Chapter 22 Leveling

0 0 0
                                    

Pyra Astrid s pov

Isang buwan na mula nang nagsimula ang klase namin. Ngayon naghahanda na ang lahat para sa paparating na Leveling.

Kasalukuyan akong nasa training room. Isang linggo nalang ay leveling na.

Habang nagti-training ako ay biglang bumukas ang pinto ng training room. Naramdaman ko ang isang pamilyar na prisensya.

Ngumiti ako nang makita ko si Kairo , lumakad sya palapit sakin at niyakap ako.

Kanina ka pa dito , hindi ka pa ba napapagod? Tanong nya sakin sabay halik sa noo ko.

Tapos narin ako , tara punta tayo sa cafeteria nagugutom ako , yaya ko sakanya. Tumango naman sya sakin bago ako akbayan palabas ng training room.

***

Nang makarating kami sa cafeteria ay tulad ng madalas na mangyari ay nasa  amin nanaman ang atensyon ng lahat. Pero ang hindi nakaligtas sakin ay ang talim ng tingin sakin  ni Ariella.

Napabuntong hininga nalang ako , habang naglalakad papunta sa may counter.

Babe, maupo ka , ako nalang ang kukuha ng pagkain natin. Ngumiti ako kay Kairo at tumango, bago maglakad papunta sa isang mesa.

Tahimik lang akong nakaupo sa isang mesa habang hinihintay si Kairo. Mayamaya ay dumating sya na may dalang dalawang tray na may lamang pagkain.

Nilapag nya sa harap ko ang tray , bago sya maupo sa tapat ko . Nagsimula na kaming kumain.

Ready ka na ba para sa leveling next week? Napatingin ako kay Kairo sa tanong nya.

Kahit hindi nya sabihin sakin ay alam kong nag aalala sya para sakin. Ito ang unang beses na sasabak ako sa leveling. Hindi ito katulad ng mga gulong nakaharap ko sa mundo ng mga tao.

***

Past forward

Papunta na kami sa battle field, ngayong araw ang leveling namin. Kasama ko ngayon ang golden Phoenix.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang kabahan . Oo sanay akong lumaban , pero iba ito ngayon dahil hindi na mga simpleng mga tao ang kakalabanin ko.

Isa- isa  na kaming tinawag  ni HM . Magagaling ang lahat ng mga estudyante. Patuloy lang akong nanunuod hanggang sa ako na ang tawagin ni HM.

Tumayo ako at naglakad papunta sa battle field. Hinintay kong makalapit si Ariella.

Oo, tama kayo ng narinig, si Ariella ang makakalaban ko.

Are you ready to lose? Nakangising tanong nya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi sumagot.

Humadyat na si HM kaya pumusisyon na ako hanggang sa nagsimula na ang laban .

Agad na sumugod sakin si Ariella, winasiwas na sakin ang espada nya, agad ko itong iniwasan at tumalon palayo.

Nang makalayo ako sakanya ay ako naman ang  gumawa ng atake at dahil sa bilis ng kolos ko ay hindi nya ito naiwasan.

Tumilapon sya ng malayo . Kita ko ang pilit nyang pagtayo . Hinintay kong makatayo sya at nakaharap sakin.

Nang makatayo na sya at makaharap sakin ay kita ko ang galit sa mga mata nya.

Agad syang tumakbo palapit sakin at muling akong inatake. Sinalag ko ang espada nya at sinipa sya ng malakas.

Muli syang tumilapon palayo. Huminga ako ng malalim. Tumakbo ako sakanya at nang makatayo sya ay sinalag ang atake ko .

Pero dahil sa panghihina ay  nawalan sya ng balanse kaya napaupo sya.

Pinilit nya ulit na tumayo at sa pagkakataong ito ay gumamit na sya ng kapangyarihan nya.

Muli akong umiwas sa pinakawan nyang ice spike. Kasabay nun ay amg pagpapalabas ng water shurikren .

Dahil hindi nya inaasahan ang pag atake ko ay hindi sya nakaiwas.

Ahhhh!

Sigaw ni Ariella bago bumags at mawalan sya ng malay.

Umalis na ako sa field pagkatapos na inanounce ang pagkapanalo ko at lumapit kila Kairo.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Kairo at hinalikan nya ang noo ko.

***
Nang matapos na ang leveling ay isa isa narin ang pag announce ng mga estudyante na mapapabilang sa ng special group.

At tulad ng inaasahan ay naging opisyal na akong naging membro ng golden Phoenix.

Pyra The Long Lost  princess of Arzea AcademyWhere stories live. Discover now