First War

24K 502 6
                                    

Kaifer's POV

"Come on Kaifer, alis na tayo. Baka mahuli na tayo sa birthday party ng kambal." wika ni Tita mommy sa akin.

Buhat buhat ko ang dalawang barbie na ireregalo ko sa kambal na ako mismo ang nagbalot.

Nasa tabi na ni tita mommy si Charles at si Charlotte.

Sa likod ng sasakyan ako pumuwesto kasama si Charles.

Kay lolo Arnold ako tumira ng higit sa limang taon pero nung nagkasakit ito ay kina tita mommy na naman ako. Im now 11 years old.

Pagdating namin sa mansion ng mga Tan ay nagsisimula na ang party. Agad kaming sinalubong nina Raniel at Daniel, ang matatalik na kaibigan ko- 1 year older than me.

"San yung kambal?" tanong ko. Si Charles kasi dumiretso sa tabi nila Albie at Shaun.

"Kami?hehehe.." biro ni Daniel.

"Natural hindi, yung bunso niyong kambal na may birthday ngayon." sagot ko sabay taas ng regalo ko.

Hinila ako ni Raniel at dinala sa malapit sa may pool. Andun yung mga celebrant. Si Merriel na palangiti at si Aerriel na nakasimangot na hindi man lang inayos ang pagkakapony tail. 9 years old na sila ngayon.

"Para nga pala sa inyo. Happy birthday." sabi ko sa dalawa.

"Salamat kuya Kaifer." sagot ni Merriel saka nakangiting nagpaalam.

Agad namang binuksan ni Aerriel ang regalo. Tumambad ang barbie dito. Napasimangot ito. "Thank you dito."

"Di mo nagustuhan?" tanong ko.

"Nagustuhan kaya lang-"

"Kaya lang ano?"

Napaismid lalo ito. "Bakit yung kay Mer may nakalagay na to the beautiful Merriel yung sa akin wala ha?!" malakas na wika nito sa akin.

Bahagya akong napaatras sa malakas na boses nito.

"Eh kasi siya laging nakangiti kaya maganda siya at ikaw laging nakasimangot at laging nakashort na parang lalake." nakangiti kong sagot dito.

"Ang sinasabi mo ba ay pangit ako? Eh pareho lang naman kami ng mukha ah." naiinis na wika na nito.

Tumawa lang ako ng mahina.

"Simula sa araw na ito ay kaaway na kita bakulaw!" huling wika niya bago tumalikod.

"Lagot ka ginalit mo si bunso!" babala sa akin ni Raniel.

"Hayaan mong magalit ang kutong lupa na iyon. Ang pikon." nakangiti kong sabi na hindi man lang natakot sa nangyari.

From that day on ay pinipikon ko na lagi si Aerriel. Sa pamamagitan nun ay napapansin na niya ako. Di ko alam kung bakit natutuwa ako sa aking ginagawa. Yung tipong kulang ang araw ko na hindi nakikita ang nakasimangot niyang mukha.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon