Chapter 1

146 6 2
                                    

Tanghali na ako nagising. Nakakapagtaka dahil dati naman, kahit gaano ako kapuyat ay maaga pa din akong nagigising. Bumangon ako saka pinakiramdaman ang sarili. Hindi ko na maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko, dala lang siguro ng antok ang nangyari kagabi.

Tuluyan na akong umalis sa higaan at nagpunta sa banyo para maligo. Nang matapos ay lumabas ako na nakatapis lang. Kumunot ang noo ko nang mapansin na may isang baso sa lababo.

Hindi na ako uminom kagabi pagkatapos ko maghugas ng plato at lalong hindi pa din ako gumagamit ng baso ngayon na halos kagigising ko lang. Pilit ko inalala kung may iba ba akong pinagbigyan ng susi ng bahay, wala naman.

Kung ganoon, sino ang… gumamit ng baso na ito?

Mahigpit ang kapit ko sa tuwalya habang maingat at walang ingay na naglalakad habang palingon-lingon sa kabahayan. Ni anino o bakas ng ibang ay wala akong makita sa lahat ng sulok ng bahay.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit mula sa aparador at doon na mismo nagbihis. Nang makapagsuot na ako ng panty ay inalis ko na ang tuwalya sa aking katawan at ipinatong ito sa pinakamalapit na upuan.

Napatingin ako sa palad ko, malaki ang hiwa nito, kaya naman pala ang dami ng lumabas na dugo dito kagabi. Kanina ay nahirapan akong maligo dahil mahapdi ito kapag nababasa, tiniis ko lang ang hapdi para makatapos na sa paliligo.

Nanlamig ang buong katawan ko kasabay ng paninigas ko sa kinatatayuan nang biglang may tumikhim sa bandang likuran ko. Hindi na ako nakagalaw at nakatitig na lang sa aking harapan.

Napalunok ako nang maramdaman ang presensya sa mismong likuran ko. Hindi ko magawang abutin ang tuwalya para itakip sa katawan ko, kahit ang daliri ko ay hindi ko magawang igalaw.

Inabot niya ang tuwalya na ipinatong ko sa upuan at ipinulupot sa katawan ko pagkatapos ay narinig ko na sumara ang pinto ng kwarto. Makalipas ang ilang minuto ay saka ko lang nagawang gumalaw.

Nagmamadali akong nagbihis na naging resulta ng ilang beses kong pagmumura dahil sumasabit sa damit ang sugat sa palad ko. Palaisipan pa rin sa akin kung sino iyon, hindi ko nakita ang mukha nito.

Nang matapos ay lumabas ako sa kwarto ko kahit na nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Natagpuan ko ang hinahanap na prenteng nakaupo sa sofa at nakatanaw sa kawalan.

Mula sa kinatatayuan ay pinagmasdan ko ito, hindi naman ito mukhang masamang tao, yun nga lang ay pumasok siya sa bahay ko at nandon siya sa kwarto nung nagtanggal ako ng tuwalya.

Tumikhim ako, kaagad naman itong lumingon sa gawi ko. “Sino ka at anong ginagawa mo dito sa bahay ko?”

Itinaas lang nito ang isang kilay na para bang isang malaking katangahan ang tinanong ko sa kanya. Napakurap-kurap ako nang bigla itong tumawa ng mahina, “hindi mo alam?”

Alam ang alin? Tinitigan ko lang ito at hindi na ako sumagot. Sumumpong na naman kasi ang hapdi ng sugat ko sa palad, nang tignan ko ito ay dumudugo na naman ito. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa kwarto ko para kumuha ng malinis na bimpo.

Nagpunta ako sa lababo para hugasan ang palad, pagkatapos ay pinagpag ko para matuyo saka binalutan ng bimpo. Nang lingunin ko ang lalaki ay bigla itong tumayo at nakapamulsa na naglakad papalapit sakin.

“Curiosity kills the cat.” Inalis nito sa pagkakalagay sa bulsa ang dalawang kamay nito at ipinatong sa lababo, sa magkabilang gilid ko. Ibinaling ko naman ang aking mukha sa kaliwa ko para iwasan ang mata nito. Nanigas ang leeg ko nang maramdaman ang hininga niya sa kanang tenga ko. “Hindi mo man lang naisip na pwede kang mapahamak.”

“S-sino ka ba?” tanong ko na hindi ibinabaling sa kanya ang tingin. Nakakailang kasi dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.

“Nice body, cutie.” Nag-init ang mukha ko kaya nilingon ko ito para singhalan na sana hindi ko na lang ginawa.  Tumama ang ilong ko sa ilong niya at naramdaman ko naman na naestatwa siya sa nangyari.

Agad ko namang iniatras ang ulo at tumingin ng deretso sa mga mata nito. “Ano ba kasi ang ginagawa mo sa kwarto ko? Sino ka ba kasi?” Hindi ko napigilan ang pagkairita kaya bahagyang tumaas ang aking boses.

“Alamin mo.” pagkasabi niya ay agad siyang naglaho na parang bula. Binalewala ko na lang ang sinabi niya at nagtimpla ng kape. Naupo ako sa harap ng lamesa at tumulala.

Ano kaya pinagsasabi non na alamin ko yung pangalan niya? Saka bakit bigla siya nawala na parang bula? Sumimsim ako sa kape na agad ko namang nailuwa sa sobrang init. Kasabay ng pagkapaso ng dila ko ay ang pagkagising ng diwa ko.

Binalikan ko sa phone ko ang picture ng mga sigil na may pangalan sa ilalim. Hinanap ko ang sigil na kapareho ng ginuhit ko sa palad ko kagabi.

Posible kaya na siya yung demonyo na tinawag ko kagabi? Pero ang akala ko ay hindi ito natuloy dahil namatay ang apoy? 

Natigil ako sa pag-iisip nang mahanap ko na sa wakas ang pangalan sa ibaba ng sigil na ginamit ko kagabi. “Damian,” pagbigkas ko sa pangalan.

“May utak ka naman pala.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ito na nakatayo sa pinto ng kusina at nakatingin sa akin. Naka-krus ang braso sa harap ng dibdib nito.

“Diba umalis ka na?” iniwasan kong pilit ang sinabi niya pero hindi maipagkakaila na napakulo non ang dugo ko.

“Yup, tinawag mo lang ako.” Kumunot ang noo ko.

“Binanggit ko lang naman yung pangalan mo,” kunot noo na sabi ko.

“Uh-huh.”

“Does that mean kapag binanggit ko yung pangalan mo, makakarating ka kaagad sakin?” Tumango naman ito sa tanong ko. “And that confirms that your name is Damian.”

May maliit na ngiti na sumilay mula sa labi nito. “I thought you're dumb.” Napigtas ang pasensya ko. Magsasalita na dapat ako pero naunahan niya ako. “Tanga lang kasi ang gagawa ng bagay na ginawa mo.”

Muli na naman itong naglaho sa paningin ko. Shit… nagawa ko!

ALAS sinco ng hapon nung umalis ako ng bahay. Nilakad ko lang ang papunta sa convenience store na pinagtatrabahuhan dahil hindi naman ito masyadong malayo at kaya namang lakarin.

Pagkarating ko ay nandoon na kaagad si Marie, yung makakasama ko ng isang linggo sa night shift. “Teh! Buti nandito ka na.” Nakakaisang tapak pa lang ako sa loob ng convenience store nang magsalita siya at lumapit papunta sakin. Itinuloy ko ang pagpasok ko sa store at isinara ang glass door. Napaatras pa ako nang humarap kay Marie dahil sa lapit niya sa akin. “Sinubukan mo din ba yung chinismis sa atin ni Rica?”

“Yung summoning a demon?” Tumango naman ito. Pasimple ko na itinago sa likod ko ang palad na may sugat. May benda naman ito, kung tutuusin ay kayang kaya ko ito ilusot para hindi malaman ni Marie ang totoo. “Hindi eh. Ikaw ba?”

“Teh naman, ako pa talaga tinanong mo? Alam mo naman na relihiyoso ang pamilya namin, hindi iyon katanggap-tanggap! Hindi nga din sumagi sa isip ko na subukan iyan!” Napataas ang isang kilay ko, ang exaggerated ng sagot niya sa tanong ko.

Iniwan ko na siya at pumunta sa station ng cashier pero agad naman itong sumunod sa akin. “Nawawala si Rica.” Napa-angat ang tingin ko mga mata niya.

“Anong sabi mo?” Inaasahan ko na mali lang ang pagkakarinig, pero namanhid ang pakiramdam ko nang muling ulitin ni Marie ang sinabi. Natulala ako kasabay ng pagiging blangko ng utak ko. Lumunok ako at inipon ang  lakas ng loob para magawang magsalita, “kailan daw siya nawala?”

“Nakaraang gabi.” Hindi na kinaya ng tuhod ko na suportahan ang bigat ko kaya pabagsak akong napaupo sa sahig. Noong gabing iyon ay kausap ko siya sa phone. Sinabi niya sa akin na katatapos niya lang gawin ang ritwal para tumawag ng demonyo.

Tinapik ni Marie ang pisngi ko na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. “Namumutla ka, ayos ka lang ba?” Tumango lang ako at tumayo na mula sa pagkakasalampak.

Tamang desisyon ba ang tawagin siya?

BLOODSHEDWhere stories live. Discover now