Tee, Jeans, and Young Hearts (Edited Title)

11 1 0
                                    

Amara's POV

Kahit na nakabalik na ako sa opisina ay hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong sinabi ni Alex kanina tungkol sa first date namin. Hanggang ngayon, nagf-flashback pa rin siya. Still fresh as if it only happened yesterday.

Flashback

"Ria! Nasa'n ka ba?" I called Ria dahil it's my first date with Alexander. 6:30 PM na at 7 PM ang usapan namin. I'm gonna be late! I hate being late pa naman!

"Sensya na, girl. Kaka landing lang namin dito sa Hongkong. Hindi na kita nainform." She nonchalantly answered.

Tignan mo itong babaeng ito. Sabi niya, siya ang mag-aayos sa akin para sa date 'tapos biglang gagala pala sa ibang bansa!!

"Eh anong susuotin ko?" Nap-praning kong tanong sa kanya. Nakaipit sa pagitan ng leeg at balikat ko 'yung telepono habang hinahalughog ko ang laman ng closet ko.

"Basta, wear something comfortable para naman makagalaw ka pa rin, pero stylish. Then kaunting makeup lang, okay na 'yon. Maganda ka naman na."

Binola pa ako ng bruha.

Bumuntong hininga ako. "Sige, thank you. Chocolate ah." Pahabol ko habang patuloy pa rin sa paghahanap ng damit.

"Sureee! Bye!" Binaba na niya ang tawag at hinagis ko sa higaan 'yung telepono.

Mukhang binagyo itong kwarto ko sa sobrang daming damit sa paligid.

Dress?

Leggings?

Shorts?

Jeans?

T-shirt?

Napatingin ako sa orasan at lalong nataranta. 6:45 na!!

"Hay, bahala na!" Sinuot ko na lang ang unang madampot ng mga kamay ko.

Jeans, tee, rubber shoes and white cap. That's the combo that I'm wearing right now.

Okay na 'to. Hindi na rin ako magm-makeup, kilala naman na ako ni Alex eh.

"Okay, Amara. Good luck sa'yo!" I hyped myself up before walking out of my room.

~~~~

Nakarating na ako sa meeting place namin ni Alex for our first 'romantic' date.

Alex is one of my childhood/teenage friends, and he finally asked me out on a formal, romantic date. It's my first time to ever go on a date so I don't know what to expect but I know with Alex, it'll just be a fun time.

"Kayo po ba si Ms. Amara Claire De Vida?" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil kay Kuya na biglang lumitaw sa gilid ko. Gabi na rin kasi eh!

"Ah, opo." Sagot ko.

"This way po, Ma'am." Sinundan ko lang siya at nakarating kami sa overlooking na bahagi ng lugar kung saan may romantic table set up for two.

Umupo na ako at inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hmmm...maganda 'yung lugar. I've never been here before, nagpahatid lang ako sa driver.

"Good evening, Amara!" Narinig kong bati ng tao sa likuran ko. I looked behind me and I saw Alex smiling and looking like he's trying not to laugh.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" I asked him.

He shook his head 'no'. "Nothing." He then showed his arm that has been hidden behind his back the whole time and revealed a big box of chocolates. "Ito pala, your favorite chocolates."

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon