Kabanata 3

3 2 2
                                    

Kabanata 3

Pasaway











Dahil sa love letter na iyan parang ayaw ko na lang pumasok sa klase nila.

Pero nandito na ako sa tapat ng room nila. Sure naman ako na wala siya, ang balita ko kasi ay wala raw sa bokabularyo ng Leandro na iyon ang mag-aral at ang salitang future.

Pero nasa simbahan? Ano iyon pakitang tao? Pero bakit no'ng makita ko siya sa simbahan ang lungkot ng mga mata niya? Parang may gusto siyang patunayan na mali ang pag tingin naming lahat sa kaniya. Pero nambababae naman siya lalo kaya talagang sasama ang tingin namin sa kaniya at mahihirapan kaming pagkatiwalaan siya.

Parang nag mukha pa kaming judgemental sa kaniya.

Inayos ko ang tali ng buhok ko at pumasok na sa loob. Unang tapak palang ng sapatos ko ay kusa silang tumahimik na para bang may dumaang anghel. Na kasunod sa akin ang mga mata nilang tila nakakita ng sikat na artista at nagkikinangan ang mga mata sa mangha.

Iyong mga lalaki sa likod na mag babatuhan sana ay nabitawan ang papel habang nakatingin sa akin at nakanganga. Para silang na starstruck.

Salat sa emosyon naman akong nag iwas ng tingin sa kanilang lahat.


Pagkalapit ko sa table ay maayos na silang lahat na naka-upo lalo na ang mga lalaki sa likod. Na kung tawagin ng lahat ay boys at the back na hinding-hindi mawawala sa buhay mo bilang istudyante.



Pero na pansin ko lang na wala ang isa sa kanila na kanina ay mambabato rin sana.

Nangunot ang noo ko at hinayaan ko na lang baka kasi iba iyong nakita ko.

Ngumiti ako sa kanila pero hindi ko alam kung tunay ba iyon. Unti-unti na rin akong nagiging komportable dahil wala ang presensiya ng tao na ayaw kong makita ngayon at tila nakahinga naman ako nang maluwag. Basta ang alam ko ay magiging successful ang pag-babantay ko sa kanila at turo na rin at the same time na wala siya.


"Good morning, everyone. I'm Anika Reeca Jane Guevarra—" bigla akong napatigil sa pagpapakilala nang may biglang pumasok sa loob ng room, na siyang naging dahilan kung bakit nagsiingayan ang lahat dahil sa tilian ng mga kababaihan. Na dinaig pa ang megaphone na nasa studio.


Nagdikit ang mga labi ko at pinakatitigan ang pumasok na lang bigla. Nasa akin ang mga mata nito habang nginunguya siyang gum kaya gumagalaw ang perpekto nitong panga. Mapag laro rin ang klase ng emosyon sa kaniyang mapang-akit na mga mata, para siyang nang-aasar na namamangha.

Nagpantay ang mga kilay ko na kanina ko pa pinipigilan na h'wag tumaas dahil sa inis ko sa bigla na lang pag pasok niya. Dahil sa istudyanteng ito na ang pangalan lang naman ay Leandro at hindi rin naman siya makikinig sa'kin kapag binawalan ko siya, kasi pasaway.

Sa likod niya ay nando'n iyong lalaki kanina sa dulo. Kaya hindi talaga ako nag iimagine kanina na may lumabas na istudyante. At hindi ba nila alam na napaka disrespectful ang lumabas nang walang paalam at pumasok ng hindi bumabati?



Hinayaan ko na lang dahil mukha namang hindi rin sila masasaway.



Nakikipagtitigan pa siya sa akin at napakamapag-laro ng ngisi sa mga mapupulang mga labi nito. Nakapamulsa pa siya at tuwang-tuwa na naglalakad papunta sa dulo. At nang umupo ay nagpangalumbaba sa desk niya at masinsinan akong tinitigan nang mapang-akit nitong mga mata.


At kung makatitig siya ay para akong painting sa museum, tinitingala at hinahangaan niya sa sobrang ganda ng bawat pinta at tamang pagkaka guhit ng bawat sulok ng hubog sa mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pain we Can't Laugh About (Rush Beast Series #4) Where stories live. Discover now