Kabanata 18

42 2 1
                                    

Having your first kiss takes you to the highest level of euphoria, but nothing is more joyful than having it reciprocated.
 
I never expected that to happen or even imagined it.
 
The sacred guy, Theron Arevalo, kissed me. I couldn't believe it. It felt like a dream. A distant dream that's surrounded by unfeasibility.

Hinawakan ko ang labi ko at nakangiti 'yong kinagat.

I can't explain the ecstatic feeling I have right now. It overflows in my heart, and I guess this is the happiest day of my life.

I started my day with a wide smile. Even my family found me weird when I ate with them, smiling. Umaapaw ang kaligayahan ko at sabik na sabik akong pumasok ng eskwelahan.

"Hey," pagtawag ni London nang pababa ako ng van.

"Yes?" Nakangiti akong lumingon.

Seryoso ang titig niya pero may pag aalalang humahalo doon. Tinititigan niya ako nang matagal bago lumunok at nag iwas ng tingin.

"Yes, London? You got something to say?" ulit ko.

Umiling siya at saka nagpatiuna. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin.

London's also weird. Kambal nga kami. Hay.

Pumasok ako ng classroom at sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. Dinayo ako ni Tierra nang mapansin ang hindi ko maitagong mga ngiti.

"Hey, what's up? You're smiling again, huh? Kahapon lang para kang namatayan."

I scoffed and smiled.

"I used to be like this, Tierra. What's wrong with that?"

"Sus, you're weird. You're acting strange lately. Hindi kaya may bipolar disorder ka?"

Umirap ako.

"It's normal for us teenagers to have mixed feelings. 'Di ba, Zami?" Nilingon ko si Azami na busy na naman sa pagtetext.

She nodded briefly and smiled at the screen.

Tinignan ko si Tierra sa magiging reaksyon niya. Nagtatakang nagpapalit palit ang tingin niya sa amin.

Lunch break nang magsama sama kami sa iisang table. Me and my friends and London and his friend Theron.

The long table was silent and awkward at first, but when Azami lifted our spirits, the ice broke.

Nakatitig lang kasi kami ni Theron sa isa't isa na magkatapat, gano'n din sina Tierra at London na magkatapat. Nga lang, mas seryoso at matalim 'yung titigan nila na animo'y nag aaway na naman sa isip.

Those two don't get along very well. I don't know why.

"Hoy, kumain na tayo!" untag ni Azami matapos magcellphone.

Inabala niya ang sarili sa pag kain at tila wala nang naging pakialam sa nangyayari sa paligid.

Tinitigan ko naman nang mabuti si Theron. He had a small cut on the side of his lips, which I found unusual. Para din 'yong namamaga at maitim.

Did he get into a fight? Pero sino ang nakaaway niya? Was it Sanjay again?

Iniiwas ni Theron ang mga mata niya at nagsimula nang kumain nang marahan. Napalingon ako kay London na seryosong nakatitig na sa akin. Yumuko na din ako hindi para kumain kundi para magtipa sa cellphone.

What happened to your face?

I texted Theron.

Napahinto siya dahil siguradong nagvibrate ang phone niya sa bulsa.

"Ano, hindi ka kakain?" Pinandilatan ni Tierra si London.

Napatingin si London sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

Perfectly Wrong for MeWhere stories live. Discover now