CHAPTER 42

155 9 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

-----

ASTRID'S POV

Naglalakad ako papunta sa room ni Tori para icheck siya. Binabati rin ako ng mga nakakasalubong ko.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Tori kumatok ako bago buksan ang pinto, nagulat pa ako ng makita nandito si Yuzu at Jane. Magulo pa ang buhok ni Jane na halatang kakagising lang din habang si Yuzu naman nakasuot ng hoodie at maong short, ng tumingin siya sa akin agad akong umiwas ng tingin.

"Good morning!" Bati ko sa kanila, si Tori naman ay nanglalaki ang mata.

"A-Astrid?" Tumingin siya kay Rox at kay Yuzu bago ulit tumingin sa akin. "Ikaw ang nag opera sa akin?" She asked

"Yeah. Nandito ako para i-check ka." Sabi ko at naglakad papunta sa gawi niya

"Sungit naman." Rinig kong bulong ni Jane kay Yuzu pero hindi ko nalang pinansin kaso narinig ko pa ang bulong niya ulit.

"Kulang sa lambing si Astrid, Yuzuki. Kiss mo nga." Pang aasar niya kay Yuzu

"Shut up!" Inis na sabi ni Yuzu sa kanya. Kahit nakatalikod ako sa kanila ramdam ko ang mga tingin nila sa akin.

"Anong nararamdaman mo?" I asked Tori

"Masakit. Iniwan mo ako, eh." Sabat ni Jane kaya napatingin ako sa kanya pero nakatingin siya kay Yuzu habang may pang aasar na ngiti sa labi, binalik ko nalang ang tingin ko kay Tori.

"Medyo okay naman na ako." Sagot ni Tori kaya tumango ako

"Nakadepende sa recovery mo kung kailan ka lalabas at inumin mo yung mga gamot na binibigay ng nurse sayo." I said and she nod her head

"Mauuna na ako." Paalam ko pero hinawakan ni Rox ang kamay ko kaga napatingin ako sa kanya

"What?"

"Malapit na kaming ikasal ni Tori." Sabi niya tsaka yumuko na parang nahihiya pa sa akin.

"Really? When?" I asked before I crossed my arms.

"Next month. Iinvite sana kita kung okay lang sayo."

I smiled at her. "Okay, pupunta ako." I said kaya nanlaki ang mata niya

"Tagala? Thank you, Astrid!"

"Wala iyon pero mauuna na ako dahil may aasikasuhin pa ako. Mag text ka nalang sa akin at kung may kailangan kayo pindutin mo lang ang red button na iyon." Turo ko kaya tumango tango siya.

"Take care-" Hindi natapos ang sasabihin ni Tori ng may nagbukas ng pinto at pumasok ang isang nurse.

"Dr. Singh, pinapabigay po ni Dr. Blake." Sabi niya at naglakad palapit sa akin, may inabot siyang coffee kaya pasimple akong napairap.

Alam na hindi ako mahilig sa coffee tapos ganito pa ibibigay, nang aasar talaga ang babaeng iyon.

"Thank you." Sabi ko nalang at kinuha ang coffee sa kamay niya.

"Mas maganda po siguro kung kayo ang magsabi kay Dr. Blake."

"Where she is?"

"Nasa office niyo po." She answered.

I nodded. "Oh, okay. Mauuna na ako." I said at naglakad na palabas.

Pagdating ko sa office ko wala akong Earthea na nakita pero may nakalagay na paper bag sa table ko kaya lumapit ako at binasa ang nakasulat.

Eat this, alam kong hindi ka pa nag breakfast kaya kumain ka.

- Mundo mo

Sira ulo talaga itong babaeng ito.

Umupo nalang ako at nagsimula ng kumain, wala din akong gagawin ngayon kaya maggogrocery nalang ako dahil inubos ni Heaven ang mga pagkain sa condo ko.

Ng maubos ko na ay nagbihis na ako at lumabas ng office ko pero agad kong nakita si Heaven na papunta sa gawi ko.

"Where are you going?" She asked

"None of your business." I rolled my eyes on her.

"Sungit mo naman. Ganyan ba talaga kapag 5 years kang hindi nadiligan?"

"Shut up, Hell!" Inis na sabi ko pero tumawa lang siya

"Sama nalang ako sayo." Sabi niya tsaka sumunod sa akin, hinayaan ko nalang siya dahil hindi niya ako titigilan.

Pagdating namin sa market kumuha na ako ng pushcart at dumaan sa may mga milk section para kumuha pero nakita ko si Lian, napatingin ako sa kabuuan niya at napansan na ang laki ng tyan niya.

Is she pregnant?!

"Lian." Agad akong napatingin sa tumawag sa kanya at nakita ko si Yuzu na ngumiti sa kanya at lumapit sa kanya tsaka niya kinuha ang mga pinamili nito.

Mag asawa na ba sila?

"Oh, anong klaseng mukha iyan?" Tapik sa akin ni Heaven kaya napatingin ako sa kanya at umiling iling tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy Astrid!" Sigaw niya. Kakarindi bunganga nito, eh. Heaven pangalan pero yung ugali pang demonyo.

"I saw Yuzu....." I said

"Oh, tapos?"

"She's with Lian, but Lian is pregnant." I said but she just laughed at me. "Anong nakakatawa?" I asked

"Hindi na bago iyon dahil napakalandi ng babaeng iyon." Gago talaga ito kahit kailan, mag pinsan nga sila ni Blue.

"What if kasal sila at sumubok sila ni Yuzu sa IVF tapos nag positive?" Sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

"Wag ka ngang mag overthink."

"K."

"What if hindi sila kasal ni Yuzu?" She said

"Wala akong pake kung kasal sila o hindi, eh. Anong gusto mong gawin ko? Mag paparty ako para sa kaniya?" Pag susungit ko, tumawa lang naman siya kaya napailing iling ako.

Pumunta na ako sa counter para magbayad at makauwi na rin. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Heaven, eh.

"Pupunta pala ako kay Anna mamaya para bisitahin siya." She said kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay, take care."

My Queen! (G×G)Where stories live. Discover now