Chapter 16

2.3K 77 16
                                    

Chapter 16
Yance German

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Tangin@! Mapapatay ko talaga ang grupo nina Cyrus! Those damn bastards are not using their heads! Kung sakaling nakuha nila si Thalia, baka hindi ko na alam kung anong magagawa ko. Baka tuluyan na akong makapatay. Maisip ko lang na hinahawakan niya kahit ang dulo ng buhok ni Hips tangin@ talaga! Puputulin ko isa-isa ang mga daliri niya. Pero bago iyon, hihilahin ko muna ang mga kuko niya—tipong magmamakaawa siya na patayin ko nalang siya.

"Yance, Yance, Yance... Ano pa ba ang kailangan kong gawin para makuha ang loob ng isang German?" Narinig ko na naman ang tinig ng matandang huklubang ito.

"Matigas ang ulo ng tatay mo, parang wala naman kaming pinagsamahan bago siya pumasok sa pulitika. Ilang pasugalan ko na ang ipinasara niya. Malulugi ang negosyo ko niyan. Baka naman pwede mo akong matulungan?" Dugtong pa niya. Siya si Mr.Lee. Ang pagkakaalam ko, kababata ito ng tatay ko.

"Sinabi ko na sa iyo tanda, walang pakialam sa akin ang Tatay ko. Kahit ilang taon niyo pa akong gawing hostage dito, wala kayong mapapala." Tangin@. Ang ayoko sa lahat yung makulit. Isang Linggo na akong kinukulit ng matandang ito eh. Sinabi ko na ngang kahit ano pa ang gawin niya, hindi tatantanan ng tatay ko ang mga illegal niyang negosyo. Ang matandang to, drug lord na nga amoy lupa pa. Marami nang pasugalan niya ang naipasara ng tatay ko sa lugar namin. Ang lakas kasi ng loob niyang pasukin ang lugar ng mga German. Eh si Papa pa, walang sinasanto yun. Kung ako ngang anak nya eh, tangna talaga! Ilang beses na nilang tinatawagan si Papa para sa negotiation pero hindi naman sinasagot ni Papa ang mga tawag nila. Kita niyo nga? At ang mas nakakainis pa sa Mr.Lee na ito, madali niyang napaglaruan ang gang members ko noon--sina Cyrus--ang fuse gang. Ang mga tanga naman nagpapagamit sa intsik na 'to. Ang hindi nila alam ako talaga ang gustong gawing ka-alyansa ng matandang 'to dahil nagbabaka sakali siya na tatantanan siya ni Papa. Eh kaso, tanga nga eh! Tanga talaga siya na dinamay niya ang Black Kings dito.

"Boss! Dapat kasi yung mga anak na babae ni German nalang ang dinukot natin." Sabat ng alalay niyang pandak pero binatukan lang ito ni Mr.Lee. Pft!

"Tanga! Edi na-eskandalo tayo kapag ganoon ang nangyari! At least itong si Yance may grupong iniiangatan. Kung yung mga babae ang dinukot natin edi nagtititili yung mga 'yon! Mamaya ma-media pa tayo!" Sabi ng tangang intsik. Eh tanga nga talaga. Subukan ba namang dukutin si Hipon eh mas malupit yung tatay nun sa tatay ko. Tsk!

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Natawa ako nang natawa hanggang sa hindi ko na mapigilan kaya napahalakhak ako ng malakas. Mga tanga talaga. Sa palagay ba nila hindi pa sila na-eeskandalo sa mga oras na ito? "Hahahahahaha! Hahahaha!"

"Ano'ng tinatawa-tawa mo dyan?" Sinikmuraan ako ng pandak na alalay ni Mr.Lee. Takte talaga namumuro na siya sa akin. Humanda siya kapag nakawala ako sa posas na ito. Ipinosas kasi niya ang mga kamay ko sa likuran habang nakaupo at nakagapos rin ang mga paa ko. Kung alam lang nila, planado ang pagpapadukot ko sa kanila pero takte talaga 'tong tatay ko. Hindi man lang magpakita ng pagmamahal sa sariling anak. Hindi man lang talaga siya sumasagot sa tawag ng mga panget na ito. Kahit pa masakit ang masikmuraan ay hindi ko pa rin talaga mapigilan ang pagtawa.

"Boss tutuluyan ko na 'to!" Sabay tutok ng baril sa akin ni pandak pero tinutukan din siya ng baril ni Mr.Lee.

"Tanga! Subukan mong tuluyan yan. Ikaw ang uunahin ko!" Hanep! Parang pelikula lang ah. Langyang yan! Komedyante pa ang mga loko! "Alam mo namang iyan lang ang alas natin laban kay Victor German!" Dagdag pa ni intsik nang nagmamadaling lumapit ang isa pang natatarantang alagad niya.

"B-boss! Boss! Na-na sa balita tayo! Yu-yu-yu...." Nabubulol pa ang kawawang alagad niya kaya sinampal pa ito ni intsik. "Ayusin mo!" Singhal pa niya.

"Sa tv boss! Yung-yung babaeng ka-kasama ng shota nito—" itinuro pa ako nito. "Anak pala ng-ng Presidente!"

Halos ma-mutla si Mr.Lee sa nalaman. Malamang talagang ma-eskandalo sila sa ginawa nila kay Nadi. Nang dumating kami sa Barricade Bar ay wala nang malay ito. Mabilis na na-ipuslit ng gang si Thalia pero nang si Nadi na ang itatakas nila ay saka naman nagdatingan ang mga pulis kaya malamang ngayon ay laman ng balita ang nangyari kay Nadi Fernandez.

"Tsk.Tsk. Tsk. Ayan kasi, hindi nag-iingat." Natatawa ko pang sabi. Tinutukan ako ng baril ni Mr. Lee. Aaminin ko natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyan niya ako.

"Sige lang, ituloy mo para madagdagan ang kaso mo." Seryoso ko rin siyang tiningnan sa mga mata. Sa mga oras na ito, gusto kong pagsisihan ang mga pang-aasar ko kay Hipon. Kung ito man ang magiging katapusan ko, mananatiling masama ang tingin niya sa akin. Iiyak kaya siya kung sakaling mamatay ako? Napapikit ako nang iputok ni Mr.Lee ang kanyang baril. Katapusan ko na yata. Tangina Hips! Hindi pa ako nakaka-score sa 'yo!



To be continued...

Authors Note: Hi guys! Seryoso dapat ang eksenang ito. Sa tagal na hindi ako nag-update ay nakalimutan ko na talaga yung plot nito kaya iniba ko nalang. Hahahaha! At isa pa, hindi talaga ako sanay na gawing seryoso ang mga eksena sa mga characters na galing sa "When Miss Gangster Meets Her Match". Hindi ko rin alam kung bakit. Anyway, thank you guys for reading! Mwah! Mwah!

XOXO Shey.

When Enemies Collide (WMGMHM Side story)Where stories live. Discover now