Chapter 11 - Fallin'

7 5 0
                                    

Ethereal's POV

“Bakit po nasa T.V si ate Matilda?” Tanong ni Jonah kaya naglakihan na lang ang mata ko sa aking nakita.

“Ahhhh….” Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa kanya. Hindi ko gawaing magsinungaling sa kanya at ayokong maniwala siya sa mga haka-haka na ginagawa ko na ang katotohanan ay iisa kami ni Matilda.

“Hindi po ba, wala na po si Ate Matilda? Bakit po nasa T.V si ate Matilda kahapon sa balita?” Tanong pa ni Jonah sa akin. Hindi ko talaga alam ang magiging sagot ko. “Pwede po bang makita ko si ate Matilda?”

“Ahhhh… K-kapangalan lang niya ‘yon, Jonah.” Ito na lamang ang sagot ko habang nagpapawis ang aking noo. Hindi ko ito gusto pero para sa kaligtasan niya ay gagawin ko. “Hindi ko alam kung sino siya kaya siguro ay malayong kamag-anak lang natin siya.” Dagdag ko pa.

“Pero gusto ko parin siya makita.” Sabi pa ni Jonah sa akin.

“Jonah, hindi tayo pwede lumapit sa mga hindi natin kilala.” Ito na lamang ang sagot ko sa kanya. “Tandaan mo, huwag tayong lumapit sa mga hindi natin kilala dahil baka hindi natin alam ay magaya pa tayo ng nangyari sa atin ng ate Matilda mo at nila Mama at Papa.” Banta ko sa kanya para hindi na ito maging pasaway na gusto niyang makita si Matilda kahit ako ang nasa likod noon.

“Ganun po ba ‘yon?” Yumuko na lang si Jonah habang sinabi niya ito.

“Yes, Jonah.” Sagot ko naman. “Huwag kang lalapit sa mga hindi nating kilala.” Bilin ko pa sa kanya.

“O-opo, ate Ethereal.” Tugon na lamang ni Jonah at nagpatuloy na lang ito sa kanyang kinakain which is ang sopas.

“Kumain ka muna d’yan at mamaya ay dadalhin kita sa Mall dahil wala naman pasok ngayon.” Sabi ko na lamang sa kanya at tanging ngiti lang ang sagot ni Jonah sa akin.

Mamaya, biglang nag-ring ang selpon ko na nasa ibabaw ng mesang kinaroroonan naming dalawa ni Jonah kaya hinawakan ko ang phone ko. “Sandali lang, Jonah. Kumain ka lang d’yan.” Sabi ko habang tumayo ako sa kinaroroonan ko at tumalikod sa kapatid kong kumakain ng sopas. Isang swipe ay sinagot ko ang tawag at nilagay ko sa may bandang tenga “Hello?”

“Oh Reyal! Mabuti at sinagot mo ang tawag ko today.” Si Monique.

“Bakit ka napatawag, Monique?”

“Musta na assignment mo today? Balita ko, may mutual understanding kayo ni Jordan.”

Dahil sa narinig ko, wala akong ideya kung ano ang kanyang tinutukoy. “A-anong ibig mong sabihin?”

“May kinuwento si Jordan sa aming tatlo ni Levander kanina dahil magka-grupo lang naman kami sa project. Isa pa, gusto niyang bigyan ka ng libro ng The Dream Match with pirma ni laloves Kemba Clinton.”

“Kakapunta lang natin sa book signing ni Kemba Clinton noong nakaraan, ah?” Giit ko naman. “At saka si Idol Kemba ang nais ko.”

(A/N: Haponesa ka ba, Ethereal?)

“Ay sus! Asawa ko na si Kemba, Reyal.” Monique.

“Tinawagan mo ba ako para asaarin mo ko?”

“Hindi ah! Actually, pinapapunta ka rito dahil may pancit canton party tayong apat nila Levander at Jordan.”

All Hail, Eternal Queen!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon