PROLOGUE

277 16 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit ko naisipang gumastos na naman para lang makabili ng librong ito. Siguro dahil uso?

Lahat kasi ng mga kaklase ko ay pinag-uusapan talaga ito, pati ang nag-iisa kong matalik na kaibigan, ay iyong libro din ang paulit-ulit na binabanggit sa akin tuwing magkasama kami. Maganda raw kasi ang plot ng story, one of a kind, yan ang madalas niyang sabihin, kaso limited lang daw ang hard copy kaya naman ay paunahan sa pagbili.

Eksaktong pagpunta ko kaninang hapon sa Ceejade's bookshop kung saan mabibili ang libro ay isa nalang ang natitira. And yes, I bought it. Mahilig din naman kasi akong magbasa and I trust my friend's judgement nong sinabi niyang maganda iyong libro kahit na ako mismo ay hindi pa iyon nabasa.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o maiiyak, matutuwa dahil ako ang nakabili ng panghuling kopya ng libro o maiiyak dahil nagastos ko na naman ang ipon ko.

Now I don't even have a penny inside my piggy bank.

NAKAUPO AKO sa aking study table habang hinahangaan ang magandang pabalat ng libro. Ngayon ay alam ko na talaga kung bakit ganoon nalang kadesperada ang ilan sa mga kaklase ko na magkaroon nitong libro, napakaganda naman kasi ng labas, paano nalang kaya ang loob nitong libro.

Kahit na kating-kati na akong kumuha ng litrato kasama ang aking bagong biling libro at mag post sa Facebook, pampainggit sa mga kaklase ko pati na sa kaibigan ko, ay hindi ko ginawa.

Baka kasi ay humiram pa ang mga iyon. Hindi sa madamot ako, nakakatakot lang talagang magpahiram lalo na kung bagong-bago pa tapos pagbalik ay hindi na makilala. Yung para bang ilang bagyo at trahedya ang pinagdaanan nung libro bago pa nakabalik sa may-ari.

Naranasan ko na kaya naman ay ayoko ng maulit pa yun.

Napahawak ako sa aking sintido ng bigla itong kumirot, pero ilang minuto ang lumipas ay agad din namang nawala. I am having headaches lately that I get used to it. Hindi na ako naninibaguhan kapag sumakit na naman ulit, gaya nalang ngayon, ipinagsawalang bahala ko ito at sinimulang basahin ang aking bagong biling libro.

"My Fated Love," mahinang basa ko pa sa title nito pagkatapos ay binuklat ang libro

I was greeted with an exquisite design as I flipped the page. Not to forget, maganda rin ang fonts na ginamit.

Mula sa libro ay napabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si mama na may dalang isang basong gatas. Lihim akong napailing-iling. Kahit na bente uno anyos na ako ay bini-baby parin ako ng mama ko.

Nang makalapit siya sa akin, inilagay niya muna ang baso sa mesa bago pa umupo sa aking tabi, "Anak, drink this first before going to sleep," she said, her voice soft and loving 

"Yes ma," maikli ko pang tugon at ibinalik ang atensyon sa aking libro

Mukhang doon palang napansin ni mama ang aking hawak na libro. Nakita ko ang pasimple niyang pagsilip dito. "Bumili ka na naman ulit ng libro gamit ang ipon mo?" Naiiling na tanong niya pa

Napatango ako, "Kanina pong hapon."

"You know you can tell—"

I cut her off. Alam kong napakabastos ng ginawa ko, pero kasi alam ko na kung ano na naman ang sasabihin niya, "I know I can tell you what I want and I know that you'll give it to me. Pero ma, iba parin kasi sa feeling iyong pera ko mismo ang gagamitin ko pambili ng mga gusto ko," pagapapatuloy ko pa sa sasabihin niya sana

Kumikita na ako ngayon. Ilang beses ko pang pinilit noon ang mga magulang ko na payagan na akong magtrabaho, maliban sa gusto kong magkaroon ng sarili kong pera, ayaw ko rin na palagi nalang iasa sa kanila ang mga pangangailangan ko.

Noong una, siyempre, hindi sila pumayag, pero dahil mapilit ako, napapayag ko rin sila sa huli, sa kondisyon na every summer lang ang pagtatrabaho ko.

Nagpakawala ng buntong hininga si mama ng marinig ang aking sinabi at malambing na niyakap ako, "If that's what you want then fine. Mukhang hindi naman kita mapipilit eh, basta kapag hindi kasya ang ipon mo, wag kang mag hesitate na hingan kami, okay?"

My heart melted because of my mother's actions and words. Ever since nalaman nila ang hilig ko sa pagbabasa, suportado na talaga nila ako. Mayroon nga akong mini library dito sa kwarto ko na puno ng mga libro.

"Okay ma, I'll keep that in mind," nakangiti kong ani sa kaniya

My mom kissed me on my forehead before standing up, she was about to exit my room when she suddenly looks back, "The milk, don't forget to drink it, Ajee. And one more thing honey, your dad decided to transform your old room into a library, mukhang hindi na kasi kasya ang mga libro mo sa mini library dito sa kwarto at para narin madagdagan ang collection of books mo. I already planned a design and I know for sure that you'll love it." At tuluyan na siyang lumabas.

Naiwan ako sa kwarto ko na natulala.

What did my mom just said?!

Dad will transform my old room into a library?!

At si mama pa ang may gawa ng design. Knowing my ever talented architect of a mom, hindi simple ang mga designs na naisip niya.

Agad akong tumayo at lumabas ng aking kwarto. Hinanap ko sila mama at papa. Nang pumunta ako sa kwarto nila ay hindi ko sila makita roon kaya naman ay bumaba ako at dumiretso sa sala.

There, I saw mom and dad watching a horror movie. Nakayakap si mama kay papa kaya naman hindi niya makita ang mukha ni papa na parang natutuwa ngayon.

Naalala ko bigla iyong sinabi niyang sekreto sa akin. Kaya niya gustong manood ng horror movie na kasama si mama ay dahil alam niyang matatakutin ito at agad na napapayakap sa kaniya na parang koala. Tsansing din si papa eh.

Aalis na sana ako upang hayaan silang dalawang mag bonding kaya lang ay napansin ako ni papa na ngayon ay namumula na ang tenga.

My dad's blushing face is really cute.

"Ehem, a-anak nandiyan ka pala," ani papa na mukhang nahihiyang nahuli ko na naman siya

Napabitaw din sa pagkakayakap si mama sa kaniya at tumingin sa akin. "A-ajee, akala ko ba magbabasa ka pa anak?"

Napangiti ako sa parehong nahihiyang ekspresyon nilang dalawa. Para silang mga teenagers na magkasintahan na nahuling nagd-date ng mga magulang nila. Hindi ako nagsalita at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila at niyakap silang pareho.

"Thank you mom and dad. I love you both," puno ng pagmamahal ko pang saad

Naramdaman ko ang pagyakap din nila sa akin. Hinalikan pa ni mama ang aking noo. "Anything for you, Ajee."

"We love you too, our princess." Si dad.

Dahil ayaw ko namang maka istorbo sa kanila ni mama, nagpaalam din agad ako, "Sige mauna na po ako sa taas. Magbabasa po muna ako." Bago umalis ay hinalikan ko muna silang dalawa sa kanilang pisngi.

Inihakbang ko na ang aking mga paa pabalik sa taas ngunit napahinto ako ng maramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Nasapo ko ito at napahawak sa pinakamalapit na bagay sa akin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Napakasakit ng dibdib ko at umiikot din ang aking paningin.

"Anak? Are you okay?" Hindi ko magawang sagutin ang tanong na iyon ni papa dahil hindi ko rin magawang ibuka ang bibig ko para magsalita

Narinig ko nalang ang mga papalapit na yabag nila at ilang segundo lang ang lumipas ay nasa tabi ko na silang pareho.

"Y-you're pale. May masakit ba sa iyo Ajee?" Hindi mapakaling tanong pa ni mama

Sa gitna ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay pilit akong tumango. "M-a-masakit..."

Hindi ko na alam sunod na nangyari dahil bigla nalang dumilim ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

My Next Life as a Side Character Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon