Part 14 - Engfa where are you?

864 17 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

After ko magbayad sa mga pinamili ko, wala pading Engfa akong nakita. Tinawag tawagan ko, hindi naman ma contact at tinetxt ko naman hindi din sumasagot.
"Gosh! Engfa! Saan ka ba?!" sabi ko sa sarili ko. Maya maya lumapit nanaman yung lalaki sakin sabi na "Wala paba yung boyfriend mo? I can help you naman magbuhat sa mga pinamili mo, andami pa naman nyan. If okay lang sayo?" sabi nito. "Ay wag na po baka maya maya dadating nadin kasi yon. Thanks sa offer nalang po" sagot ko sakanya.

Pero itong lalaki hindi padin umaalis, andun padin ito sa may exit banda. Sabi ko nalang sa sarili ko na baka dito ito nag tatrabaho.

15mins na lumipas sa pag aantay ko kay E after ko magbayad sa mga pinamili ko. Lumapit ulit yung lalaki. "Miss kanina mo pa hinihintay yon ah, baka may maitulong na ako sayo. Wala ka bang sasakyan?" sabi nito. At naisipan ko din na pumunta ng parking area baka andun pa ang sasakyan namin ni E. "Meron, kasama ko po siya eh. Naisipan ko na nga na mauna na sana dun"  sagot ko. At nag offer ulit ang lalaki, "Tara Miss, tulongan nalang kita hanggang sa parking area". at tumango nalang ako kasi inisip ko na dun ko nalang hintayin si E if ever.

Naglalakad na kami ng lalaki papunta sa parking area, at laking gulat ko na andun lang si Engfa sa loob ng sasakyan nakaupo sa driver seat at nakatingin samin. Hindi man lang siya bumaba para tulungan ako. "Dito nalang po, Salamat sa pagtulong". sabi ko sa lalaki na binaba na nya yung mga ibang binitbit nya na pinag grocery ko at umalis nadin yung lalaki.

Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan sa passenger seat, habang si Engfa tahimik lang na hindi ito tumitingin sakin at diretso ini start ang kotse at umalis na kami. Nagugulohan talaga ako bakit to nagkaganito, inutusan ko lang to ng sabon tapos ngayon hindi ako pinapansin at iniwan pa ako.

"Bakit mo ako iniwan dun?! Alam mo andami nating binibili! Anong problema mo ba ha?! Bigla bigla ka nalang nagka ganyan?!" sinigawan ko siya habang nag dadrive na nakaharap sa kanya. Pero hindi nya ako pinapansin pero nakita ko naka kunot noo ito habang nang dadrive.

Maya maya nagsalita lang siya bigla, "Putanginang traffic nato! Ang tagal!" sabi nya, "Yung bibig mo nga jan!" suway ko sakanya. at tahimik padin ito nag dadrive na hindi ako pinapansin.

Pagdating na namin sa parking area sa condo namin, dali dali naman itong bumaba at kinuha ang ibang pinag grocery namin at iniwan lang ako. Gusto ko ng umiyak sa ganitong attitude ni E. Iba kasi ito magalit, kung gaano siya kabait, kabaliktaran din ito kung magalit kasi parang walang pakialam talaga. Sobrang haba ng pasensya nga nito pero sa totoo lang takot din ako magalit to.

Habang nasa elevator ako bitbit ko ibang pinag grocery namin, nag iisip talaga ako kung ano ba kinagalit nito. Natatakot ako pagpasok ko sa unit namin baka magwala bigla yon.

Pagpasok ko na sa condo unit namin kasi nauna siya sakin eh. Naabotan ko siya uminom ng tubig at binaba ko na nga ang ibang pinag grocery namin. Lumapit ako sakanya at kinausap ko siya ng pakalma lang. "love, ano bang problema mo? bakit bigla ka nalang nagka ganyan?" at tumingin lang ito sakin, nang bigla hindi ko mapigilan ang mga luha ko na dumadaloy na sa mga pisnge ko. Kasi tinalikuran nya lang ako bigla.

Dumiretso siya sa kwarto namin at nagbihis ito, humiga at natulog. Habang ako umiiyak lang dito sa living area. At nag message ako kay Heidi.

 At nag message ako kay Heidi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Selosa Kung JowaWhere stories live. Discover now