Kabanata 2

6 1 3
                                    

Kabanata 2

Letter






"Bago ka umalis pakainin mo muna ang kapatid mo, 'wag na 'wag mong kakalimutan iyan. Paliguan mo na rin at bihisan ng maayos bago mo ipabantay kay Malouy." Bilin ni Tito Arman sa akin bago siya umalis, si Ate Malouy ay ang dalagang kapitbahay namin na cute na cute sa kapatid ko. 'Di ako sure kung dalaga ba ang tawag sa kaniya, pero hindi naman kasi halatang 40 years old na siya. Ang bata pa kasi niyang tingnan.


Binalingan ko naman si Ria na kakalabas lang sa cr at nagpapabula na naman ng laway.

Napailing ako at sinalubong siya. Binuhat ko siya at mahinang pinitik ang bibig niya.


Napalabi naman siya at parang maiiyak na habang nakatingin sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya, ang cute kasi niya. Bigla ay nawala ang lahat ng bigat sa dibdib ko dahil sa ipinakitang reaksyon niya.

"Bawal kasi iyon baby..." Malambing na sinabi ko sa kaniya.

Yumakap naman ito sa leeg ko at doon ko naramdaman ang pagkabasa ng leeg ko kaya napailing na lang ako. Mukhang doon siya naglaro ng laway niya.

Pinulbuhan ko muna si Ria sa leeg, singit at kili-kili. Habang pinupulbuhan ko siya sa kili-kili ay cute siyang tumatawa sa pagkakakiliti.

Natatawa na rin ako, nakakahawa talaga ang tawa ng kapatid ko. Parang walang problema.



"Ate Malouy, pasensya kana if ikaw ang magbabantay kay Ria ha? Makulit kasi itong bata ko," apologetic na sabi ko sa kaniya. Tinawanan naman niya ako na parang wala lang sa kaniya na magpasaway ang kapatid ko sa kaniya.



"Ay, dai! It's oki lang. May katulong naman akong mag-alaga sa kaniya!" Masayang sagot niya kaya nangunot ang noo ko at nagtaka.

May bigla naman siyang tinawag. At tinawag niya itong... "Georgina!"

May bigla namang sumulpot na babae. Simple lang ang suot niya pero napaka-ganda niya.


Mamula-mula ang pisngi niya at pinagpapawisan pa bahagya. Parang hindi sanay sa init. Parang kulay ng strawberry ang labi niya, normal kaya iyong kulay ng labi niya? Kainggit naman. Maganda rin ang hubog ng katawan niya at mukhang inosente at mapungay ang mga mata.

Nahihiya naman itong ngumiti sa akin. "Hi..." Pati iyong boses, boses anghel.


Ngumiti din ako sa kaniya at nagpa-alam na. Pero bago ako umalis ay humalik muna ako sa pisngi ng kapatid ko. Nahuli pa nito ang buhok ko kaya naman natawa na lang ako.


At kagaya nang dati ay umiiyak ito sa tuwing aalis ako.

Napapaiyak din tuloy ako. Bumibigat talaga ang dibdib ko kapag nalalayo ako sa kapatid ko. Hindi ako mapakali, palagi kong iniisip kada minuto kung anong ginagawa niya.



Kung kumakain ba siya ng maayos at nakakatulog ba sa hapon.



Tahimik akong pumasok sa classroom kahit pa ang ingay-ingay ng mga kaklase ko. Ang iba pa sa kanila ay nilapitan ako para i-tanong kung may assignment naba ako pero ang sagot ko ay wala kahit meron naman.

Napakatamad kasi nilang magsagot ng mga assignments. Tapos pinaghirapan ko papakopya ko lang sa kanila?

Tahimik akong pumirmi sa likod at inayos na ang gamit sa bag ko. Wala pa ang mga kaibigan ko kaya wala pang maingay.


Actually, hindi talaga ako palasalita at pala-tawa na kung tawagin nila ay nonchalant.

Wala, nakakapagod lang kasi talagang tumawa at ngumiti. Lalo na kung may problema ka. Hindi mo maitatago ang totoo mong nararamdaman sa ngiti mo.


The Pain we Can't Laugh About (Rush Beast Series #4) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ