Isang araw, naglalakad ako patungong simbahan. Nang marating ko na ang simbahan ay pinasok ito at saka umupo para manalangin, bago pa man ako magsimulang manalangin ay may tumabi sa aking isang binibini. Sinimulan ko na ang pananalangin, at ang dalangin ko sa Diyos ay "sana'y bigyan pa ako ng pagkakataong muling umibig, at nangakong ang binibining ito ay akin nang iingatan at mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa aking sarili". Nang matapos ko na ang aking pananalangin ay lumabas na ako ng simbahan, bago pa man ako lumisan ay hinarap ko muna ang isang imaheng anghel na may banal na tubig at saka sinawsaw ang aking daliri at saka nagsign of the cross. Noong panahong iyon nang paalis pa lamang ako ay may tumakbong isang binibini na may tila gustong i-abot sa aking isang bagay. Ibinigay niya ang isang panyo na aking nalimutan sa simbahan, nang hawakan ko na ang panyo ay nadampi ang aking kamay sa kanyang kamay at ganoon din ang kanyang kamay at sabay namula ang aming mga pisngi na nagpapahiwatig na tila ba'y iniibig na namin ang isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/356888396-288-k203652.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Mga Dagli/Flashfictions
De TodoAng dagli ay isang maikling anyo ng panitikang naratibo na naglalayong magkuwento ng mga pangyayari sa isang mabilis at kapanapanabik na paraan.