1

70 10 0
                                    

KABANATA 1

Asher Leigh Cristobal

"Tama ba 'tong school na napuntahan ko?"

Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mataas na gate na puno ng kalawang at halos tinuyo na ng panahon. Hindi ko malalaman kung ito ba ay gate o part lang ng bakod ng property kundi dahil sa plaka na nakapaskil.

I darted my eyes on the paper in my hand with the name of school written on it and then back to the sign, "Aligriya University." Marahan kong sinambit ang pangalan ng university na para bang nag-iwan ng mapait na lasa sa'king dila.

Napalunok ako at nanatiling nakatayo sa harap ng gate. Ito nga kaya 'yon? May isang maling letra lang naman ang pinagkaiba nila, Alogriya ang nasa papel pero Aligriya ang nasa signage. Siguro typo lang tutal malapit naman ang O sa I.

Kung titingnang mabuti, isang gate lang itong nakatayo sa gitna ng gubat. Walang ibang gusali na makikita mula rito kundi ang mga nagtataasang mga puno lang at mga malalagong halaman.

Sa kapal ng mga puno't halaman dito, halos natakpan na nito ang araw. Nakalambitin din ang mga baging ng mga halaman sa mga sanga ng puno na nakadagdag dilim ng lugar.

Pero kahit na matatawag talagang gubat 'to, walang sign ng kahit anong wild animals. Walang claw marks, foot tracks, or anything na nagpapakita ng territoriality.

Madali ring maligaw pero dahil sa sementadong daan na tumatahak dito ay madali lang rin matunton ang gate. Kung hindi siguro dahil sa pathway na 'to baka naligaw na ako.

"May nag-aaral ba dito?!" Inis at pagod kong hinawi ang buhok ko mula sa mukha ko bago pumaywang. Eh mukhang inabandonang camping site lang 'to.

Iritado na ako dahil sa totoo lang ay napakalayo ng nilakad ko mula sa paanan ng bundok marating lang ang gate na 'to. Partida, bitbit ko pa ang ilang bag ng gamit ko. Wala namang nagsabi na ganito pala kalayo ang lalakarin ko mula sa huling babaan ng sasakyan, edi sana nagbawas ako ng dalahin.

Pero gano'n pa man, kailangan ko tumuloy. Walang magagawa, utos ng nakatatanda.

"Bakit kasi hindi na lang ako pinag community service?" Marahas kong pinindot ang bell sa gate pero parang hindi rin gumagana, nauubos na talaga ang pasensya ko kaya sinipa ko nalang ng malakas ang gate na agad namang natumba dahil sa puno na ito ng kalawang na nakapagparupok dito.

"Papasok na po ako!" Sigaw ko, para kung may taong makakita sa akin at sabihin na trespasser ako, malakas ang loob kong sasabihin na nagpaalam ako.

At syempre may pag-galang, dahil kahit mainit ang ulo ko, magalang pa rin dapat. Aim to be savage, not mannerless.

Mula sa gate ay mahabang lakaran na naman ang tinahak ko.

Habang lumalakad ako sa gitna ng gubat na puno ng malulutong at tuyong dahon na kumakaluskos sa bawat pagyapak ko ay may napansin ako. Malamig ang temperatura sa lugar na ito, siguro ay dahil na rin sa makapal na greenery dito.

"Mas mabuti pa siguro kung ginawa na lang 'tong camping site kaysa school," reklamo ko habang tinatampal ang mga insekto na kumakagat sa balat ko. Maliban pa sa mga insekto na nagliliparan sa paligid ko ay kailangan ko ring hawiin ang ilang baging at sapot sa daraanan ko.

"Pambihira, kala mo naman kina-famous nila pag dito sila naglagay ng school." Maktol ko habang patuloy na naglalakad.

Tinuloy ko ang paglakad ko hanggang sa makalabas ako sa gubat na iyon at kahit papaano ay nakaramdam ako ng direktang sikat ng araw. "Andito na 'ko. Sa wakas!" saad ko habang hinahabol ang paghinga ako.

Tumatagaktak ang pawis sa gilid ng mukha ko at nanlilimahid na rin ang itsura ko ngayon. Nakatali ang buhok ko sa isang messy bun at nakalislis na rin ang sleeves ng jacket ko. Maging ang puti kong sapatos ay dark brown na ngayon, kahit ang pantalon ko ay may bahid na rin ng dumi.

School of the Odds: Aligriya UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon