CHAPTER 6 - Big changes

45 1 0
                                    

       
       Kinabukasan nang magising ako ay ginawa ko na yung mga gawaing bahay ko ngunit ang pinagkaiba lang ngayon ay pakiramdam ko ay may nanonood sakin pero binalewala ko na lang yon dahil baka guni-guni ko na naman yun.Pinaliguan at binihisan ko ang triplets at naghanda na ng sarili  para pumasok. Pagkatapos ay lumabas na ako pero laking gulat ko naman ng may nakita akong sasakyan sa di kalayuan, tinted iyon kaya't hindi ko nakita kung sino yung sakay non. Agaqd naman iyong umalis noong mapansin na nakatingin ako sa sasakyan na iyon.

      Isinantabe ko na lang ulit yon at nagtungo na papunta sa paaralan. Pagdating ko roon ay agad ko naman na nakita sina Saff na nakatambay sa hallway. 'Lagi ba silang nakatambay don?!'

      "Lian!!!!" sigaw ni Saff habang tumatakbo palapit sakin.

     Pagkalapit nila ay agad naman nila akong niyakap kaya naman napangiwi ako at hindi na lang ipinhalata sa kanila.Naghihilom pa lamang kasi ang mga sugat at pasa ko since may mga cream akong nilalagay sa mga iyon. 

       "Kamusta na kayo? Grabe! Araw-araw ba kayo na naka tambay dito sa hallway?! Parang noong nagkita tayo kahapon at naging magkaibigan dito na din kayo nakatambay ah!" natatawa kong wika sa kanila.

       "Ikaw naman! Alam mo kaya kami narito ay dahil hinihintay ka namin at hoy noong magkakilala tayo kahapon ay pinatawag kami noong teacher namin na malapit ang classroom sa hallway! Grabe ka na samin LIan!" naghi hesterikong wika ni Loreen

     "Oo nga! Tara na nga lang sa canteen hindi pa naman magsisimula klase natin eh! At saka para maghanap na rin tayo ng pogi na yummy-- I mean pagkain na yummy!!" malanding wika ni Maureen.

    "Sus paraan mo lang Maureen! para namang hindi namin alam na araw-araw kang may bago na crush kahit di ka naman kina-crush back! At saka ewan ko din ba sa taste mo! Ang dami-dami dyang may gusto sayo na yummy pero di ka pumapatol tapos alam mo ba Lian?! Kakaiba yang babae na yan! Kase nga kapag nagkakagusto sa kanya yung crush nyan nawawalan siya ng feelings para doon kaya nga hanggang ngayon ay wala pa rin yang jowa o kahit isang ex!" mahabang paliwanag ni Cassandra na naka tanggap naman ng malakas na di pagsangayon mula kay Maureen.

        "Hay nako masyado nyo namang ine-expose si Maureen tara na lang may bago akong chika mainit init pa galing pa sa freezer!" wika ni Saff habang hatak-hatak ako.

      "So eto na nga, nakita ko si kuya na pangiti-ngiti kahapon pagkatapos ng practise nila tapos noong pumunta naman ako sa condo niya kahapon ay nakita ko siyang may kausap at may narinig ako na sinabi ni kuya na 'take care of them, my tesoro can't be treated like that' kemeyurttt!!! So meaning may nagugustuhan na si kuya!! At safe ka na!!! Ay I mean hindi ka na ilalayo ni kuya samin!! Pero right now i wonder kung sino yun?! I wanted to meet that unlucky person!!" chika ni Saff samin.

       "Ikaw naman Saff grabe ka sa unluck person kuya mo pa rin yun!" pananaway ko sa kanya.

     "Ay sorry po Lian!!! Love lots!!" dispensa naman ni Saff.

    Nang makarating kami roon sa canteen ay agad naman kaming nakarinig ng bulungan tulad na lang ng:

   'Talaga lang naniwala sila na kaibigan ang turing ni ate gurl sa kanila?! Eh muka namang manggagamit si ate gurl'

   'Like, true! And besides narinig ko mahirap siya? Pfft- Gagamitin lang talaga niya sina Saff! SO pathetic!"

     'Bakit pa kasi napunta yan here eh muka namang garbage!'

     'Siguro akala nya maiinlove sa kanya si president! Like gurl dream on wala ka pa nga sa kalingkingan ng leader ng tres marias!!'

    At madami pang iba na kahit sanay na akong marinig sa iba ay masakit parin. Tinignan ko naman sila Saff na tahimik ngayon at laking gulat ko ng makita na para na silang mg hayop na mangangagat or volcano na sasabog na. Hinawakan ko naman sila sa braso para pigilan pero....

     "Alam nyo girls?  Kung magdescribe kayo ng tao at makapanglait akala nyo ang gaganda nyo! And how dare you all say na wala pa siya sa kalingkingan ng leader ng tres marias?! Baligtad! Sila ang wala pa sa kalingkingan ni Lian and so what if mahirap siya? AT least hindi siya peke, plastic, at nagmamagaling" galit na sabi ni Maureen.

          "Yeah right! And anong sabi nyo? HIndi magkakagusto si kuya Deverioux sa kanya? WEll baka nga siya pa  ang magustuhan ni kuya Deverioux  kesa sa inyo. Lakas ng loob nyo na sbihin na muka siyang garbage like have ya'll look in the mirror?! Kase all of you look like a rotting garbage!" Sigaw naman ni Cassandra.

     "So if i were alll of you? I will just shut my mouth and go home because, go ahead Saff" nakangising wika naman ni Loreen.

       Ngumisi naman si Saffira ng nakakaloko at sinabing "Magmula ngayon! Itong si Lian Gwenyth ng Cullinary/Cooking Department ang mamumuno sa Cagna Focosa so kung gusto nyo pang mabuhay, igalang nyo siya dahil alam nyo naman na kapag ni isa sa grupo namin ang nasaktan, naagrabyado, o nabastos  ng isa o maraming tao, magbabayad ang taong iyon. So now, the leader of Cagna Focosa  LIan Gwenyth Uson!" Sigaw ni SAffira na ikinagulat ko at ng iba.

       'Ano?! Teka baka naman nabingi lang ako pero bakit ako? AT kakikilala pa lamang namin ay napagdesisyonan na nila yon!'

     "T-teka lang Saff baka nagkakamali ka lang hehe. Kakikilala pa lang natin Saff" nahihiya kong saad.

       "Ano ka ba Lian, i-we trust you on this and besides we know that you're someone very special from our group founder" wika ni MAureen sakin.

     'Teka ano daw? Founder? Hindi ba ang nakatuklas at bumuo ng grupong ito ay  si...'

       "Kung ano man ang nasa isip mo Lian ay tama yon siya nga iyon" makahulugang wika ni Saffira.

      Matapos ang pangyayari na iyon ay bumalik na nga sanormal ang ingay sa cafeteria. Pero ang pinakamalaking pagbabago na naransan ko dito ay ang sobrang paggalang ng mga estudyante sakin. Dahil matapos naming kumain sa Caffeteria nang umagang yoon ay bawat madadaanan kong guro at eskwela ay yumuyuko sakin.

        'Teka ganon ba ka powerful ang pamilya ni Saff?!'


Aurthor: If your thinking kung bakit ganoon na lang ang paggalang nila kay Gwenyth nang sinabi ni Saffira na siya na ang bagong leader ng Cagna Focosa ay dahil 80% ang share ng parents nina Saffira at Deverioux sa School at yung natitira na 20% is sa mga kaibigan naman ng parents nila Saff. Read well silent readers!!! Pero sana magparamdam na kayo :<

The Devils Little Angel                                (Cagna Focosa Series #1) Where stories live. Discover now