Chapter 18 - Apology Accepted

160 12 1
                                    

Ethan

                                      x
Kinabukasan ay maaga akong bumangon, para maghanda ng makakain. At para
dalhan na rin ng almusal ang lalaking pasyente dito sa bahay. Bakit parang nagmumukang kong katulong neto? Haaays bahala na nga alangan namang pabayaan ko yun, edi nalagot ako kay tita Bea nyan.

Kaya no choice ako kung di ang pagsilbihan ang mahal na prinsipe. Pwe!!

But it doesn't mean na okay na kami, na
hindi na ko galit sa kanya kasi hindi ko
po nalilimutan yung mga ginawa n'ya,
anong akala n'ya? Tsk!!

Oo, iniintindi ko s'ya pero, galit parin ako sa

kanya! At kung meron lang akong choice edi sana hindi na ko nagsayang ng oras para
sa kanya noh.

Anyway. Ipinagluto ko ang mahal na
prinsipe ng mahiwagang lugaw. Pwe!!

Ano ba 'tong naiisip ko??!

Umakyat na ko papuntang kwarto n'ya para ihatid 'tong lugaw na ito sa kanya. Kakatok na sana ako ng bigla nalang itong bumukas.

At nakita ko s'yang maayos na ang
kalagayan. At ang nakakapagtaka pa ay sinalubong nya akong nakangiti. Which is
rare.

As in

VERY

RARE!!!

Anong meron sa kanya? Bakit ngumingiti na s'ya? Hindi kaya mamamatay na s'ya? jusko grabe naman itong mga naiisip ko.

"Good morning Ethan! Para sakin ba yan? Ipinagluto mo ko". Nakangiti n'yang bungad

sakin. And to be honest nakakapanibago
dahil ngumingiti na s'ya sakin. Anong meron
sa kanya at bumait na s'ya? Bumait nga ba?

But despite, i still acted normal. Ano naman kung maganda mood n'ya? Hindi ko s'ya sinagot at ibinigay na agad sa kanya yung
tray na pinaglalagyan ng lugaw saka ako umalis. Bahala s'ya sa buhay nya!

                                      x

Jasper

I don't understand pero napangiti nalang
ako sa inasta ni Ethan. He look cute pag
galit. Siguro ay naiinis parin s'ya sakin. Well i understand, ako din naman ang dahilan. But I've made up my mind. From now on, i will
be nice to Ethan and i will apologies for
what i did to him.

Ang kaso nga lang mukhang mahihirapan
ako dahil inis parin s'ya sakin. But still hindi
ko hahayaang matapos ang araw na to na hindi kami nakakapagusap ng matino at hanggang hindi pa ako nakakahingi ng
tawad sa kanya.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko para kainin

itong lugaw na niluto ni Ethan para sakin. Excited akong tikman yun dahil mukhang masarap. Pero agad ko ding binawi ang
sinabi ko nang matikman ko na.

Sobrang tabang!

Walang lasa!

Ang totoo? Sinadya ba nya to? Kasi masarap naman ang niluto n'yang sinigang kagabi
ah. Pero kahit na, pagtitiisan ko nalang to sayang yung pinagpaguran ni Ethan.

Pinilit kong maubos ang lugaw kahit ayaw
na ng bibig at panlasa ko, at nang matapos
na kong kumain ay bumaba na ko para
ilagay sa kitchen ang pinagkainan ko.

At saktong naabutan ko dun si Ethan na naghuhugas ng mga plato. Agad na kong lumapit.

"Hello Ethan inubos ko na pala yung
lugaw na niluto mo medyo matabang nga
lang hehe...... eto oh yung mangkok pasabay nalan". Wika ko pero hindi manlang nya ko nilingon at focus lang s'ya sa paghuhugas ng mga plato.

With my Childhood Best Friend | BxB | Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon