Feelings Grew

6 0 0
                                    

Chapter 4

Zavian's Pov

After our little encounter, I tried to stopped thinking about it

But I can't, The more I stopped thinking about him, mas lalo ko lang siyang nakikita sa school

Ilang taon na akong nag aaral sa paaralang to ngayon ko lang siya halos araw araw nakikita

At hindi na nakakatuwa.

This has to stopped.

Sa halos araw araw na nakikita ko siya, lagi siyang may kasama, its either isa sa mga tropa niya, o di kaya yung lalaking tumawag sa pangalan niya after nilang sumayaw sa orientation

Sa halos araw araw din na yun, wala ni isang beses na hindi ko siya nakitang may bitbit na kung ano ano its either regalo, bulalak o di kaya'y tsokolate

Para bang lahat ng tao sa buong skwelahan mahal na mahal siya.

"Zav! earth to zav!" sigaw ni paxton sakin sabay tapik sa mga balikat ko

Tiningnan ko naman siya ng masama, nag mumuni yung tao ih

"Wag mo akong tingnan ng ganyan, May na salihan ka na bang club? Required yun bago mag completion diba?" tanong niya sakin habang umiinom ng kapeng inorder niya

Nasa coffee shop kami ngayon sa harap ng school, ang haba kasi ng vacant namin halos tatlong oras

"Hindi ko din alam anong sasalihan ko" sagot ko sakanya sabay kamot sa ulo

"Dude, you really need to decide this week, pina pa list na din kasi ng principal lahat ng grade 10 student at yung club na sasalihan nila" sagot naman niya pabalik sakin

"I don't know, baka sa swimming team na lang ako sumali" sagot ko din sakanya sabay inom ng kape ko

"SWIMMING?!, Zav apaka busy naman ng gusto mong salihan, bat di ka nalang sumali sa banda ng school?" oa na reaction ni paxton

"Ayoko dun, andaming interaction sa tao" matabang na sagot ko sakanya

"This is why wala kang kaibigan" he said and rolled his on me and continue drinking his coffee

I just smiled at his statement

Who needs lots of friends anyway.

I joined the swimming team at Grade 10, and got my completion certificate

Nothing really Important happened that year

Except sa halos lahat ng event sa school inaatendan ko na kaso yung opening lang yung pinapanood ko, I really don't know if i like him or not.

Baka kasi bet ko lang siyang sumayaw, yun lang yun.

Kaso, Hanggang sa natapos yung school year na perfect attendance ko lahat ng event kahit na yung mga hindi naman na nga kelangan ng attendance pinuntahan ko pa rin, pati mga competition nila laban sa ibang school na attendan ko din.

Andami kong nalaman tungkol sakanya, He can sing too, and he's super smart puro picture niya yung mga nasa bulletin

and

He's Straight.

And I'm doomed. 

Because I'm falling for him and I don't think I can stop anymore.

Halfway our grade 11 year, may kumalat na chismis na may jowa na daw si Elio, and it did not shock me kasi halos araw araw na tinitingnan ko siya sa malayo kasama niya lagi si addison or addie kung tawagin nila, kapatid siya ni Seb , yung lalaking sumigaw nong pangalan niya during orientation

Sabay sila halos nag lulunch at umuuwi kaso lagi din nilang buntot si seb kahit san sila mag punta

Ganun ata sila lagi everyday.

And that time, I don't even care anymore as long masaya si Elio okay na ako dun

"Zavian Tobias Lopez, Nakikinig ka ba sakin? and dami mong bagsak na subjects halos yung mga pasa mo pang subjects pasang awa naman" sigaw ng adviser ko sakin, nasa faculty ako ngayon, pinatawag kasi ako ni mam dahil may importante daw na pag uusapan

"Sorry ma'am, I'll do better next time" sagot ko naman para di na humaba yung pag uusap namin

"Alam kung busy ka sa swimming team this year, pero mag focus din tayo sa pag aaral zav" mahinahong sabi ni mam sakin

Tumungo lang ako, kahit na di ko naman talaga alam pano ko patataasin ang grado ko

"May problema ka ba sa bahay?" biglang tanong ni mam

tiningnan ko naman siya ng maagi bago ako sumagot

"Wala po mam" sagot ko sa tanong niya at tumingin sakanya ng deretso para mag intay sa susunod niya pang tanong

"Kung meron man zav, don't hesitate to call me or puntahan ako dito sa office okay?" sukong suko sabi niya, tumungo lang ulit ako bilang tugon

"Okay sige, pwede ka ng umalis, gawin mo yung mga pinapagawa ko sayo para maangat ko yung mga babagsak mo ng grade" dagdag niyang sabi

"Salamat po mam" pasasalamat ko sakanya at dali daling tumayo at umalis para makahabol sa training

After training, deretso uwi agad ako sa bahay para maka pagpahinga ng konti at makagawa ng school works na pinapagawa ni mam

Pero di pa ako nakakapag umpisa nag sisigawan na naman sila mama at papa, nakakapagod na sila,sobra.

Sinubukan ko na lang matulog ulit, Airpods on, quiet fcking world.

Home Can be a Person tooNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ