07: Chess and Life

19 4 0
                                    

━━━━━━━━━━ • × • ━━━━━━━━━━

"Tinago 'yong bag mo, Avery." Bungad na sabi sa akin ng nag-babantay ng bahay.

Napa-takbo ako sa kwarto ko at tinignan ang gamit ko sa eskwelahan. Wala, wala lahat ni-isa walang natira.

Dali-dali 'kong tinawagan si mama sinagot naman nito ng mga ilang minuto.

"Ano ba Avery, natutulog ako." Sagot nito.

"Ma, 'yong bag ko kinuha," tugon ko naman.

"Oh, ano gagawin ko?"

Para akong tinakluban ng isang malamig na tubig sa mukha noong sinabi niya iyon.

Nanlambot ang tuhod ko at nagsimula nang-kumawala ang luha sa aking mata.

"Pero, ma..."

"'Wag ka nang-dumagdag, Avery. Jusko parang awa mo na. Stress na nga ako dadagdag ka pa."

"Hindi ako makaka-pasok, nandoon lahat ng grades as in lahat."

"Edi, 'wag ka pumasok."

Noong marinig ko iyon ay alam ko na hindi ko na magagawan ng paraan, walang magagaawang paraan ang nanay ko sa problema na ito.

Dali-dali kong tinawagaan ang GC namin ng black piece. Unti-unti na din kong nang-hina at napa-upo sa tabi ng kama mo.

"R-Reia... wala yong bag ko," hagulgol ko sa tawag.

"Ha? Bag mo?" Nag-tataka nitong tanong.

"Oo, yong bag ko lahat wala."

"Anong bag ba?"

"Bag ko sa school, Reia wala lahat kahit ano wala." Sagot ko habang humahagulgol pa din.

"Sige, babalik kami. Intayin mo ako sa gate niyo."

Tumatango ako kahit hindi niya ako nakikita, "Sige."

Ilang minuto ay dumating na din siya sa gate namin agad ko naman itong pinag-buksan.

"Wala lahat ng gamit ko sa school." Panimula ko habang pumapasok kami sa silid ko.

"Saan mo nilagay?" Tanong niya nang makapasok.

"Dito lang sa kabinet ko," sagot ko at binukssn iyon para ipakita sa kanya.

"Tignan mo wala, wala lahat. Ni-isa walang tinira." Sabi ko na nabibilaukan dahil sa pag-iyak.

"Wala yong grades ko, wala lahat." Dagdag ko.

Lumapit namn ito at hinila upang mabigyan ng isang comfort hug, for the first time someone put a hands on me and comforted me.

For the first time in my life, someone is willing to be with me in my ups and downs.

"Gagawa tayo mg paraan, okay?"

I nod as I start to pack my things up as she orders.

• • •

"Seryoso ginawa 'yon sa kanya?"

"Oo," sagot ni Reia sa kanila.

Nasa VC sila ngayon at habang ito ako umiiyak sa sasakyan. Sino di iiyak doon di ba?

Grado yon.

Usapang grades yon.

Grades ang nagiging conflict ko pag-dating sa buhay.

Players Game |Where stories live. Discover now