Dagli#2 Mabuting Gawa

227 0 0
                                    

Nagising ako ng maagang-maaga para mag-asikaso bago pumasok sa eskwela. Nagluto ako ng agahan, saka ginising ang dalawa kong kapatid. Umupo kami at pumwesto sa hapagkainan, nanalangin bago magsimulang kumain. Pagkatapos namin kumain ay saka ko sinabihang "maligo na" ang isa kong kapatid. Nang matapos na siyang maligo, ay saka ko pinaliguan ang bunso kong kapatid. Nang natapos na lahat ay saka ko sila pinagsipilyo ng ngipin, at saka lumabas na ng bahay at kinandado ang pinto bago tuluyang lumisan.

Lumipas ang ilang minuto ay naglalakad-lakad ako sa tabi ng kalsada, upang mag-abang ng dyip na sasakyan ko papuntang eskwela. Habang nag-aabang ng masasakyan ay may napansin akong bulag na tila tatawid ng kalsada, agad-agad ko itong nilapitan upang siya'y alalayan sa pagtawid. Mga ilang saglit nang matapos ko siyang tulungan ay bumalik na ako sa aking pwesto at saaktong may dumaan na dyip kaya ito'y aking pinahinto at saka sumakay.

Nang nakasakay na ako sa dyip, ay agad akong nagbayad ng pamasahe. May isang pasahero na ilang agwat lang ang layo sa akin na nagpasuyo ng bayad niya sa drayber, na agad ko namang isinuyo ang kanyang bayad. Mga ilang saglit ay iniabot na sa akin ng drayber ang aking sukli, at napansin ko na sobra ang aking sukli kaya ibinalik ko sa drayber ang sobra.

Bumaba ako sa dyip na sinasakyan ko, at agad na nagmadaling pumasok sa paaralan. Habang naglalakad ako papuntang silid-aralan ng pangkat na kinabibilangan ko, ay may nakita akong salapi sa daanan na agad kong pinulot at hinanap ang nakahulog nito upang maisauli. Naglalakad-lakad ako at nakita ko ang isang estudyante, na nakaupo sa bench na upuan na mukhang may pasan-pasang itong suliranin at di mapakali. Nilapitan ko ito at tinanong ito kung bakit, at doon ko na nalaman na ang salaping aking napulot ay sa kanya galing kaya ito ay agad kong isinauli. Niyakap niya ako at tuwang-tuwa sa ginawa ko, pagkatapos ay nagpasalamat siya't saka umalis.

Muli akong naglakad upang tumungo sa aming silid-aralan, dahil sa malapit na akong mahuli sa klase. Nakita ko ang aming guro na maraming dalang bagahe, at dahil mukhang hirap na hirap ito sa bigat ng kanyang bitbit ay agad ko siyang nilapitan upang tulungan. Nang nakapasok na kami sa silid-aralan, ay agad kong ibinaba ang kanyang mga bagahe at saka niya ako pinaupo. Ngayong araw na ito nga pala ang pagsusulit namin, at mabuti na lang ay nakapagrepaso ako bago natulog. Bago kami nagsimula ay pinalalahanan at binalaan kami na huwag magkopyahan sa pagsusulit, dahil ang pangongopya ay parang pagnanakaw na rin ng ideya at gawa ng iba. Ibinigay na ng aming guro ang mga papel na kung saan nakalimbag ang aming pagsusulit, upang makapagsimula na kamimg makapagsagot.

Nang dumating na ang oras ng pamamahinga, ay agad nagsipaglabas ng mga baon ang aking mga kamag-aral. Inilabas ko na rin ang aking baon para magsimulang kumain, nang mapansin ko ang isa kong kamag-aral na walang baon. Lumapit ako sa kanya at ito'y aking binahagian ng aking pagkain, at saka ako bumalik sa aking kinauupuan at itinuloy ang aking pagkain.

Dumating na ang oras ng uwian, kaya sinimulan ko nang iligpit ang aking mga gamit. Lumabas na ako ng paaralan, nang may nadaanan akong isang matandang may hatak-hatak na kariton. Mukhang pagod na ito at hirap na hirap, kaya dali-dali akong lumapit para siya'y tulungan. Nagpasalamat ito sa akin habang ginugulo ang aking buhok, nginitian ko ito at saka sinabing "walang anuman po.". Habang kami'y naglalakad-lakad papunta sa kanyang paroroonan, ay sinabi niya sa akin na ang bait-bait ko raw na bata at sana raw lahat ng kabataan ngayon ay kagaya ko. Pagkatapos ko siyang tulungan, ay nagpaalam na ako sa kanya nang may ngiti sa aking labi.

Mga Dagli/FlashfictionsWhere stories live. Discover now