Chapter 13 - The Dark Queen's Mind Games

8 5 0
                                    

Ethereal’s POV

Nasa maliit na café ako ngayon kasama sila Monique at Levander dahil kakatapos lang ang class day namin. Nagbabasa si Levander ng libro na ang pamagat ay The Dream Match Season 1 Volume 4 habang tinutulungan ko si Monique sa pag-arrange ng mga nabili naming mga libro sa booksigning nila Kemba noong nakaraan dahil may pasa-buy si Monique sa mga customer niya.

“Bundle ba ng Reconnect The Bond ang isang ‘to o Complete Version?” Tanong ko sa kanya habang tinignan ko ang listahan.

“Bale bundle ‘yang 621 ang last tree digit ng credit card n’yan.” Sagot naman ni Monique habang nagte-tape na ito ng magiging parcel na ang laman ay isang libro lang sa isa pa niyag customer. “Reconnect The Bond Bundle tapos The Dream Match Season 1 Volume 2 at 3 and order n’yan.”

“Okay!” Tugon ko na lang at ginawa ko na lang ay nagsimula ako magbalot ng mga librong kanyang binanggit.

Mayamaya, biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa, tunog ito na may tumatawag sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ang tumawag ay ang number ni Jordan na 126 ang huli pero sim 2 ang aking tinanggap.

“May tumawag sa’yo, Ethereal?” Sabi ni Monique sa akin.

Dahil dito, hindi muna ako nagpatuloy sa aking gagawin kaya nagpaalam ako sa kanya habang hinawakan ko ang phone ko. “Sa labas lang ako, Monique.”

“Sige lang, Ethereal.” Sabi naman niya kaya daling lumabas ako sa café at sinagot ko ang tawag.

“Hello, Jordan?”

“Hello Ma’am Matilda…” Ito ang narinig ko kay Jordan. Sa madaling salita, about sa isang bagay na kasama ang Upsilon Sigma Fraternity ang maaring pag-uusapan namin. “Hindi po ba, ngayon po tayo magsasagawa ng pag-hijack sa isang TV Station?” Tanong ni Jordan.

“Ah… Y-yeah, Jordan.” Iniba ko ang boses ko para hindi ako makilala pa ni Jordan na si Ethereal ang kausap niya. “Tonight at seven o’clock in the evening.”

“Akala po ba alas-onse po?”

“First thing, gising ang mga tao sa alas-siete kaysa sa alas-onse.” Paliwanag ko kay Jordan. “Pangalawa, primetime ang oras na ‘yan sa balita kaya mas madaling makita ng buong bansa at buong mundo kapag nagkataon ito.”

“Ano pong channel ang maari nating i-hijack?” Tanong pa ni Jordan kaya mas pinili ko na lang hindi ko ito sagutin ang tanong na ito. May isang istasyon na maari namin i-hijack dahil sabi nila ay may isang nagtatrabaho roon sa channel station na iyon na miyembro din ng Upsilon Sigma Fraternity. Mas mapapadali ang trabaho kung sa istasyon na iyon ang maari naming i-hijack.

Pinili ko na lang iwasan muna ang tanong ni Jordan. “Mamayang hapon ko na sasabihin ‘yan sa’yo.”

~•~•~

Malloria’s POV

“Ano?! Nandito si Seven?!” Ikinagugulat ko dahil may nakalap akong balita na nandito si Seven sa Maharlika na walang sabi sa amin.

“Actually po, nasa labas po siya ngayon.” Sabi naman ni Airish dahil siya ang nagsabi ng balita tungkol kay Seven. “Gusto ka raw niya kausapin, mahal na reyna.” Sabi pa ni Airish.

“Papuntahin mo muna ‘yan dito.” Utos ko kay Airish.

“Masusunod po, mahal na reyna.” Tugon naman ni Airish habang ito’y yumuko sa harapan ko at pagkatapos ay umalis na sa harapan ko, lumabas para gawin niya ang utos ko sa kanyang ipasok si Seven na nasa labas dahil gusto ko kausapin ang batang iyon.

All Hail, Eternal Queen!Where stories live. Discover now