Focus

9 2 0
                                    

Calli's POV

Ang sarap ng tulog ko kasi naka-aircon! Hahaha! Shala!

May sarili ring banyo ang kwarto na ito kaya nagtoothbrush at hilamos na ako bago lumabas, nakakahiya kasi, baka makasalubong ko si Ma'am. For sure, fresh na fresh 'yon.

Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay tinatali ko ang buhok ko. I woke up like this ang peg! Hahaha! Medyo namaos ako kasi kumain ako ng ice cream kagabi, remember? Hindi nakatulong 'yung halos tatlong basong tubig na ininom ko. Naihi lang ako ng sobra kaninang pagkagising.

"Good morning La, Ate Lea. Nasa'n po si Ate Vera?"

"Nasa garden, naglalaba. Pwede patulong?" Sagot ni Ate Lea sabay abot sa'kin ng isang mangkok ng fried rice na niluto ni Lola. Nilagay ko 'yon sa mesa at inayos na rin ang ibang nakahain.

Pumunta ako sa sala para sana umupo muna at tingnan ang view sa labas kaso tinamaan ako ng hiya nang bumungad sa akin ang isang bisita.

Siya 'yung isa sa mga lalaking naghihintay sa labas ng office nu'ng naglunch kami ni Ma'am Amara. 'Yung mukhang mabait!

"Good morning po." Bati ko na may kasamang bow. Nahiya talaga ako, ba't ba kasi ako lumabas huhu!

"Good morning." Bati niya na may kasamang ngiti.

Ayieeeee! Umagang umaga, nandito na agad ang guapong manliligaw ni Ma'am.

Maya maya pa ay naririnig ko na bumababa si Ma'am sa hagdan pero pagkakita niya kay Sir Guapo, bigla siyang napahinto sa paghakbang. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang biglang nagalit 'yung mata ni Ma'am pagkakita niya kay Sir.

Well, this is my cue para pumunta sa kusina dahil ayaw ko namang maki-chismis doon. Tutulong na lang ako sa pag-aayos ng agahan.

~~~~

Amara's POV

Goodness' sake! Nandito siya. Ano bang ginagawa niya dito? Bakit ba lagi niya akong pinupuntahan?

"I'm not being rude or anything, but why are you here?" Diretsahan kong tanong.

"I just want to talk." He replied with a straight face.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan." I was about to walk away pero hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Okay naman tayo no'ng isang araw when I brought you here?" He asked and I just rolled my eyes in annoyance.

"Tulog ako no'n. There's a big difference." I answered.

He sighed deeply. "All I'm asking for is a small talk, 5 minutes."

May kakulitan din itong lalaking ito eh. Sinabi na ngang ayaw ko siyang makausap eh.

"NO. I'm sorry, goodbye." I said and quickly walked away.

Lumakad ako ng mabilis papunta sa kusina at sinara ang pinto. Eh sa ayaw ko talagang makipag-usap sa kanya eh.

Bakit ba hindi maintindihan ng mga tao when I say that I don't wanna talk to them? Hindi ba nila naiisip na mahirap para sa'kin kaya ako tumatanggi?

"Calli, pwedeng paki-silip kung umalis na siya?" I asked Calli.

Ayaw ko kasi talagang makita ang mukha niya sa ngayon, umiinit lang ang ulo ko.

"Sure, Ma'am!" She exclaimed.

~~

Calli's POV

So ayon, napag-utusan ako ni madam, hahaha! Mukhang tinatakbuhan niya 'yung lalaking nando'n sa labas. Kawawa naman.

Sumilip ako sa sala at nakitang ibinababa ni Sir 'yung dala niyang flowers sa mesa. Awww! Sweet!

Sa Bawat Araw (Edited Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora