In denial (Aer)

14K 417 13
                                    

DENIAL HELPS US TO PACE OUR FEELINGS OF GRIEF.

THERE IS A GRACE IN DENIAL. IT IS A NATURE'S WAY OF LETTING IN ONLY AS MUCH AS WE CAN HANDLE.

(Elisabeth Kublerross)



*************************************************************

Aer's POV


Gumising ako na feeling ko binibiyak ang ulo ko sa sakit. Kung bakit kasi naimbento pa ang salitang hang-over! Teka ano ba nangyari kagabi matapos kong malasing?

Napalingon ako sa aking kanan.

Mahimbing na natutulog si kumag.

Buong magdamag na katabi ko siya matulog? Teka, ano nga ba talaga ang nangyari kagabi? tanong ko sa sarili.

Pinakiramdaman ko ang sarili at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

Flashback: "Gusto kitang makatabi sa pagtulog kumag. Gusto kong maramdaman ka. Wag mo akong iwan. " sabi ko kay kumag saka niyakap ang braso nito.

"Dito ka lang sa tabi ko ha!" sabi ko sa kanya saka ipinatong ang mukha sa braso niya.

"I wont leave you. I will sleep beside you until morning. Dont worry, di ako makikipagflirt sa iba, sayo lang. " Iniyakap niya ang braso sa akin saka kami nakatulog.

Back to reality:

Mabilis ang tibok ng aking puso. Halos mapalundag ako sa kama ng gumalaw ito. Mukhang malapit na rin itong magising. Maingat akong gumalaw para di niya malaman ang aking pag-alis sa kama. Ngunit eksaktong patayo na ako ng maramdaman kong may pumigil sa akin. Paglingon ko may ang seryosong mukha ni Kaifer ang nakatingin sa akin.

"Where are you going?" tanong niya sa akin.

"Ahm, magsi-CR..." pagdadahilan ko.

Hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ako ulit sa kama. "Are you trying to avoid me now?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Ganoon ba niya ako kadaling mabasa?

"You heard me right! Naisip ko na rin ito kagabi. Alam kong iiwasan mo ako kapag narealize mo ang ginawa natin kagabi. We slept together in one bed for the first time and take note , magkayakap tayo!" aniya.

Parang biglang umakyat ang dugo ko sa mukha. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. And yes he was right and i am blushing because of that. What i am gonna say?

"Tell me are you okay with it?" seryosong tanong niya sa akin.

Deretso ko siyang tinitigan. "The truth is i dont know. I cant explain it either...."

"You cant explain what?"

"I cant explain what im feeling right now..."

Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi. Seryoso ang mukha nito.

"Me either." aniya.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan namin. Wari ay kapwa namin inaalisa ang nangyari.

"Maybe we should get up and prepare ourself for our usual saturday deeds. Magkikita kami nila Char ngayon eh." pag-iwas ko sa kanya.

"Okay. Magkikita din kami ni Raniel ngayon eh." sabi naman niya saka tumayo. Bago siya lumabas ng aking silid ay nagsalita siya. "Just please dont avoid me Myokl. "

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon