Elio Deserved Better

2 0 0
                                    

Chapter 5

Grade 12 year, Intrams.

Contestant ako nun sa swimming 100m, I was never really good at this or sadyang tamad lang talaga ako

Pero this time kasi I'm aiming for the gold, My father said na kapag nanalo ako, he will grant me anything I wish.

Andaming event ngayon kasi first day palang ng intrams and ngayon yung swimming competition ko

"Naks, gara ng katawan mo ah" paxton said sabay tapik tapik pa sa balikat ko

"Tangina mo talaga" sagot ko naman sakanya tsaka siya tinulak palayo sakin

Sinuot ko muna yung jacket ng swimming team at umupo sa bleachers sa Locker room ng mga sasali

"Ngapala Zav! Kalaban mo pala si Seb HAHAHAHA selos na selos ka dun dati, yung kapatid naman pala yung jowa" pangiinsulto sakin ni paxton

"Manahimik ka nga pax, pag ako di nakapagpigil lulunurin kita sa pool mamaya" mahinahong sabi ko sakanya tsaka chineck yung phone ko

I texted mom and dad earlier that I have competition today, I wasn't really expecting them to come, pero kahit simpleng goodluck text lang wala,

Binaba ko yung phone ko at tumingin sa kisame para pigilan yung pag tulo ng luha ko

"SEBBBB!" boses pa lang alam ko na agad kong sino yun

"Yung crush mo zav!" mahinang bulong sakin ni pax sabay tusok tusok sa tagiliran ko

"Isa pa pax, malalagutan ka talaga ng hininga dito" seryosong sabi ko sakanya it tiningnan siya ng masama, agad naman niyang inangat yung dalawang kamay niya na para bang pinaparating na suko na siya

I just rolled my eyes on him, at binalik yung tingin kay Elio na kakapasok lang sa Locker room kasama si addison, magkahawak kamay pa sila

Tiningnan ko lang silang tatlo habang nag uusap usap and I can't help but smile, ang saya saya ni Elio halos kuminang na yung mata niya sa saya

"pag nanalo ka, ililibre mo kami ng kape seb" rinig kong sabi ni Elio, he loves coffee so much specially caramel macchiato

"Syempre sasamahan din ng cake ni kuya yan" dagdag naman ni Addison sabay tawanan nila

"Umalis na nga kayo, iingay niyo ginugulo niyo yung ibang mga contestant" mahinang bulong ni seb sa kanilang dalawa

Nilibot naman ng tingin ni Elio yung buong locker room if nakakaisturbo na nga sila

Tinitingnan ko lang siya habang nililibot niya ng tingin yung buong Locker room hanggang sa mapadpad sakin yung mata niya

Halos mamilog yung mata ko sa gulat ng bigla siyang dahan dahan na ngumiti sakin sabay balik ng tingin kay seb

"Sige na nga alis na kami kuya, Goodluckkk!" rinig kong pagbibigay lakas ng loob ni addison sa kuya niya

"Fightingg seb! Pwesto na kami dun mag uumpisa na ata" sabi naman ni Elio tsaka tinapik sa balikat si Seb at tuluyan ng ngang lumabas sa locker room

"Huminga ka Zav!" sigaw ni paxton sa tenga ko

"Inamo kung maka sigaw ka diyan" sigaw ko sakanya sabay batok

"Aray ha, mag warm up ka na nga" sagot niya naman sakin sabay kamot sa ulo niyang binatukan ko

I started warming up, I'm getting that gold medal for sure.

The competition starts and it ends at me being the winner, Seb got the 2nd place not bad

After the awarding ceremony, nag pahinga muna ako sa clinic, sa sobrang antok at pagod ko nakatulog ako at nagising sa lampungan ng dalawang taong di ata alam na ang clinic ay hindi motel

Home Can be a Person tooWhere stories live. Discover now