Chapter 23 The Two Magical Books

1 0 0
                                    

Kairo Lester's pov

Two weeks after ng Leveling ay naging maayos naman ang lahat at syempre masaya ako.

Masaya ako na kasama na namin si Pyra sa group namin. At ngayon ay papunta kami kay HM, dahil may ipapagawa daw sya.

Ano kaya ang ipapagawa ni HM satin? Tanong ni Raven.

Hindi ko rin alam, sagot ko sakanya nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa HM office.

Si Pyra na ang kumatok, nang sumagot si HM ay binuksan na ni Pyra ang pinto.

Nang makapasok kami ay nakita namin si Head Master na nakatayo at nakaharap sa bintana.

Humarap sya amin at naglakad papunta sa lamesa nya.

Umupo sya sa upuan at muling tumingin samin. Naglakad kami palapit sakanya.

Head Master, ano pong kailangan nyo, bakit nyo po kami pinatawag? Tanong ni Pyra.

Nakatanggap ako ng impormasyon mula sa espiya natin sa dark kingdom. Nalaman nya na may hinahap ang prinsepe ng dark kingdom.

Seryosong sambit ni Head master, nagkatinginan kami bago magsalita si Zaiden.

Ano pong ipinahahanap ng dark prince?

Tumingin si Head master kay Zaiden bago sumagot.

Ipinapahanap nya ang isang libro, napakunot ang noo ko sa sinabi ni head master.

Libro, ano naman kayang libro ang hinahanap ng dark prince? Sandal akong nag isip. Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung anong libro ang hinahanap ng dark prince.

No... It's can't be

Napalingon kaming lahat kay pyra kita ang pag aalala sa mukha nya hinawakan ko ang mga kamay nya.

Why, what's wrong? Nag aalalang tanong ko sakanya.

Tumingin sya sakin at bumaling kay head master bago muling tumingin sakin at magsalita.

Kairo, may balak bang buhayin ng dark prince ang isa sa mga magulang nya? Tanong nya sakin.

Tumingin ako kay head master ,kaya si head master ang sumagot.

Oo iha, may balak nga si Darius na buhayin ang isa sa mga magulang nya. Balak nyang buhayin ang dark queen. Sambit ni head master.

Sandaling katahimikan ang namayani samin bago sya muling magsalita.

Kung ganun isa lang ang librong maari nyang hanapin. Seryosong sambit ko.

Lahat kami ay nakatingin sakanya at naghihintay sa sasabihin nya.

Ang  dark book...

Lahat nagkatinginan bago muling tumingin sakin .

Dark book? Takang tanong ko sakanya. tumango naman sya sakin.

Ano ang dark book Pyra? Sabat ni Arissa.

Ang dark book ay ang isa sa dalawang  mahiwagang librong nikha ng mga god at goddess ng Arzea. Si Emerald na ang sumagot .

Eh, ano bang meron sa librong yun? Nabaling ng tingin ko kay Alonica nang magsalita sya.

Doon nakasulat  ang lahat ng dark magic spells sagot naman ni Pyra.

Kung ganun , anong kinalaman ng libro sa balak ng dark prince? Tanong naman ni Zander.

Isa sa ipinagbabawal na batas dito ay ang bumuhay ng patay. Kaya ang magic spell na may kakayahang bumuhay ay itinuturing na dark magic spell . At dahil itinuturing itong dark magic spell ay isinama ito sa dark book. Mahabang paliwanag ni Pyra.

Pero bakit hindi namin alam ang tungkol sa mga libro, at ano naman ang isa pang libro? Si Raven naman ang nagtanong.

Ang isa pang libro ay ang book of light at sa tanong mo kung bakit wala kayong alam tungkol dun . Yun ay dahil sinadyang ito yun sa mga estudyante ng Arzea. Tanging council at ang mga hari at reyna lang ang may alam dun. Patuloy ni Pyra.

Tumango - tango naman si Head master sa mga sinabi ni Pyra bago magsalita.

Tama ang lahat ng sinabi ni miss Sandoval, para maiwasang magamit ang mga libro sa kasamaan ay inilihim ito sa lahat. Napatango -tango kami sa sinabi ni head master.

Ano pong gusto nyong gawin namin head master? Tanong ni Zaiden.

Bumuntong hininga si head master bago sumagot.

Gusto kong hanapin ninyo ang libro , bago pa ito ma---

Naputol ang sasabihin ni head master nang biglang umilaw nanaman ang amulet ni Pyra.

Pyra The Long Lost  princess of Arzea AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat