CHAPTER 7 connection

0 0 0
                                    

Pyra Astrid 's pov

Pagkatapos ng nangyaring pag liligtas sakin ni Kairo, hindi ko na talaga maintindihan ang nararadaman ko.

Madalas na kaming magkasama ,at habang tumatagal ay mas nagiging malapit kami sa isa't isa.

Pyra!

Napalingon ako nang tawagin ako ni Kairo naglalakad sya palapit sakin ,habang nakangit .

Kasalukuyan kaming nandito sa pribado kong lugar kung saan din ako nag sasanay kasama sya.

What are you doing here? Tanong nya at tumabi sakin , ngumiti ako sakanya bago sumagot.

Wala nagpapahangin lang, tumango sya sakin.

Alam mo ang wierd , naramdaman ko ang paglingon sakin .

Weird? Tumango ako sakanya at tumingin.

Kasi , ngayon lang nangyari to ,napakunot ang noo nya pero hindi nagsalita.

Yung maging malapit ako sa tulad mo , sa isang lalaki, bukod sa daddy ko , ngumiti ako sakanya.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin bago sya magsalita.

You know what, pareho lang tayo ng naramdaman, ako naman ang napatingin sakanya.

The first time i saw you, i feel like I have a connection with you, napatango nalang ako sa mga sinabi nya.

And now, habang  tumatagal ay na nakakasama kita, parang mas lumalalim yun .

Nakatitig lang ako sakanya at hindi nagsasalita , hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sakin. Habang nakatingin ako sakanya at habang hawak nya ang kamay ko ay ramdam ko ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Nanatili lang kami sa ganung pusisyon hanggang sa nagulat ako nang marahan nya akong hilahin at yakapin.

Habang yakap ako ni Kairo ay hindi ko alam kung bakit ,pero habang  yakap ako ni Kairo ay nararadaman ko ang isang pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko pa ramdaman.

With his arms ,i feel save , hindi ko namalayan na kusa na palang tumaas ang mga braso ko at yumakap sakanya pabalik.

Master! Napabitaw ako kay Kairo nang marinig ko ang boses ni Emerald.

Ayiee , sila Master, sambit ni Emerald na may nanunuksong tono.

Naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko, kaya napaiwas ako ng tingin kay Kairo.

***

Nagpresinta si Kairo na ihahatid nalang ako sa bahay , nang malaman nyang wala aking sundo.

Hindi na ako umangal ,dahil ang sabi nya baka maulit nanaman yung nangyari nung nakaraan . At dahil sa ayoko rin namang mangyari yun ay pumayag na akong ihatid nya.

Nang makauwi na kami sa bahay ay agad kong binuksan ang pinto , bumungad sakin sina mommy , pero nagulat ako nang makita ang mga pinsan kong sina Alice at Allen .

Kasama nila sina tito Arman at tita Candy. Nang matingin si mommy sa gawi ko ay ngumiti sya sakin. Pero mas lumawak ang ngiti nya nang makita kung sino ang kasama ko.

Hi sweetie you're here, and you're with Kairo , hi iho! Tumango si Kairo kay mommy at ngumiti.

Lumapit ako sakanila sumusunod naman sakin si Kairo. Humalik ako sa pisnge nila mommy. At bumati kila tito Arman.

So madalas na yata kayong magkasama ngayon? Tanong ni mommy.

Ahh , sinasamahan ko lang po si Pyra , baka po kasi maulit yung nangyari nung nakaraan lalo na po at madalas na busy si Pyra at gabi na nakakauwi, mahabang paliwanag ni Kairo.

Tumango - tango si dad , alam nila ang nangyari sakin noong nakaraan at pati narin ang pagtulong ni Kairo sakin.

Mabuti nga at nasasamahan mo sya nang sa ganun ay mapanatag kami ng mommy nya. Sambit naman ni dad.

***

Sa bahay na  naghapunan si Kairo, bago umalis. Inihatid ko sya sa labas , magpasalamat ako at nagpaalam sakanya. Nang maalis na si Kairo ay agad akong pumasok sa loob, nagulat ako nang sumulpot  si Alice.

Uyy insan ha kailan ka pa naging close sa boys? Napangiti nalang ako at napapailing.

Umakyat na ako sa kuwarto at naghandang magpahinga. Pero kahit nakahiga na ako at pagod ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Bumalik - balik sakin ang mga nangyari kanina, napabuntong hininga nalang ako at pinilit na matulog .

Pyra The Long Lost  princess of Arzea AcademyWhere stories live. Discover now