14

6.5K 251 25
                                    











Unedited...











"Kain na tayo," yaya ni Sheena nang matapos ihanda ang table.

"Ang aga pa," sagot ni Alas na ipinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.

"Mas maaga mas maganda."

"Mauna ka na. Gusto mo pa bang magpa-download ng video sa panlasang pinoy?" tanong ng binata.

"Oo. Kung mayroon silang latest," sabi ni Sheena.

"Okay, sabihan ko si Tom bukas," sabi ni Alas at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag ni Helene. "Oh?"

"May time ka ba? Dinner naman tayo," sabi ni Helene sa kabilang linya.

"Ang tagal na nating hindi nakapag-dinner. Gusto ko lang bumawi. Ako taya," yaya ni Helene kaya napatingin si Alas kay Sheena na kumakain na sa mesa.

"Nextime na, wala ako sa mood."

"Kailan ba ang nextime?"

"I'll tell you kapag may free time na ako. Bye." Tinapos niya ang pag-uusap at ipinagpatuloy ang ginagawa pero napatingin siya kay Sheena na tumayo na at niligpit ang plato nito. "Tapos ka na?"

"Wala akong ganang kumain," sagot ng dalaga. "Gusto ko nang magpahinga."

"Maaga pa."

"Masama talaga ang pakiramdam ko," sagot ni Sheena.

"Anong masama?"

"Nahihilo ako. Siguro dahil sa pagod lang at ang init ng panahon. Magpahinga lang ako, okay na ako mamaya. Wag mo akong istorbohin ha. Gusto kong ma-coma sa kama ng mga twelve hours," bilin ni Sheena kaya napakunot ang noo ni Alas. Kanina ang hyper nito sa opisina tapos biglang nanghina.

Nang matapos ang ginagawa ay tumungo siya sa mesa para kumain. Napatingin siya sa ulam at kanin. Parang hindi ito nagalaw kaya napabuntonghininga siya.

"Inaatake na naman ba siya ng sakit ng ulo niya?" nag-aalalang bulong niya. Sabi ng doktor, normal lang naman na biglang sasakit ang ulo dahil sa nangyari as long na hindi ito tatagal ng ilang minuto. Tumungo siya sa isang silid at kinuha ang medicine kit saka pinuntahan si Sheena sa kwarto.

"Sheena?" tawag niya sabay katok pero nakailang katok na siya ay wala pa ring sagot kaya kinuha na niya ang susi at binuksan ang pinto.

"Sheena?" tawag niya pero walang tao sa kama kaya dali-dali siyang pumunta sa CR pero wala rin. "Damn!"

Nakita niyang bukas ang bintana kaya napasilip siya sa baba pero walang tao kaya tiningnan niya sa ibang silid pero wala.

"Boss!" sabi ng guwardiya nang makita siya.

"Nakita nyo si Sheena?"

"Hindi ho," sagot nito.

"Nawawala siya! Hanapin n'yo!" sabi niya na kinakabahan. Paano kung nakuha ito ng mga kalaban? Kinuha niya ang cellphone at tumawag kay Tom. "Nawawala si Sheena, punta rito at paki-track ng location niya!"

Palakad-lakad siya sa sala nang dumating si Tom.

"Boss."

"Saan na siya?"

"Nasa Mireio Makati siya, boss."

"Ginagawa niya doon? Akala ko ba wala siyang ganang kumain?" tanong ng binata. "Tawagan mo sila."

"Yes, boss."

Nauubos ang pasensya niya sa kakahintay habang kausap ni Tom ang nasa Meréio.

"Boss, may kasama raw ho siyang nagdi-dinner."

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Where stories live. Discover now