Prologue

7 0 0
                                    

Si Cielo Alison Alcantara ay isang matapang at determinadong indibidwal. Ang kanyang pangarap ay maiahon ang kaniyang pamilya mula sa hirap at bigyan sila ng magandang buhay. Matapos niyang makamit ang kanyang pangarap na maging guro, isang hindi inaasahang pangyayari ang magbabago sa kanyang buhay.

Sa isang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Cielo at Kieran James Monroe.
Si Kieran ay isang mayamang binata na may kaguwapuhan at mayaman, higit pa dito ay siya ay hindi naniniwala sa salitang "pag-ibig" dahil sa kaniyang nakaraan. Marami ang nagsasabing malamig siya sa pakikitungo sa ibang tao at walang puso. Ang kanyang mga empleyado ay naglalarawan sa kanya bilang isang intimidating na tao.

Paano kaya kung magtagpo ang dalawang magkaibang tao na ito? Si Cielo, isang independent at matapang na indibidwal na may layunin sa buhay, at si Kieran, isang mayaman at gwapong lalaki ngunit hindi naniniwala sa salitang pag-ibig. Magkakaroon kaya sila ng pagkakataon na maunawaan ang isa't isa at malaman ang tunay na character ng bawat isa? At sa pagtagpo ng dalawang mundo na magkaiba sa estado ng buhay, ano kaya ang magiging takbo ng kanilang kuwento?

The Unexpected Ties Where stories live. Discover now