CHAPTER 1

239 13 3
                                    

[ CHAPTER 1 : ALFIA ]

˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆

WHITE. The moment I opened my eyes, all I can see is a blinding light. In-adjust ko ang paningin ko sa paligid and that's when I discovered na nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako.

Nagsimula akong mag-panic. Sa pagkakatanda ko ay nasa bahay ako kanina. Tapos... b-bigla nalang sumikip ang dibdib ko at nawalan ako ng malay.

B-bakit ako n-nandito?

S-sinong nagdala s-sakin dito?

H-hindi naman siguro ako n-n-nakidnap diba?

Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Sa halip na hospital room, para ako ngayong nasa isang hotel room. Pinaghalong puti, berde, at brown ang kwarto. My favorite color combination. Mayroong bedside table kung saan ay may nakalagay na mga prutas.

I wonder who brought that here. Hindi naman ako mahilig masyadong kumain ng prutas. At alam iyan ng mga magulang ko.

Muli kong iginala ang tingin sa paligid. Speaking of mama and papa, hindi ko sila makita sa kahit saang sulok nitong kwarto, kahit ang anino man lang nila.

Nasaan na ba kasi sila mama at papa. B-bakit wala sila dito?

Hindi kaya ay nilooban ang bahay namin at kinidnap nga talaga ako? Hindi naman ako bata ah, at isa pa, ang sosyal naman siguro ng pinagdalhan ng kumidnap sa akin, hotel room pa talaga.

Sa kagustuhan kong umalis sa kwartong ito ay sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga. Sa kasawiang palad, ay hindi ko nagawa. Nanghihina ang katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Para bang naubos ang lahat ng lakas ko kahit na kakagising ko palang naman.

I helplessly stared at the ceiling and minutes later, I drifted off to sleep.

NAGISING ako mula sa aking mahimbing na tulog dahil sa hindi pamilyar na boses ng mga taong maingay na nag-uusap.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Nang lingunin ko ang mga nag-uusap, ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang isang lalaki at babaeng nakasuot ng doctor's coat.

Dahil siguro sa adrenaline rush ay nagawa kong umalis sa kama at sumuksok sa sulok ng kwarto. Napansin ata nila ang ingay na dulot ng pagtayo ko at sabay pa silang napatingin sa akin.

"The patient is awake. Inform her parents," mahinang saad pa ng lalaki sa babae na hindi nakatakas sa pandinig ko

Agad din namang lumabas ang babae pagkatapos iyong sabihin ng lalaki.

Ngunit hindi iyon ang pinagtuonan ko ng pansin, nakatitig lamang ako ngayon sa doktor na lalaki na tinitigan din ako pabalik. Nanginginig ang mga tuhod ko at bumigat ang aking paghinga lalo na noong naglakad ito papalapit sa akin.

Please. Lumayo ka.

Hindi narinig ang aking mahinang dasal dahil tuluyan na itong nakalapit at akmang hahawakan ako nito ng bumukas ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang si papa ang pumasok. Agad ako nitong napansin at nilapitan.

"Ajee, calm down. They won't hurt you, okay?" Sabi niya pa at inalalayan akong bumalik sa kama

Unti-unting kumalma ang sistema ko lalo na at lumabas ang doktor na lalaki sa kwarto kaya ay kaming dalawa nalang ni papa ang naiwan.

"P-papa nasaan ako?" Tanong ko pa sa katanungang bumabagabag sa akin kanina pa

"Ajee, you are in a hospital. I know you hated to be in this place and you have a fear of doctors, but we don't have a choice," aniya, "Kailangan mong magamot, hindi pa ganun ka lala ang sakit mo pero napagdesisyunan namin ng mama mo na dalhin ka rito kesa naman mag-antay pa kung kailan malala na talaga," malumanay na paliwanag pa ni papa

My Next Life as a Side Character Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon