28

8.2K 291 18
                                    





Unedited...








.............Flashback........








"Madam, sure ka na ba?"  pang ilang tanong na ito ni Ricky.

"Oo nga."

"Ako ang malalagot neto sa daddy mo eh."

"Don't worry, kaya ko ang sarili ko. Hanggat nasa loob ako, walang mapapahamak. Gusto ko lang makaganti sa kanila!" buo ang loob na sabi niya. "Hindi ko hahayaang mamatay ako na hindi naipaghiganti si Sheena!"

"Masyadong delikado lalo na't ang alam nila ay ang ama mo ang napatay nila."

Set-up ang ginawa nina Sanji. Isang traidor sa grupo ang pinasuot nito ng maskara at pinaupo sa pwesto nito nang pumasok ang mag-amang Kyle at Bricks.

"Mas lalong lilitaw ang buwaya sa grupo. Hahabulin nila ako lalo na't nakita ko ang mukha ni Kyle."

"Pero pwede namang diretsuhin natin ang pagganti kay Kyle."

"Hell, no!" tanggi niya. Maalarma lang ang kasamahan nito. Gusto kong lahat sila ay isama sa pagbaksak ni Kyle! Ihanda mo ang sarili mo. Magpapahuli ako."

............End of Flashback......

Pinagplanuhan niya ang pagpasok sa underground world. Balak niyang tuklasin kung sino at ang mga nasa underground world pero hindi niya akalaing idroga siya ng mga ito.

"Madam," tawag ni Ricky sabay lapag ng bulaklak sa harapan niya.

"Hindi ba talaga siya titigil?" inis na tanong niya.

"Mukhang seryoso naman ho siya. Wala ka ba talagang gusto sa kanya?" tanong ni Ricky.

"Nagdududa ka ba?"

"Hindi naman. Noong magkasama kayo at nasa kay Kyle pa ako, parang okay naman kayo."

"Bahala siya sa buhay niya!"

"Hello, guys!" masiglang bati ni Antasha. "Hello, Ricky."

"Dito ka na naman?"

"Sinasabi ko na sa 'yo, ayaw ko talagang magpatakbo ng kompanya," nakalabing sabi ni Antasha. "Gusto kong maging designer pero yung ako ang mag-iisip ng sales, ng project at pati sa finance department, hindi ko kaya. Bahala na si Ace roon."

"Ang bata pa ni Ace para ipasa mo sa kanya ang responsibilidad. Ikaw dapat ang mamuno noon."

"Sinusubukan ko ngayon pero cous, malulugi talaga ang kompanya sa akin," giit ni Antasha.

"Maghanap ka na lang ng mayamang mapangasawa nang may mag-alaga sa 'yo," sabi ni Anelyn.

"Madam, labas lang ako," paalam ni Ricky at lumabas na muna.

"Ayaw ko. Gusto ko simple lang na lalaki. Kahit na hindi mayaman basta mahal ako at masaya kami."

"Kailangan mo pa rin ng pera, ano!"

"Saktong pera lang. Ayaw ko ng palagi akong iniiwan. Pagod na akong mag-travel. Gusto ko nasa bahay lang ako at pati ang asawa ko," sabi ng dalaga.

"Bakit ka naparito?"

"Samahan kitang magpa-checkup ng pamangkin ko," sagot nito.

"Bukas pa ako magpa-checkup."

Six weeks pa lang naman ang baby niya kaya hindi pa halata ang pagbubuntis pero palagi na siyang naka-flat shoes.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Where stories live. Discover now