Evicted

12 3 0
                                    

Calli's POV

Pagkagaling kay Ma'am Amara ay bumalik na ulit ako sa tindahan namin. Nang maggabi na, nagsara na rin kami agad para makauwi na dahil matumal pa rin ngayon ang customers.

Maraming niluluto si Lola kasi dito maghahapunan sila Ate Pretty saka 'yung parents niya kaya tumulong na ako na mag-hain sa mesa. Hindi ko alam kung anong meron, pero ayon nga, family dinner tonight.

"Good evening! Pretty in the house!!!" Nagulat naman ako sa grand entrance ni Ate Pretty sa pinto. Parang nakalunok ng megaphone!

"Grabe ang entrance ah!" Puna ko habang naglalagay ng kubyertos sa mesa.

"Calli! Kumusta na? Ang laki laki mo na saka lalo kang gumaganda." Siya 'yung mama ni Ate Pretty.

"Ayos lang po, hehe. Thank you! Mana sa lola hahaha." Hindi kasi kami masyadong nagkikita dahil busy din sila sa trabaho nila, minsan lang mapadpad dito.

"Maupo na kayo, kakain na." Tinulungan ko na sa paglalagay ng mga ulam sa mesa si Lola at pagkatapos ay umupo na kami at nag-pray bago kumain.

~~~~

Nagliligpit kami ni Ate Pretty ng mga pinagkainan habang sila Tito, Tita at Lola ay nasa labas, nag-uusap.

"Kumusta naman 'yung pagpunta mo kanina sa opisina ni Madam Amara?" Tanong ni Ate. Hindi na kasi siya sumama dahil walang maiiwan sa tindahan.

"Okay naman." Tumingin ako sa kaniya habang sinasabon ang mga plato. "Grabe Ate, ang sosyal! Saka huwag ka, may manliligaw si madam, haba ng hair!"

Binabanlawan ko na 'yung mga plato at pinupunasan naman ni Ate ang mesa.

"Eh, sa ganda ba naman ni Ma'am Amara, at sa bait niya, talagang may manliligaw 'yun."

Tama nga naman! Complete package ang Madam namin! Maganda, matalino, mabait, lahat na! Hindi kami dapat magtaka kung bakit may manliligaw siya, dapat ipagtaka namin kung wala siyang manliligaw! Hahaha!

"Pero alam mo, pamilyar sa akin 'yung isa do'n eh. Kanina ko pa iniisip nu'ng nasa pwesto tayo." Pinitik pitik ako ang mga daliri habang inaalala kung saan ko ba siya nakita.

Aha! Sabi na eh!

"Ah! Alam ko na! 'Yung masungit na muntik na akong mabangga, nando'n siya kanina." Parang nagulat naman si Ate. Eh kahit ako, nagulat rin sa realization ko eh. Bakit siya nandoon? Ang small world naman. Magkakilala pala sila.

"Eh kung nanliligaw man 'yun, dapat hindi sagutin ni Madam, gano'n pala ugali." Kunot noong sabi ni Ate.

Actually feeling ko naman, hindi manliligaw ni Ma'am Amara 'yung dalawang lalaki kanina. Inaasar lang talaga namin siya kanina ni Ate Tarra.

Pagkatapos magligpit ay naki-banyo si Ate at akmang babalik na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang usapan nila Lola sa labas. Hindi ako nakiki-chismis ha! Talagang aksidenteng narinig ko lang.

"Eh paano itong bahay? Saan kayo kukuha ng pambayad?" Narinig kong tanong ni Tita kay Lola.

"Hindi ko rin alam, pero may ipon naman kami ni Calli. Doon na lang siguro." Sagot naman ni Lola.

"Kaya nga tanggapin niyo na po ito, para makatulong. " Baka may inaabot si Tito kay Lola base sa mga salita niya, hindi kasi ako sumisilip dahil baka mapagalitan pa ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at chineck ang pera na naipon ko.

Hindi naman ito sapat na pambayad sa bahay, kulang na kulang pa, for sure. Kahit hindi ko alam kung magkano ang halaga, alam kong malaki 'yon.

Sa Bawat Araw (Edited Version)Where stories live. Discover now