Chapter 4: Password

117 5 1
                                    

Yves' POV

Pinaharurot ko ang isa sa mga sasakyan ni Ezail papunta sa ospital kung saan siya ngayon dinala.

Natataranta na ako at hindi na makapag-isip ng diretso sa kaba. Tuluyan na rin akong kinakain ng pagsisi dahil sa mga nasabi ko sa kaniya kagabi.

Ang lahat ng mga sinabi ko kagabi ay totoo at 'yon talaga ang mga bagay na matagal ko nang itinatago, pero alam ko rin naming sumobra ako sa mga nasabi ko kagabi dahil nasaktan ko siya at masyadong matatalim ang mga salitang ibinato ko sa kaniya.

"Sh*t! Sh*!" Sunod-sunod akong napamura kasabay ng paulit-ulit kong paghampas sa busina nang hindi ako maka-overtake sa mabagal na kotseng nasa unahan ko.

Inis akong napasuklay sa aking buhok kasabay ng panginginig ng aking mga kamay. Nararamdaman ko na rin ang pag-iinit ng aking mga mata at unti-unti na rin itong nagtutubig.

Habang buhay akong magui-guilty kapag may nangyaring masama kay Ezail!

Ang kanina'y kumakalam kong sikmura ay nanahimik na, at sa hindi malamang dahilan ay para akong nabusog ng pangamba at kaba.

Hindi ko talaga kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Nang makarating ako sa ospital ay agad akong tumakbo papunta sa ER. Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa may marinig akong isang malakas na hagulgol. Nang sundan ko ang pinanggalingan nito ay nakita ko ang nanay ni Ezail. Hawak siya ni Steffanie na ngayo'y umiiyak na rin.

Sh*t!

Agad akong tumakbo sa kanilang pinaroroonan at hinawi ang nakaharang na kurtina. At doon ko nakita ang duguang katawan na Ezail. Wala siyang malay, puro dugo ang buong katawan lalo na ang kaniyang ulo, maputla na rin siya lalo na ang kaniyang labi.

"Ezail! Anak ko!"

Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Lumuhod ako at agad kong hinawakan ang malamig na kamay ni Ezail bago ako tumingin sa doktor na nakatingin sa amin. "He's still alive, right?"

Yumuko ang doktor bago ito tumingin sa akin. "I'm so sorry, but he's dead on arrival."

Tila yata gumuho ang mundo ko sa mga katagang iyon at sunod-sunod akong umiling.

Hindi, hindi, joke lang 'to 'di ba?

"Ezail, joke lang 'to 'di ba? Gusto mo lang gumanti sa akin kasi inaway kita kagabi 'di ba?" Umiiling kong wika kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. "Sorry na, 'wag naman ganito. Gumising ka na, oh? Prank lang ba 'to? Sabihin mong joke lang 'to at papatawarin kita kaagad."

Lumalakas na ang mga hikbi ko kasabay ng paghaplos ng nanginginig kong kamay sa malamig niyang mukha.

Hindi ko matatanggap 'to.

"Ezail! Sige na! Gumising ka na!" Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak nang malakas.

Paulit-ulit kong marahang tinatapik ang kaniyang mukha sa pagbabakasakaling gigising siya, pero wala.

Wala na talaga siya.

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

White coffin in front of me. People are murmuring. My eyelids are begging for me to close them. My hands were on both sides as I clenched my long black dress.

I'm sure that I looked like a mess right now.

Tatlong araw nang nakaburol si Ezail, at tatlong araw na rin akong walang pahinga. Ni hindi ako kumakain nang maayos, at halos wala na rin akong tulog.

Every FridayWhere stories live. Discover now