I lost my home the day I met you

19 0 0
                                    

Chapter 1

Elio's Pov

"NAY! LASING KA NA NAMAN??!" sigaw ko kay nanay na unti unting minulat yung mga mata niya sabay sapo sa ulo

"Argh, tangina yung ulo ko" mahina kong bulong niya

"Umagang umaga Nay, may pasok pa ako, kelan mo ba aayusin yung buhay mo?" sigaw ko kay nanay habang pinupulot yung mga bote ng alak na ininom niya kagabi

"Elio naman, umagang umaga talak ka ng talak diyan" sigaw niya sakin pabalik habang kamot kamot yung ulo niya

"Ilang buwan mag gaganyan? Meron ka pang ako nay oh para namang linibing mo na din ako kasama ni tatay" mahinahong sabi ko sakanya habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya habang naka ngiti

"Wag mo akong artehan diyan Elio, Umalis ka nga at matutulog ako ulit" sigaw niya sakin sabay higa ulit sa upuan sa sala

"Nay naman, andami daming kelangan asikasuhin sa bahay, may mga bills pa na hindi na cover ng pension ni tat-" naputol yung sasabihin ko ng biglang dinampot at tinapon ni nanay yung bote ng alak na ininom niya kagabi

Nakanampucha hindi ko pala napulot lahat

"Umalis ka sa harap ko Elio bago ako mawalan ng pasensya sayo, hindi mo man lang ako hahayaang mag luksa??!" sigaw niya na punong puno ng galit at sakit

"Nay dalawang buwan ka ng ganyan, hirap na hirap na akong bayaran yung mga bayarin ditto pati sa skwelahan, halos mag trabaho na ako buong gabi hanggang umaga para lang mabayara-" naputol ulit yung sasabihin ko ng may tinapon na naman siya this time hindi na bote, picture frame na nakapatong sa side table

Picture frame ng graduation ko, tiningnan ko yun at dahan dahan itong pinulot

"Parang awa mo na Elio, tigilan mo na ako sa kakangawa mo diyan, may pasok ka diba? Umalis ka na, bumili ka ng ulam pag balik mo" mahinanon niyang sigaw at humiga ulit

Huminga ako ng malalim at pinunasan yung luhang tumulo na pala ng hindi ko napapansin, dahan dahan akong tumayo at lumabas ng bahay

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin yung sarili ko, bago tumakbo papuntang bus stop dahil malalate na ako sa klase ako

Para akong malalagotan ng hininga pag dating ko ng bus stop buti nalang naubutan ko pa yung 7am na Bus papuntang school, Sumakay na ako ng bus at sinubukan kong matulog dahil 30 mins pa naman yung byahe papuntang school pero di ko din naman magawa

I miss my old life, Sobrang saya ng pamilya naming noon, kahit na tatlo lang kami

My father always provide everything that we need, Dating Chef sa Cruise Ship yung trabaho ng tatay ko habang nag babantay naman ng grocery store namin si nanay. We were so happy and 

I'm so content with what we have back then that I never ask for more.

Laging umuuwi si tatay tuwing pasko, may dalang maraming tsokolate para sakin at mga alahas para kay nanay

Pero last year December, He never came home.

Ang akala naming ni nanay, baka di lang makakauwi o baka sa new year na umuwi, we tried calling him but we can't reach him.

Until someone called us, and said Tatay was gone, Lumubog daw yung cruise ship na sinasakyan niya, andaming namatay mapa bata man o matanda, may natamaang rock formation ang cruise ship na sinasakyan nila,sinubukan daw nilang hanapin yung ibang katawan ng mga pasahero but they never found all of them kasama na yung bangkay ng tatay ko.

I didn't know na possible yun, na possible na mawala siya sa min ng ganun ganun na lang.

Hindi pa nag sink in sakin nun na wala na si tatay, na hindi ko na sya makikita ulit, na kahit katawan man lang niya di namin mabigyan ng magandang libing

Ang masakit pa nun, nung nawala si tatay, para na din akong nawalan ng nanay.

Nalugi pa yung grocery store namin dahil inom lang ng inom si nanay, Lahat ng Ipon namin inubos niya lang sa kakasugal niya at inom.

Nalulung pa si nanay sa utang dahil ka ka casino niya, halos lahat ng alahas na binigay ni tatay sakanya na iprenda na niya para bayaran yung utang sa casino

Hindi ko na alam anong gagawin ko, Para bang yung tahanan na tatakbuhan ko pag hindi ko na kaya, ay unti unting gumuho sa harap ko mismo.

I felt like I was fighting alone,like i was battling a war that I will never be able to win.

I came to reality when someone tapped me in the back and threw something in my lap

"Mukhang kelangan mo yan" malamig niyang sabi ng hindi man lang ako nililingon

Tiningnan ko kung ano yung inihagis niya sakin

Panyo? Bakit? Takang taka kong tiningnan yung panyong hinagis niya

"Hindi ko to kelanga-" putol na sabi ko dahil hindi ko na nakita ni anino ng lalaking nag hagis sakin ng panyo

Tiningnan ko kung san tumigil yung bus at dali daling dinampot yung panyo at tumayo para lumabas dahil nasa bus stop na ako malapit sa school

Pag ka baba ko sa Bus, I saw my reflection sa salamin sa gilid ng bus stop, namamaga yung mga mata ko at pulang pula yung ilong ko

WAS I CRYING AT THE BUS EARLIER???? Nakakahiyaaaa

Tiningnan ko naman yung panyo na hawak hawak ko ng puno ng kahihiyan

"GRRR I swear to god, pag nakita ko ulit yung lalaking yun-" putol sa sabi ko dahil may asungot na singit ng singit

"Anong gagawin mo? Magpapasalamat?" sarcastic na dugtong ng kung sino mang asungot sa likod ko

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko para Makita kung sinong tanga ang sumisingit sa convo ko with myself

"Excuse you po sir, wag ka pong sumisingit sa me time ko okay? Bye!" I said at tinalikuran na ito

"So you won't thank me for the handkerchief sir?" he said with sarcasm

"Edi THANK YOU SIR" I said with sarcasm also and sabay abot ng panyo nya

"Pogi sana pero apaka hangin naman" bulong ko sa sarili sabay talikod

"Thanks for the compliment, and nice finally meeting you Elio, if you ever need a shoulder to cry on next time just shout my name "Zaviann" he said at linampasan na ako

Pano niya nalaman yung pangalan ko, stalker ba ang shit yun?

Tinakbo ko yung distansya namin kasi naman puta anak ba siya ng giraffe ang haba naman ng mga torso nun

At nung nakalapit na ako sakanya binangga ko siya intentionally sabay sigaw

"Pangit ng pangalan mo! Utot, Hope to never see you again" I said sabay taas ng dalawang middle at takbo palayo sakanya

Sana lang talaga hindi ko na siya Makita ulit.

Home Can be a Person tooNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ