5

14 7 1
                                    

KABANATA 5

Asher Leigh Cristobal

Gabi na at nasa dorm na ako. Inaaral ko ang mga naging lesson namin kanina at may exam daw eka ni headmistress.

Replacement Exam yata ang tawag nila don. Ang grades mo sa exam na 'yon ang magdidikta kung saang section ka mapupunta.

Wala naman talaga akong pakialam kung saan ako mapunta sadyang ito na lang ang ginawa kong pampaantok dahil hindi man lang ako dapuan ng antok. Kada pipikit kasi ako nilalamon pa ako ng kahihiyan. Kaya kesa uminit na naman ang mukha ko, isubsob ko na lang dito.

Pagkatapos ko magbasa-basa ng aralin itanabi ko na ang mga notebook ko. Medyo bilib din ako sa sarili ko kasi pag pinagtuunan ko ng pansin ang mga lesson, talagang na-ge-gets ko.

Pagbukas ko ng bag ko, napansin ko ang binigay na handbook ni Lance sa 'kin. Isang maliit na booklet lang naman ito, kaunti lang rin ang pages. Mahaba pa naman ang gabi kaya sinimulan ko nang basahin ang handbook para na rin malaman ko ang rules dito.

Wala namang kapani-panibago sa handbook, mga rules lang naman tungkol sa pagsusuot ng proper uniform at limited accessories lang unless ikaw ay may mataas na posisyon sa school–katulad ng SSG officers or someone under headmistress' list– pwede mong gawin ang fashion na gusto mo. Medyo nawirdohan ako sa rule na 'yon pero nakaka-motivate rin naman na may reward ang paghihirap mo sa school.

Bawal din ang kahit anong babasahin na hindi kasama sa curriculum. Kaya siguro ni-confiscate ni Lance 'yong magazine ng mga bibe kanina. Common university rules lang ang laman. At ang iba dito ay nabanggit na rin sa 'kin ni Lance tulad ng no cellphones at bawal ang male students sa female dorm and vice versa.

Pero isang rule ang nakapukaw ng pansin ko. Rule no. 37

"Replacement exam shall be taken no matter the circumstances. If it's not taken by a student even with any reason they will be expelled and will be in the blocked list of Aligriya University."

Expel?! At hindi na ulit kailanman makakapag-enroll dito?

Bakit naman ma-e-expel ang isang estudyante kung hindi siya makapag-exam? Hindi ba uso dito ang remedial test? Paano kung may sakit ang bata? Kung sino man ang gumawa ng rule na 'to at ng exam na 'yon ay mga baliw sila.

Kaya ba maging si Lance ay kinabahan ng marinig niya ang balita mula kay headmistress?

Bakit naman gano'n? Sobrang higpit. Kahit cellphones hindi makagamit ang students pati ba naman sa pag-take ng exam lilimitahan nila?

Napailing na lang ako dahil sa sobrang weird ng mga nababasa ko at binaling ko na lang sa ibang pahina ang mata ko at nakita ang rule 46. The last rule.

"The Supreme Student Government President and/or Commander in Chief holds the highest authority among other students. And has the jurisdiction to implement any suitable punishment on students and/or to faculty members even without consulting the head of the disciplinary office or the headmaster..."

Bumagal ang paghinga ko ng mabasa ko ang context. Sigurado ako na napaawang din ang labi ko ng malaman ko na hindi lang pala basta estudyante si Lance sa paaralang ito. Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa taas ng posisyon niya at sa mga kaya niyang gawin.

Ang buong akala ko ay magiging utusan ka ng mga teachers kapag ayaw na nilang humarap sa mga estudyante. Pero hindi gano'n.

Kaya pala tinawag siyang comandante at gano'n nalang ang takot ng mga mokong na bumangga sa amin.

Wala sa itsura ni Lance na may gano'ng klaseng autoridad pala siyang hawak. Mukha lang siyang normal na estudyante sa abnormal na school na 'to. But no, if anything else, he's the most aberrant one.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School of the Odds: Aligriya UniversityWhere stories live. Discover now