Chapter 10

46 3 1
                                    

Finally…

The three months ultimatum finally come to an end.

Binuksan ko na ang pintuan at kaagad akong pumasok sa loob ng bahay. Sa wakaasss!

Inilapag ko ang bag ko sa sofa at huminga ng malalim. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya kapag nandito na siya? Babatiin ko ba o aawayin kaagad? Aamin na ba ako na mahal ko siya? WHAT?!

Nahampas ko ang sariling noo at nagdesisyon na maglinis na lang muna ng katawan dahil baka dala lang ng polusyon na dumikit sa katawan ko ang mga naiisip.

Nang matapos ko linisin ang katawan ko ay nagbihis ako saka umupo sa sofa para lang tumulala sa kawalan. Gagawin ko ba?

Ang tagal ng panahon ko hinintay na dumating ang araw na to tapos ngayon ay nagdadalawang-isip ako.

Gawin mo na, Sam.

Pano kung ayaw niya na ko makita?

Malalaman mo ba kung hindi mo susubukan?

Parang ayoko na gawin.

Ang tagal mo hinintay ang araw na to. Ito na yon kaya wag ka na umatras.

Ihh. Ayoko na.

Sinampal ko ang sariling pisngi para gisingin ang lutang kong kaluluwa. Ano na, gagawin ko ba?

Dali na.

Argh. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Bahala na. “Damian.”

Inilibot ko ang paningin sa paligid pero kahit anino ay wala akong natanaw. “Damian?” pag-uulit ko pero wala pa rin. 

Bumundol ang kaba sa aking dibdib at isang tanong lang ang nabuo sa aking isip. Bakit hindi siya sumulpot?

Paulit-ulit kong sinubukan at halos kinakanta ko na ang pangalan niya pero hindi siya lumitaw.

What the fuck?! Binanggit ko naman yung pangalan niya. Maayos naman ang banggit ko pero bakit wala?

Teka, dati ay basta ko lang binanggit ang pangalan niya. Bakit ngayon ay hindi na gumagana?

Napasinghap ako. Yung mga sigil!

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang picture na ni-save ko dati. Picture ng mga sigil na minsan ko nang ginamit.

Nang mahanap ang sigil na may pangalan niya, iginuhit ko iyon sa aking palad at nang matapos ay handa na akong bigkasin ang mga salita na parang dasal pero natigilan ako.

Isang beses lang diba?

Napalunok ako at muli, hindi ako makapagdesisyon. Ano ba ang mangyayari kapag ginawa ko ulit yon? Paano kung ikamatay ko na yung pangalawang beses na pagtawag ng demonyo?

Nanginginig ang mga palad ko at ang kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas na pati ang tuhod ko ay nanlalambot sa kada tibok nito.

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga at inabot ang kutsilyo saka ko inulit ang ritwal na ginawa ko noon para tawagin si Damian nung unang beses.

Nabitawan ko ang kutsilyo sa sahig nang biglang umikot ang paningin ko. Inabot ko ang kandila na nasa sahig para patayin ang sindi nito dahil hindi ko na kaya pang tagalan ang hilo na nararamdaman.

Kaunting galaw lang ng katawan ko ay kaagad akong babagsak. Pumikit ako ng mariin at uupo na sana sa sofa pero biglang nandilim ang paningin ko at may nahagip lang na bulto ang paningin ko bago ako tuluyang matumba.










Napabalikwas ako ng bangon na nagpasakit ng husto sa ulo ko kaya napapikit na lang ako ng mariin para indain ito.

“Inulit mo.” Nakalimutan ko ang sakit ng ulo ko at namimilog ang mga matang nag-angat ako ng paningin.

His dark eyes, the way it settled on mine, it makes me catch my breath. “Totoo ka ba?”

Sa halip na sumagot ay tumayo ito at lumapit sa akin. It had been months since I last saw him, the guy who held my heart captive. The distance between us had been a constant ache, but now, finally, he's here, in front of me.

With each step closer, a mix of excitement and nervousness keep washing over me. I could feel my pulse quicken, my palms sweating. Magagalit ba siya?

My heart skipped a beat at the sight of him. It felt like time stood still as our eyes locked, a silent conversation passing between us. Everything else fade away, and it was just the two of us. I could feel the magnetic pull between us, drawing us closer and closer.

As he reached out, his hand gently cupping my cheek, a shiver ran down my spine. Our breaths mingled, warm and sweet, as he leaned in, his lips meeting mine in a tender kiss.

In that instant, fireworks exploded in my heart. It was as if all the longing and love I had carried for him during our time apart burst forth, filling every inch of my being.

As we pulled away, our eyes met again.

“Ngayon, sagutin mo ang tanong mo.”

Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi pero pinaharap niya ako sa kanya nang hinawakan niya ang baba ko.

Parang may sariling buhay ang daliri ko. Ni-trace nito ang matangos na ilong ng lalaki sa harapan ko. “Totoo ka.”

Ngumiti siya sa akin na nagpatigil ng pag-ikot ng mundo ko. “Babalik naman na ko sayo.” Sumimangot sa akin ang kanyang mapulang labi. “Bakit mo pa ginawa yung ritwal?”

“Nataranta ako nung hindi ka lumitaw pagtapos ko banggitin yung pangalan mo.”

Umismid ito. “You did that out of panic?” Nag-iwas lang ako ng tingin dahil hawak niya pa rin ang baba ko at ayaw ko na umalis sa hawak niya. “Alam mo kung bakit isang beses lang pwedeng tumawag ng demonyo?”

Umiling ako at binitawan niya ang baba ko. “Dahil pinapatay ng demonyo ang nag-summon sa kanya at wala pang nakagagawa ng pangalawang beses na pag-summon ng demonyo. Ikaw ang una.” Titig na titig ako dito habang nagpapaliwanag ito. “Kagaya ng nangyari sa mga kaibigan mo. Demons don't want to be summoned. Why? Because if that happened, two individuals — the demon and the summoner or human — will be bloodbound, they are bounded by blood until one of them dies.”

Ang gwapo niya lalo habang nagpapaliwanag. “Bakit magiging bloodbound?”

“Kailangan ang sarili mong dugo sa ritwal. Kagaya ng ginawa mo kagabi.”

Napatango-tango ako. “Ibig sabihin ay bounded by blood na tayong dalawa.” Tumango ito sa akin. “Pero bakit muna nung tinawag kita, hindi ka lumitaw?”

“Sa loob ng tatlong araw mo lang akong pwede ma-summon sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ko.”

“Tatlong araw,” ulit ko. “Sa oras na bigla kang maglaho at hindi bumalik sa akin, isu-summon kita ulit.”

Ginigilan niya ang dalawang pisngi ko sa pamamagitan ng pagkulong ng mga palad niya sa mga pisngi ko. “Wag mo na subukan. Hindi na ako aalis sayo. Isa pa, napakadelikado non. Yung unang beses nga ay delikado na, lalo naman na yung pangalawa na pwede mo ikamatay—”

“Pero buhay ako.”

“At hindi mo na uulitin pa ang pag-summon mo sa akin.”

Umiling ako. “Handa akong ulitin yon ng maraming beses para lang ma-summon kita kapag hindi ka na bumalik sa akin.”

“Hindi na kailangan. Hindi na ako aalis sayo kahit magsawa ka pa sa akin.”

BLOODSHEDWhere stories live. Discover now