1

14.1K 343 30
                                    












Unedited...






"Boss, ito na," sabi ni Tom sa boss na nasa loob ng sasakyan.

"Thanks," sabi ng boss sabay kuha ng golden card.

"Five minutes na lang, magsasara na ang pinto," ani Tom. "Sure ka na ba na pasukin natin ito?"

"Let's go," sabi nito saka isinuot ang face mask na nakalabas ang mga labi at lumabas. Sumunod si Tom na nakamaskara din. Palaging nakasuot ng maskara ang mga parokyano dito sa underworld. Ngayong gabi, magaganap ang pinakamalaking bidding sa kasaysayan nila dahil hindi basta-basta ang mga nandito. Mga high profile ang bisita kaya sobrang higpit ng seguridad.

Matapos ipakita ang golden card, kinapkapan sila ng mga guwardiya. Bawat isa sa kanila ay may isang pwedeng isama sa loob kaya ang assistant na niya ang isinama.

"Sa una na tayo boss?" tanong niya.

"Wag na," sagot nito at naupo sa pinakadulo. Sobrang maliwanag ang nasa center stage kaya nakikita naman nila dito ang item na ipa-bid.

"Nag-umpisa na pala," bulong ni Tom at kinuha ang numero sa upuan saka ibinigay sa boss.

Napatingin sila sa magandang kwentas na nasa harapan. Marami ang nagbi-bid dahil nag-iisa na lang ito sa buong mundo.

"Gusto mo, boss?" tanong ni Tom pero hindi kumibo ang boss kaya nanahimik siya at inabangan ang mga susunod na mangyayari. Ngayon lang si Tom nakapasok dito kaya natuwa siya.

Ang sumunod na lumahas ay bracelet mula pa sa South Africa na hinukay ng mga ninuno. Ang daming nakipag-agawan dito pero hindi pa rin napukaw ang boss ni Tom hanggang sa nabili ito ng 100 million.

Biglang umingay ang lahat nang lumabas ang magandang babaeng naka-black bikini, may mahabang buhok at kutis porcelana. Higit sa lahat, birhen.

"Boss!" bulong ni Tom na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Is she clean?" tanong ng isang nasa unahan.

"We have proofs. She's untouch," sagot ng nagbebenta rito sabay pakita ng medical records.

"Isang milyon!" simula ng lalaking naka puting maskara sa bidding.

"Limang milyon!"

"Sampung milyon!"

"twenty million"

"Trenta!"

"Kwarenta!"

"Singkwenta!"

"Isang daang million!" sabi ng lalaking kanina pa nag-aabang na lumabas ang babaeng ipa-bid. Siya si Kyle, madalas siya rito at nakukuha niya ang gusto.

"One hundred fifty million!" sabi ng matandang lalaki kaya napangisi si Kyle dahil mukhang gustong makipagkumpetensya nito sa kanya.

"Two hundred fifty million," may pagkamayabang na sabi ni Kyle sabay taas ng numero.

"Three hundred million!" nakangising sabi ng matanda na hindi nagustuhan ng binata.

"Boss, mukhang maging tinik pa ang matandang parokyano ah!" bulong ng kanyang assistant na si Ricky.

Nagsimula nang mag-ingay ang buong paligid para lang sa babaeng birhin na nasa harapan.

"Four hundred M!" sabi ni Kyle na napipikon na. "Kapag tumaas pa nang tumaas ang bidding, mauubusan na siya ng biro. Isang bilyon lang ang kaya at mahirap kalabanin ang organisasyon dahil bawal ang installment.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Where stories live. Discover now