2

33 10 2
                                    

KABANATA 2

Asher Leigh Cristobal

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Lance na 'suportado pero 'di saklaw' ng gobyerno. But I just shrugged it off, basta ngayon enrolled na 'ko.

After namin sa admin, sinamahan ako ni Lance sa female dormitory, medyo may kalayuan sa mga main building pero okay na rin, at least, hindi na 'ko manggagaling pa sa paanan ng bundok, hindi ko na rin kakailanganin pa mag-commute araw-araw. Patayin n'yo na lang ako kung ganon lang rin.

Binuksan ni Lance ang pinto ng dorm ko. In fairness maganda ang dorm, minimalist approach pero nag compliment ang kulay. Sana ay mapanatili ko ang clean atmosphere na 'to. Para pa naman daw kural ng kabayo 'yong kwarto ko eka ni Sister Rachel. Namiss ko naman siya bigla. Okay lang, makikita ko rin naman siya after 1st sem.

"Heto ang susi mo, keep it. Kasing halaga 'yan ng badge mo." Iniabot sa akin ni Lance ang susi.

I scoffed, "Joker ka, may duplicate ka rin naman." Agad akong pumasok at gusto ko na rin ipahinga ang paa ko, feeling ko namamaltos na.

"Ako na isang lalaki? Magkaka-duplicate key ng female dorm?" He laughed. Alam ko naman sarcastic lang s'ya pero 'di ko lang in-expect na wala s'yang duplicate keys ng dorms since may copy siya ng admin offices.

"Malay ko ba. Sorry yah." I sarcastically replied as I rolled my eyes. Naupo ako ng pasaldak sa malambot na couch at nagpakawala ng isang mabigat na paghinga at iniunat ang mga nangangalay kong braso.

"That's an invasion of privacy." Ani niya.

Nagtaka naman ako dahil nagsasalita siya sa labas dorm ko, ni hindi man lang pumasok kahit ang tip ng sapatos niya, "Anong ginagawa mo d'yan? Ayaw mo ba pumasok?"

"Bawal ang lalaki sa female dorm at vice versa during school days," mahinang sambit niya. "Makikita mo 'yon sa handbook na binigay ko sa'yo kasama ang badge mo."

"Handbook, handbook ka pang nalalaman," pabalang kong sagot bago ko siya sinenyasan, "dali na pasok na. Hindi pa naman start ng klase kaya allowed ka pa. Saka isa pa, wala akong balak gawin sayo."

He bit his lower lip as if he's hesitating to break that rule.

"Sige na, papasok ka ng kusa o papasok kang pasa-pasa?" angil ko. Alam kong hindi siya natakot sa pagbabanta ko, pero effective pa rin dahil pumasok siya.

Pagkatapos ng ilang sandali ng pagpapahinga namin, inayos ko agad ang kwarto ko pati na rin ang cabinet ko. Ayoko kasing pinapatagal na mga bagay na kaya ko namang gawin pero the other half of me wants to see what's inside.

Pagpasok ko sa bedroom, tumambad sa akin ang 'di ko inaasahan na makikita ko sa isang school dormitory.

"Woy, Lance!" tawag ko sa kanya mula sa bedroom ko. Kumaripas naman siya ng takbo ng marinig ang sigaw ko.

"Ano 'yon?!" He asked in a frightened tone.

"Tignan mo 'to! May lampshade sila! May study table din!" excited kong sagot habang pinapatay sindi ang ilaw ng lampshade. Hindi naman ako naiinosentihan pero ang sosyal kasi, 'di ko na napigilan ang sarili ko.

Sa dati kong dorm walang ganito puro vandal pa ang mga pader. "Ang lambot pa ng kama!"

Narining kong napabuntong hininga si Lance sa pintuan at napasandig siya rito habang nakasakbat ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Pero hindi sya naging KJ at hinayaan lang ang inner child ko na ma-excite.

"Mahaba-haba pa ang araw, gusto mo ba na maglibot muna? Bukas ang ilang dining hall sa lugar na 'to kahit bakasyon since may mga staffs na halos dito na tumira." Sambit niya matapos kong pagpantasiyahan ang mga gamit dito.

School of the Odds: Aligriya UniversityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum