CHAPTER 9

5.5K 160 36
                                    

YANCE GERMAN

It was a sunny morning at male-late na ako sa first subject ko. This will be my first time na ma-late sa klase. Tsk! Strict pa naman ang mga professors sa St.Thompson. They do not tolerate late comers kahit pa galing ang mga estudyante nila sa maimpluwensyang pamilya. Pinaharurot ko ang kotse ko sa highway. I'm making sure na hindi ako aabutan ng red light sa bawat intersection. I just can't afford to be late. I was focused on the road nang makuha ng isang motor ang atensyon ko. No. Hindi yung motor eh. Actually yung legs nung nagmamaneho ng motor. Damn! She's hot and cool. Sinasabayan niya ang bilis ng Porche ko. Dahil naka-motor siya ay madali siyang nakakasingit sa mga sasakyan kaya di nagtagal ay nawala na siya sa paningin ko. That was the first time I saw her. The perfect girl for me. From then on ay palagi na akong nagpapa-late para lang ma-tyempohan siya ulit. Hindi naman ako nabigo dahil palagi ko siyang nakakasabay. I'm not really sure if she's aware of my presence. Halos makipagkarera na ako sa kalye sa kanya but it seems like she doesn't care. Para siyang may sariling mundo. Naka-focus lang talaga siya sa daan at sa kung saan siya papunta. Hanggang sa isang araw ay sinundan ko siya. I ended up in St.Benedict Academy. So, she's still in highschool? Damn. Natawa nalang ako sa sarili ko. I am a stalker of a highschool student. What a creepy college guy am I? But that didn't stop me. Tangna, tinamaan ako eh. Legs palang at kaangasan sa pagmo-motor ang nakikita ko sa kanya pero ano itong ginagawa ko? I found myself waiting for her sa parking lot ng school niya. I am leaning on her MV Agusta Big bike. She got a monster bike. Two will fit in her bike but she'll most perfectly fit on the shotgun seat of my car. Nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. I felt my heart beats fast. Crazy right? Hindi ko pa nga siya nakikita pero para na akong sira rito. Kinakabahan ako dahil sa isang highschool student.

"OMG! Siya yung leader ng Fuse di ba?"

Tsk! Sanay na ako sa mga ganyang babae. Hindi ko alam na hangang dito pala ay kilala ako. Ang hirap talaga maging gwapo.

"Eehhh! Ang gwapo pala talaga niya!"

"Yance! Omg! Baby!"

"Ano kayang ginagawa niya dito?"

Pinagkukumpulan na nila ako rito. Hindi ba sila makaramdam na hindi interesado ang kagwapuhan ko sa kanila? Tsk! Pasalamat sila at hindi ako pumapatol sa mga babae kundi baka nasaktan ko na sila. Alam ko namang gwapo ako pero hindi nila ako kailangang pagkaguluhan, lalo pa ngayon at hinihintay ko ang future girlfriend ko.

"Tumabi kayo!!!" Isang sigaw ng babae ang nagpatahimik sa kanila. Automatic na nahawi ang mga kababaihan. Halos mapanganga ako sa kung sino ang nagmamayari ng ma-awtoridad na boses na iyon. Kilalang kilala ko ang hubog ng katawan na iyon, shit! Sa legs palang alam kong siya na iyon. Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Kahit nakasimangot siya ay ang ganda pa rin niya. She looks so cute habang magkasalubong ang kilay niya. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko habang dahan dahang lumalapit siya sa akin. Damn it! How can she do that to me? Tangna, nakaka-intimidate ang presensya niya but I can't help it. She's so cute, cool and hot. Perfect sa maangas ding tulad ko.

"Hi..." I said habang malapad na nakangiti nang makalapit na siya sa kinaroroonan ko. Hindi ako natinag sa pagkakasandal sa motor niya.

"Tabe!" Utos niya. Lalo akong napangiti. Ang angas talaga! Bagay talaga kami!

"I'm Yance..."

Kumunot lalo ang noo niya. Tapos ay ngumisi. I knew it. She likes me too!

But I was wrong.

"Tabi sabi eh!" Sigaw niya at mabilis akong sinikmuraan.

"Tangna..  ang saket!" Halos mamilipit ako sa sakit. Hindi ko napaghandaan iyon. She's a wild cat. Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin ang motor niya habang humaharurot palabas ng parking lot. After that day. I realized something...

When Enemies Collide (WMGMHM Side story)Where stories live. Discover now