Simula

4 2 0
                                    

I need you by LeAnn Rimes

Simula



I hate relationships, kasi palagi kang mag o-overthink. At saka mahirap daw ayusin ang nasirang relasyon. Kaya para hindi ka na mahirapang ayusin, edi huwag kang makipag-relasyon.

At kung ako naman ang tatanungin, mas gugustuhin ko na lang ang mag-aral ng mag-aral kaysa sa mag-boyfriend. Kasi para sa akin sakit lang sa ulo ang lalaki at distraction lang sila sa akin. Si Mama nga lang ang iisipin ko at ang pag-aaral ko maging ang isa kong kapatid, dadagdagan ko pa ba ng lalaki?



"Ate, baka nahihirapan kana sa akin. Hayaan mo na ako... "




Nagbuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay ni Mama at marahang hinalikan iyon.



Masakit para sa akin na malamang sa kaniya na nanggaling ang mga katagang iyon.



"Ma, hindi po... Mag pagaling kalang po ay mawawala na ang pagod ko." sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Pinipigilan ko ang nagbabantang pagkabasag ng tinig ko habang nagsasalita. Kasi ayaw kong isipin niya na sumusuko na ako sa kaniya.




Dahil kahit ganiyan si Mama ay mahal ko siya at gusto ko pa siyang gumaling kahit mukhang wala ng pag-asa.




May sakit si Mama sa pag-iisip dahil sa pagkasawi ni Papa sa g'yera. Kung anu-ano na lang ang sinasabi at nakikita ni Mama tungkol kay Papa. Dalawa na lang kami si Ria ang bunso kong kapatid na babae, at bilang panganay salo ko siya. Nagtra-trabaho ako at pinagsasabay ko ang trabaho ko at pag-aaral ko.




Pero kahit ganiyan si Mama kahit papaano naman ay nakikilala pa rin naman niya kami. Minsan kalmado siya, mas lamang lang talaga ang pagiging agresibo niya at bigla na lang umiiyak habang binabanggit ang pangalan ni Papa.




"Bakit hindi niyo na lang ako patayin?! Sasama ako sa kaniya! Sasamahan ko siya! "





Dumako sa aking bibig ang aking kamay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I can't... Hindi ko kayang makitang naghihirap si Mama. Gusto kong bumalik ang dati naming Mama, pero paano?




Bigla na lang nawala ang pagiging kalmado niya kanina nang halikan ko ang kamay niya. Doon lang sumagi sa isip ko na mahilig palang halikan ni Papa si Mama sa kamay.




Niyakap ko ang aking braso at tumalikod. Hindi ko kinakayang manatili kay Mama kapag nagkakaganiyan siya.




Nawawasak ang puso ko. Parang tinutusok at pinipiga sa sobrang sakit. Kulang ang salitang nawawasak, tinutusok at pinipiga sa sakit na nararamdaman ko ngayon.




Nakakatakot si Mama. Na para bang gusto niyang kumuha ng patalim at ibaon sa sarili niya na hindi iniisip kung may ma iiwan ba siyang mahal sa buhay kapag sa oras na nawala siya.




Pero ang mas ikinakatakot ko ay ang mawalan ng ina. Kahit pa minsan sumasakit ang ulo ko sa kaniya ay hindi ko kakayanin ang mawalan ng ina.






"Malapit ka ng maka graduate. Three years na lang, di ba? Tutal isang taon ka naman ng nag-aaral. Kailan niyo rin balak umalis sa amin? " tanong sa akin ni Tita Sam habang naka-taas ang kilay.



Tumingin ako sa kaniya at nakaramdam ng pagkapahiya. Malayo pa. First year college palang ako pero ang iniisip na niya ay ang pagtatapos ko sa kolehiyo at ang pagpapaalis dito sa kanila.





"Opo... Siguro po kapag gumaling na si Mama..." sagot ko na lang para walang away. Sa tuwing nag sasalita kasi siya ay parang magkakaroon ng away. Ayaw ko namang makipagtalo sa kaniya dahil malaki din ang utang na loob namin sa kaniya.





The Pain we Can't Laugh About (Rush Beast Series #4) Where stories live. Discover now