Chapter 6

9 1 0
                                    

Skylar POV

Nang makaalis na si Sir, napabuntong-hininga ako. Grabe 'yong kaba ko habang kinakausap ko siya. Bakit parang masungit siya? Hindi parang, masungit talaga siya! Matapos kong ayusin ang gamit ko sa table, naglibot muna ako sa opisina niya. Maganda kasi yung ambiance dito, malapad at malinis. Maganda rin yong view sa bintana, nakakawala ng stress.

Napalingon naman ako nang bumukas ang pinto ng opisina niya, at pumasok ang isang lalaki. Ito yung kasama niya kahapon.

"Where's your boss?" Tanong nito sa akin.

"I don't know, but he told me that he's busy po."

"What's your name again?"

"Skylar."

"Skylar, what a beautiful name for a beautiful woman like you. Ayos ba ang boss mo?"

"Uhm, maayos naman po. Okay naman po siyang kausap kaso parang masungit po eh." Napakamot ako sa noo ko matapos sabihin yon, pero he just laughed.

"Masungit talaga 'yon, sa iba, pero sayo hindi ka susungitan nun."

"Hindi pa nagsusungit kasi baguhan pa lang ako. Baka ilang weeks sisigawan na ako." Tumawag kami pareho.

"Trust me, hindi ka sisigawan nun..." May sinabi pa siya kasunod non, pero hindi ko narinig. "Hoping, Sir."

"Just call me Andrei, pinsan ako ng boss mo. Huwag ka na rin mag-po, nakakatanda eh." Nakangiting pakilala nito sa akin, tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Sure, Andrei. Ano pala kailangan mo kay Sir Vladimir?"

"Wala lang, gusto ko lang inisin." Tumawa pa ito ng malakas habang nakatingin sa akin. I knew it, he's a vampire. Ayaw na ayaw ng magulang ko na mahawakan man lang ako ng isa sa kanila. That's why I'm  wearing that necklace.

But in this case, hindi naman ako nakaramdam ng panganib. Magaan ang pakiramdam ko kay Andrei. Alam kong mabait siya at hindi naman yata niya ako sasaktan. Okay na okay ang vibe, parang walang problema.

"Sino ba mas matanda sa inyong dalawa ni Sir?" Biglang natanong ko.

"Ako, 3 years ang agwat namin. I'm 29, and he's 26."

"By the way, Sir, I mean Andrei. Alam niyo ba schedule ni Sir Vladimir?"

"Alam ko schedule niya, sakin ka na lang magtanong."

"Ay, mas mabuti po yon, pakisulat na lang po dito."

Naalala ko bigla ang trabaho ng magulang ko noon. Vampire hunter sila, oo, sila yung pumapatay sa mga bampira. Nanggugulo kasi noon sa bayan namin ang mga yon kaya natuto na rin akong makipaglaban. Galit na galit sila mama at papa sa mga bampira dahil muntikan na ako makuha ng isang babaeng bampira noong sanggol pa lamang ako. Palagi nilang sinasabi na ako daw ang tinakdang dalaga. Mga ilang araw lang, lumipat agad kami ng bahay. Mula noon, puno ang aming buhay ng mga adventure at panganib. Tinuruan kami ng mga magulang namin kung paano protektahan ang mga tao mula sa mga bampira.

Ngumit parang iba ang nararamdaman ko kay Andrei. Hindi siya katulad ng mga masasamang kwento na itinuturo sa akin ng mga magulang ko. Kapag kasama ko siya, nawawala yung takot na natutunan ko sa mga kwento tungkol sa bampira. Hindi ko alam kung paano, pero parang iba siya, parang hindi ka makakaramdam ng peligro sa kanya.

Umalis na si Andrei, biglang dating naman ni Sir.

"Hindi ka pa kumakain, ano? Sama ka sakin, mag-lunch tayo." Ayaw ko sana, pero bigla niya akong hinila palabas ng opisina. 'Di ko alam kung tatanggi ako, baka mamura ako kung oo. Nang makapasok kami sa elevator, binitawan niya kamay ko.

"Sir, huwag na po kayong mag-abala magbayad ha?"

"Nakakahiya po kasi kung ikaw magbayad..." Parang pabulong ko nang sabi.

"Think that this is a reward for your first day." Nakangiting sabi niya. "Ay! Huwag n–"

"Its fine, libre ko na." Nang makarating kami sa cafeteria dito sa building, napanganga na lang ako sa dami ng pagkain na nakahain ngayon sa mesa namin.

"Ah sir, napadami po yata 'yong pagkain." Sabay tingin ko ulit sa mga pagkain nasa harapan namin.

"Alam kong gutom ka, kumain ka na, sabayan kita." Sabi niya at kumuha ng kutsara at tinidor. At least hindi ako gumastos nitong pagkain namin ngayon. Kumuha na agad ako ng kanin at adobo.

"How's your Grandma?" Biglang tanong niya habang kumakain kami.

"She's fine, Sir. May pagkakataon lang na nanghihina na lang siya bigla." Sagot ko naman at sinubo 'yong pagkain nasa kutsara ko.

Nagpatuloy ulit kami sa pagkain nang biglang nasugatan ni Sir ang kamay nito habang naghihiwa ng steak niya.

"Are you okay, Sir?" Agad kong kinuha 'yong panyo na nasa bulsa ko at nilapat sa daliri nitong dumudugo.

"I'm fine, its just a cut." Sabi nito at napatingin sakin. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway nang mapatingin ulit sa dugo na nasa daliri niya.

"Sir, is that normal blood? Bakit parang ang pula-pula niya?" Sagot ko nang bumalik ako sa pagkakaupo. Gusto ko sanang tikman dugo niya. ANO BA 'TONG NASA ISIP KO! I'm not a vampire, hindi dapat amp nadidistract sa dugo.

The Vampire's MateWhere stories live. Discover now