CHAPTER 35

144 9 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

YUZUKI'S POV

"Tamtam....." Sabi ko at nakita ko ang pagtulo ng luha niya bago ako yakapin ng mahigpit.

"I'll explain everything later." Sabi niya tsaka siya lumayo at tinanggal ang tali namin.

"I'm sorry." Sabi niya kay Rox ng tinatanggal niya ang tali nito.

Kahit masakit ang katawan ko tumulong akong magtanggal ng tali nila Tori.

"Astrid!" Napatingin kami sa mga dumating at nanlaki ang mata ko ng makita sila East at Blue. Sila ang pinakilala ni Astrid sa amin na kaibigan niya.

"Mamaya na kami magpapaliwanag bilisan niyo ang kilos." Sabi ni Blue at tumulong nadin sa pagtanggal ng tali ni Megan.

Tinanggal ko naman ang tali ni Jane pero nagulat ako ng makarinig ng putok ng baril. Para akong nanigas ng maramdaman na may yumakap sa akin. Dahan dahan akong napaharap dito at nakita si Astrid na nagsuka ng dugo. Unti unti siyang bumagsak pero agad ko siyang niyakap.

May tama siya sa likod.....

"Astrid!" Sigaw nung isang babaeng kasama nila East at pinaputukan si Jeremiah.

"Astrid, please wake up!" Tinapik tapik ko ang mukha niya.

"Astrid, open your eyes!" Sabi ng lalaking kasama nila tsaka lumapit sa amin.

"Masamang damo ka kaya bawal ka pang mamatay." Sabi naman ni East.

"Tamtam, wake up! Don't leave me!" I said at tumulo na ang luha sa mga mata ko.

"Let me carry her. Kailangan na niyang madala sa ospital." Sabi ng lalaking kasama nila tsaka binuhat si Astrid.

Sumunod naman kami sa kanila at sinakay nila sa kotse si Astrid kaya sumakay din ako. Sa kabilang kotse na sumakay sila Megan kasama ang isa pang babae.

Hindi ko alam ang pangalan ng mga kasama nila!

"Astrid, 'di ba sabi mo gusto mong maging malaya? Kaya lumaban ka dahil magiging malaya rin tayong lahat." Pakiusap dito ni Blue pero kahit anong gawin namin hindi niya minumulat ang mata niya.

"Bilisan mong magdrive, Kalvin!" Sigaw ng babaeng nasa passenger seat. "Hindi ko na kakayanin kapag nawala pa si Astrid, Kal." Umiiyak nadin siya.

Ng makadating kami sa ospital agad na dinala si Astrid sa emergency room.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok, ma'am." Hinarang kami ng mga nurse kaya napaatras ako.

"This is my mommy fucking hospital! Do everything para mabuhay siya kung hindi mawawalan kayong lahat ng trabaho!" Sigaw ng babae at napasabunot ito sa buhok niya.

"Selina, calm down. Maliligtas si Astrid." Sabi ni East sa babaeng tinawag niyang Selina.

Naghintay nalang kami at paulit ulit kong hinihiling na sana maging ligtas siya. Hindi ako mapakali kaya naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko at ng tignan ito nakita ko si Tori na may dalang first aid.

"Gamutin mo muna sugat mo." Sabi niya pero umiling ako. Si Rox naman nasa isang room dahil nawalan ng malay kanina.

"Mamaya kapag naging maayos na si Astrid." Sabi ko at pinipigilang hindi maluha.

My Queen! (G×G)Where stories live. Discover now