Chapter 17

2.4K 73 24
                                    

17

Thalia Vega

"No! Ipaliwanag nyo sa akin kung ano ang nangyayari!" Inis na ulit ko sa tauhan ni Daddy. Isa ito sa pinakamagaling sa security team ng agency namin. Kanina ko pa sya ginigisa rito sa tapat ng gate dahil ayaw nila ako palabasin. Bakit? May mga terorista ba sa labas ng gate na iyan at kailangang full force sila rito?

"Ma'am... Pasensya na po. Sumusunod lang po ako sa utos ng daddy nyo." Sagot naman nya. Humalikipkip ako sa harapan nya at itinuon ang tingin sa hawak nitong sattelite phone. Kinakabahan ako, ano ba ang nangyayari at mukhang naglagay sila ng signal jammer dito sa bahay at tila inilalayo nila kami sa outside world. Sinakop na ba ni BigBrother ang bahay ni Aisha? May mga hidden camera ba rito? Hindi ko tuloy mapigilan na ma-conscious. My Gosh! Anong itsura ko?

"I want to talk to my Dad!" I demanded. Pero bago pa sumagot ang tauhan ni daddy ay siyang nagbukas naman ang malaking gate at pumasok ang isang itim na Montero sport. Sasakyan iyon ni Daddy. Lakad takbo ko itong tinungo.

"Daddy! Ano ang nangyayari?"

Halata sa mga mata ni Daddy na may hindi magandang nagaganap.

"Thalia, mas mabuti na dumito ka na muna kasama ng Black Kings. Kami na ang aayos ng problema ha." He said as if I'm a little girl.

"Ano ba ang problema?" Muling tanong ko pero bigla nalang umeksena si Eugene.

"Tito, hindi naman po pwede na nandito lang kami." Sabi niya kay Daddy. So, ibig palang sabihin nito, maging sila ay hindi rin pinalalabas?

"Eugene...kaya na namin ito. Papunta na ang grupo doon. Masyadong delikado para sa inyo-"

"Pero tito... buhay ni Yance ang nakataya dito! Hindi naman po namin kayang manahimik at magpanggap nalang na walang alam sa harap ni Thalia!" Napatingin ako sa kay Claude na hindi na yata napigilan ang sarili. Pero...anong...

"Si Yance?" Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Ano ba ang nangyayari?

"Daddy, anong-anong nangyayari? Anong tinatago nyo sa'kin? Nasaan ba si Yance?!" Sigaw ko sa kanilang lahat pero ni isa ay walang sumasagot. Natahimik lang sila habang ako naman ay sobrang frustrated na.

"He-he's been kidnapped since last night..." It was Daddy Aston who broke the silence. He said last night?

"Paano? Kagabi? Kagabi natuloy akong umalis hindi ba?! I was with Nadi and..." pilit kong inaalala ang mga nangyari. Sa kotse na iniligaw pa namin sina Rowan para hindi kami masundan. Yung biglang pamamanhid ng balikat ko habang sumasayaw kami. Nadi's worried face.

"Hindi mo kasalanan Thalia...wala kang kasalanan. OK?!" Nagulat pa ako sa biglang paghawak ni Vinci sa magkabilang balikat ko. No! Mali sya. It should have been me! Ako dapat ang na-kidnap! That rascal! Why is he always saving me?

"S-si Nadi?" I don't know kung anong gagawin ko kung pati si Nadi ay nawawala.

"She's in the hospital." Daddy Aston said.

OMG! Kasalanan ko ito!

"Is she ok?" Halos pabulong na tanong ko. "Kailangan ko syang puntahan..."

"No, anak, mahigpit ang security doon. Alam mo naman kung sino ang tatay ng kaibigan mo. Hindi ka nila palalapitin kay Nadi."

"That is bullshit Dad! Kaibigan ako ni Nadi! Kasalanan ko kung ba-"

"Wala kang kasalanan Thalia! Ano ka ba?!!" Bulyaw ni Vinci sa akin habang hawak pa rin niya ang magkabilang balikat ko.

"Si Yance... Kailangan natin syang mahanap..." Hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin ang boses ko. Gagong Yance yan! Kapag may nangyaring masama sa kanya patay sya sakin! Ang hirap... ang hirap pala maging matapang. Ang hirap maging malakas. Ang hirap magpanggap na wala kang pakialam lalo na kung alam mo sa sarili mo, na sya pala ang dahilan kung bakit ka matapang. Na sa kanya ka pala kumukuha ng lakas. Na mahal mo na pala sya. Tangina? Anong mahal?

"Vinci..." mahigpit na pala ang hawak ko sa damit ni Vinci. Hindi ko rin namalayan na umiiyak na ako. Wala akong pakialam kung nakikita nila na mahina ako ngayon. "Vinci...si-si-Y-Yance...Nasaan na sya?"

"Mahahanap din natin sya..." Yun lang ang sinabi ni Vinci saka niya ako mahigpit na niyakap. Naramdaman ko na may yumakap din sa akin mula sa aking likuran. Kahit nakatalikod ako, alam kong si Aisha iyon. Her hug is the warmest and safest. Kailangan ko ito lalo na sa pagkakataong ito. Oh God, please...help us save Yance. Kahit nakakainis ang taong iyon...importante sya sa akin.

Napakalas ako sa pagkakayap nina Vinci at Aisha nang mapansin kong tila nagmamadali ang mga tauhan ni Daddy.

"Tito sasama kami!" Pagpupumilit ni Eugene kaya pinayagan na siya ni Daddy. Kasunod nun ang sunod-sunod na pag-alis ng mga sasakyan. Tanging kami lang nina Vinci, Aisha at Knight ang natira sa bahay kasama ang ilang mga bantay. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Totoo ba ito? Oh God...sana po ligtas si Yance.

To be continued.....

A/N: Mukhang mapapadalas ang update. XD

When Enemies Collide (WMGMHM Side story)Where stories live. Discover now