Chapter 1

2 0 0
                                    

Cielo Alison Alcantara

"Inay, anong ginagawa niyo riyan? Ang init ng panahon nakabilad kayo riyan."

Kasalukuyan na naglalaba nanaman si nanay at mainit masyado ang panahon. Hay mabuti nga pala at sasahod na kami sa susunod na Lingo para mapalagyan ko na ng bubong itong likod ng aming bahay kung saan naglalaba si inay. Ayokong maulit nanaman ang nangyari nung isang araw buti nga at naisugod agad siya sa hospital.

Hindi ko mapigilang mag alala para kay inay. Kagagaling lamang namin sa hospital noong Lunes sa kadahilanang nawalan siya ng malay habang naglalaba sa likod ng aming bahay buti na nga lang at napadaan si tiya Celia. Agad niya akong tinawagan noong nasa hospital na sila mabuti na lamang at patapos na ang klase ko sa mga oras na iyon.

Inalalayan ko si inay sa pagtayo at sinama na siya sa loob. Kinuha niya yung pamaypay niya at muling lumabas, susundan ko na sana kaso nakita ko mula sa aming bintana na pumunta siya at naupo sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga.  Iyon ang madalas na tambayan nila ni itay eh, na miss niya lang siguro ilang araw lang na wala si itay eh. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Sinama ni Don Fabian si itay sa kanilang pag luwas sa Manila, may importante silang ginawa roon.

Dumeretso na lamang ako sa aking silid sa taas upang magpalit na ng damit. Pagkapasok ay agad akong nag Palit ng damit, hindi ko naman inaasahang mahuhulog ang aking phone sa sahig.

Hay mabuti nga at di nabasag, ngunit pagkaangat ko ng aking ulo ay  aksidenteng napadako ang aking paningin sa litrato na nasa ibabaw ng aking lamesa. Ang ganda ng pagkakangiti niya eh, ang gwapo talaga niya.

Kamusta na kaya siya?

Napailing na lamang ako pagkatapos ay lumabas na sa aking silid. Magluluto na sana ako ng mapansin na wala na pala kaming stock, kinuha ko ang aking pitaka at basket. Pupunta ako sa palengke upang mamili, pagkalabas ay siyang pagdating ng aking kapatid na lalaki, si Chris.

Pagkababa niya sa motor ay humalik siya sa aking pisngi na lagi naman niyang ginagawa.

"Pupunta ka sa palengke ate?"

Agad naman akong tumango, nilapitan niya si inay at nagmano.

"Mamimili ako sa palengke wala na pala tayong stock eh."

"Samahan na kita ate,magpapalit lang ako."

"Asus Asus baka naman kaya mo ako sasamahan dahil may gusto ka lang makita doon eh, ano nga ulit ang pangalan niya? Freya, Tama ba?"

Pang aasar ko, nagbibinata na talaga itong kapatid ko. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya, Asus kinikilig yarn haha.

"Si ate talaga eh, sabi nga nila "hitting two birds with one stone". Bagay naman kami ate, diba?"

"Oo na lang , magpalit ka na nga lang bago pa magbago ang isip ko."

Sa kaniyang pagpasok sa bahay ay sinamahan ko muna si inay. Ang lalim ng iniisip eh.

"Okay ka lang ba, inay?"

"Oo naman anak, ikaw okay ka lang ba?"

Napatulala ako sa tanong ni inay. Hindi ko na nga alam kung okay ba ako? Minsan kasi kapag tinatanong ako  ng tanong na "kamusta ka na ? Okay ka lang ba?" Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa alam ko  sa sarili ko  na hindi  ako  okay pero sinusubukan ko na maging okay dahil ayokong mag alala sila sa akin.

Ako ang panganay sa aming magkakapatid, apat kaming magkakapatid.

Si Cassandra na sumunod sa akin ay may sariling pamilya na at kasalukuyang naninirahan sa kabilang baryo.

Pangatlo ay si Cheska na kasalukuyan na nagtratrabaho sa  kompanya nina Don Fabian sa lungsod.

At ang bunso namin na si Chris, Criminology student. Siya itong kasama ko na tumutulong kina inay at itay dito.

Bilang panganay madami din naman akong na encounter na problema but then hindi ako sumuko,  it's because every time na pinanghihinaan ako ng loob laging nandiyan ang pamilya ko na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para bumangon muli. Kaya kahit hindi ako okay, kailangan kong maging okay.

"Kung may problema ka anak, narito lang kami ha. Nga pala dumaan si Joshua kanina, hinahanap ka. Nanliligaw ba iyon saiyo ,anak?"

Nagulat naman ako sa tanong ni inay.

"Sinabi ko naman na po sa kaniya na itigil na ang panliligaw sa akin, inay. Wala pa po sa plano ko ang pagkakaroon ng nobyo bayaan niyo kakausapin ko siya bukas inay."

Nakokonsensya ako Kay Janus ngunit sana ay maintindihan din niya na ayoko na munang pumasok sa isang relasyon sa ngayon.
O maaring umaasa ka at naghinhintay sa  kaniyang muling  pagbabalik?
Maari ,wala namang masama kung umasa ako na babalik siya, sabi naman niya na babalikan niya ako dito.

"Ate,tara na."

Nagpaalam naman kami kay inay bago umalis ng bahay. Napadaan kami sa isang maliit na playground malapit sa school,  marami ang mga bata na naglalaro. Naaalala ko tuloy sa kanila nung bata pa kami palagi kami ditong tumatambay ng mga kaibigan ko hanggang sa tumungtong kami sa kolehyo sina Krisha, Faith ,at Fiona ay lumuwas sa Maynila upang doon na ipagpatuloy ang pag aaral nila. Kamusta na kaya sila, sa aming magkakaibigan si Fiona ang pinak malapit ako at pinagkatiwalaan ko.

Kailan kaya ulit kami magkakasama?
Nabalik ako sa realidad ng makarinig ng ingay sa paligid, nasa palengke na pala kami.

Nauna akong pumasok sa loob ng palengke dahil ang gwapo kong kapatid ay pinuntahan ang binibini na kaniyang sinisinta, kapatid ko talagang iyon nako.

Habang naghahanap ako ng mga rekados ay nakasalubong ko si Joyce kasama ang pamilya niya. Nagmano sa akin ang inaanak ko, todo ngiti pa. Ang ganda talaga ng inaanak ko nga lang ay makulit na bata. Sa paaralan nga kapag busy si mareng Joyce lilipat ang inaanak ko sa classroom ko na katabi lang ng classroom ni mareng Joyce.

Nag usap kami sandali pagkatapos ay nauna na silang umalis. Ang saya nilang tingnan, happy family, kailan kaya sa akin?

Naku, ano ba naman itong naiisip ko. Bumili na lamang ako ng mga kailangan sa bahay, pagkaraan ay pinuntahan ko na ang kapatid ko na kasalukuyang kausap si Freya.

Hihintayin ko na lamang siya sa labas.


Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 15 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

The Unexpected Ties Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin