, puso ko'y kay manhid
Walang mintis ng kilig ang matigas kong damdamin, pagka't puso'y siguradong hindi ikaw ang tinitibok nito
Ngunit ako'y napaisip nang ika'y nawala. Ang iyong presensya'y tila aking hinahanap. Hindi natanggal sa aking isip, buhat nang ika'y umalis sa aking piling.
Ang utak ko'y nakaramdam ng pagsisisi. Puso'y nagkaroon ng pangungulila. Ang iyong presensya pala'y malaking kawalan. Pagka't nasa harapan na'y binaliwala pa
Dati, ikaw ang lumalapit
Ngayong walang ka, ako'y naghahabol
Ang iyong presensya'y kakaiba
Walang makakatuladAko'y labis na nasaktan sa maraming dahilan. Hindi lamang dahil sa wala ka na, kundi dahil puso ko'y naduwag sa iyong harapan dati
Tingin sa kaliwa, sulyap sa kanan, ika'y wala na. Mga mata'y malilikot, naghahanap ng kasagutan sa paligid.
May pag-asa pa bang ibalik ang dati?
Kung saan ikaw ang kusang lumalapit
Sa puso kong lumalayo noon.Ngayon ako'y nagsisisi, pagka't wala ka na. Ngunit kung ikaw man ay babalik. Asahan mong ako'y magbabago
Mananatili ang aking mga paa sa parehong pwesto. At ika'y aking hihintayin hanggang magbalik muli sa aking tabi.
Sinta ko, sana hindi pa huli ang lahat.
Damdami'y handang maghintay katulad ng iyong mahabang pasensyaMga mata ko'y hindi titigil sa paghahanap. Puso ko'y hindi mapapagod sa paghihintay
Mga paa ko'y hindi gagalaw palayoSa ganitong paraan, sana'y maramdaman mo ang damdaming aking napagtanto nang ika'y lumisan sa aking tabi.
- tamestnaive / ernxx