Chapter Seven

1.3K 37 5
                                    

A/N: Please play the video for a better reading experience. Use your earphones :)

7 years ago


Dear Diary,

Maaga akong nagising. Hindi ko alam ang eksaktong oras, ngunit pagdilat ng mga mata ko, madilim pa sa labas ng bintana. Ang alam ko, bago ako natulog kanina, binuksan ko ang bintana ng kwarto dahil nasira ang electric fan, mainit, ngunit sa paggising ko, may nagsara na naman. Kahit 'yung kurtina na nakatali, may nag-kalag.

"Shhhh" narinig ko ang boses ni papa at alam kong sa mga oras na 'yon, kailangan ko na namang diinan ang pag-pikit ng aking mga mata. Hinaplos niya ang buhok ko hanggang sa naramdaman ko nalang na, nasa hita ko na ang kamay niya.

Ramdam ko nang magsimula ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga pisngi. Mariing hinawakan ko ang bedsheet habang alam kong tinatanggal na ni Papa ang kanyang damit pang-ibaba.

Isang beses tinanong ko si papa, bakit niya ito ginagawa sa akin?
Ayon sa kanya, mahal niya daw ako at maganda daw ako. Hindi niya raw mapigilan ang sariling maakit sa akin, sa sarili niyang anak, sa sarili niyang laman at dugo.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na itong ginagawa sa'kin? Ilang beses narin akong nagmakaawa na itigil niya na kase alam kong maling-mali! Maling-mali ang ginagawa niya sa akin!

Nagsumbong ako kay mama pero...

"Pota ka kase!" Napahawak ako sa pisnging sinampal ni mama. Kamuntikan pa akong matumba sa sampal na ginawa niya. "Hindi ko alam bakit pa kita naging anak, pota ka! Kung ano-ano nalang ang naiisip mo! Wala ka na ngang ambag dito sa bahay tapos gagawan mo pa ng 'di magandang storya ang papa mo?! Saan ang utak mo, tangina mo!" Napa-impit ako sa sakit nang sinipa ako ni mama sa gitna! Napayuko ako at napahawak sa bahaging iyon! Ang sakit! Ang sakit sakit!

Many have said that your family should be the primary individuals responsible for safeguarding you, pero mukhang mali ata ang nabasa ko? Kase, bakit hindi ko nararamdaman?

Yours Truly,

***


"Vanessa Emerald's Point of View"

"Miss Sea? Paki-hatid naman kay Miss Bada Lee ang mga documents na 'to sa office niya? May dapat lang kase akong tapusin ngayon at baka makalimutan ko na namang ihatid 'yan sa kanya," Teacher Dizon taps the documents stacked on her desk.

Sa dami ng students na pwede niyang tawagin, bakit ako pa?! It's been a week since Bada started avoiding me. After what happened in the classroom, I've noticed that she completely avoids making eye contact with me. It feels like there's been a significant shift, creating an unspoken distance that now lingers in our interactions. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan sa ginagawa niya?

Besides, she's married and she's one of my teachers, so what's wrong with me at bakit umaasa ako na sana isang araw ay kausapin niya ako? Hanggang ngayon kase, litong-lito ako kung bakit niya ginawa 'yon sa'kin! O sadyang, gawain na 'yon ni Bada kaya ang dali lang sa kanyang iwasan ako ng ganito? Parang hindi ako nag-e-exist sa mundo kung maka-iwas, eh!

ERRONEOUS (Bada Lee Au Story)Where stories live. Discover now