Breakfast and Dinner

16K 449 9
                                    

Aerriel's POV


Maaga akong gumising kinabukasan. Nagmadali akong magluto ng almusal. Nagprito ako ng itlog at Ham. Kasalukuyan kong pinafried ang rice na hinaluan ko ng peas at carrots ng tumawag ang isa kong kaklase.

What? 8:30 ang call time? tanong ko kay Mauie

Yes. Kaya pumasok ka na ng maaga Aer no!

Hay ! Sige...Ano pa ba ang ipapasa ngayon?

Eh di yung thesis no!

Sige na. Salamat. Ba-bye!

Bye Aer. Kita na lang tayo sa CAS.

Pagkatapos ng tawag ay inayos ko na ang agahan namin.

Mukhang hindi pa gising si Kumag.

Kumain na akong mag-isa.

Ang ginawa kong breakfast para kay Kumag ay iniwan ko sa mesa at tinakpan.

Nagmadali na akong umakyat ng kuwarto at naligo. At pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili. The usual nagsuot ako ng faded jeans with white tank top. Nagdala na rin ako ng extra blazer.

Gaya ng sabi ni Kaifer kahapon ay ginamit ko ang sasakyan na pinahiram niya sa akin. Iba talaga pag may sarili kang sasakyan. Hindi ka na basta basta male-late.

Agad kong nakita ang mga kaklase.

"Uy, hindi ka late ngayon ah!" agad na bati sa akin ni Mauie.

"Kung magsalita ka parang lagi akong late ah." sagot ko sa kanya. Medyo nakanguso pa ako.

"Wow. Sa wakas binilhan ka na ng parents mo ng chevrolet. May car ka na!" sita ni Emma sa sasakyang gamit ko.

"Sira! Hiniram ko lang yan para di ako malate." dahilan ko.

"Ang bait naman ng nagpahiram sayo!" wika ni Emma.

"Lalake ba?" tanong ni Mauie.

Nabigla ako sa tanong nito. Dapat ko bang sabihin na lalake? Baka mahalata ako.

"Uy di nakasagot! Lalake yan.Sigurado ako. May boyfriend ka na no?" tanong ni Emma.

"Wala no." tanggi ko."Buti pa ay pumasok na tayo. Para maipasa ko na to."

"Sige na nga. Ayaw pang umamin." wika ni Emma.

"Yaan mo na muna si Aer. Bilisan na natin. Magpapasa pa tayo ng requirements sa graduation." wika naman ni Mauie.

Nagtuloy na nga kami sa college of science.

Naubos ang buong maghapon ko sa pag-aasikaso ng requirements. Bandang alas-tres ng pinuntahan ako nila Alaina, Charlotte, Merriel at Yumi sa department.

"Oh anong ginagawa niyo dito? At ikaw Sissy Yumi. Naglalakad ka ng malayo, baka mapagod ka niyan, buntis ka pa naman." sita ko sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko silang makita ngayon kaya lang alam ko naman na tatanungin lang nila ako tungkol sa paglalayas ko.

"Kanina ka pa kaya namin hinahanap!" sagot ni Alaina.

"Dont worry im not tired . Its just a walking distance from our department." sagot naman ni Yumi.

"Kahapon pa kita tinitext at tinatawagan ah. Di ka sumasagot. Nang umuwi ako sa bahay at sinabi ni yaya Sonia na umalis ka. Nag-alala kaya ako." wika naman ni merriel.

"Teka nga saan ka ba pumunta ha?" tanong naman ni Charlotte.

Napabuntong hininga na lang ako.

Umupo si Yumi sa katabing upuan ko.

"Where did you stay?" tanong ni Yumi

"Alam na ba ito nila kuya?" tanong ko sa kanila.

"Raniel doesnt know it yet. I learned about it this morning." sagot ni Yumi.

"Di pa din alam nila kuya Daniel. Nag-away nga sila mama at papa kagabi. Kasi baka daw hindi ka dumalo sa engagement party niyo ni Gerard." sagot ni Merriel.

"Di talaga ako pupunta dun no!" sabi ko.

"As in engagement party?" tanong ni Alaina

"Who's Gerard?" tanong naman ni Charlotte.

"Anak ni Mr. Ming yun kabusiness partner nila papa na mukhang may tama kay Aer." sagot ni Merriel sa mga ito.

"Eh saan ka ngayon tumutuloy?" tanong din sa akin ni Alaina.

Alam kong nagwoworry sila sa akin kung saan ako nag-istay ngayon at wala akong balak sabihin. " Sa isang kaibigan. Basta! Wag na kayong magtanong. Baka may iba pang makaalam at mapuntahan pa ako doon."

"Di naman namin sasabihin eh." sabi ni Alaina.

"Saka ko na sasabihin. May tamang panahon para diyan. Nagmeryenda na ba kayo? Tara samahan niyo ako at gutom na ako." aya ko sa kanila para maiba ang takbo ng usapan. Sumunod naman sila sa gusto ko.


Kaifer's POV


Tanghali na ng gumising ako. Naalala ko na may kasama pala ako sa bahay kaya nagmadali akong bumaba. Nilibot ko ang buong bahay at hindi ko nakita si Aerriel.

Naalala ko na nabanggit nito kahapon na pupunta ito ng school at nang makita ko na wala yung isang sasakyan ay naisip ko na baka umalis na ito.

Nagtungo ako sa kusina. Napansin ko ang isang note na nakadikit sa ref. Natawa ako ng mabasa ang nakasulat.

Kumag,

May pagkain sa mesa. Magbreakfast ka na. Punta ako ng school ngayon.

Aer :-)

Parang bata. May smiley pa, wika ko sa sarili.

Magaan ang pakiramdam ko habang kinakain ang inihanda nitong almusal.

Tumawag si Raniel. Talagang balak nitong isurprise si Yumi sa bagong gawang bahay nito. Wala naman akong magagawa kundi ang tulungan ito sa pagpaplano.

Tumawag din si Tito Mike. Patapos na rin kasi ang ginagawang bahay nila Albie , Charles at Shaun na magkakatabi lamang sa tapat ng bahay ko. Mga mansion ang mga pinatayo nila kaya matagalan ang paggawa. Dahil miyembro din ako ng board ng construction company ng mga Norton ay kailangan kong umatend sa mga meeting. Gaya ng board meeting mamaya.

Pagkatapos ng meeting mamaya sa NCC ay naisip ko na diderecho na lang ako sa bar ko sa Makati.

Nag-ayos na ako .

Hinintay ko ang ipinadeliver kong pizza at lasagna bago umalis.

Iniwan ko ang share ni Aerriel sa ref. Para hindi na ito mag-abalang magluto mamaya. Siguradong pagod na ito. Kinuha ko yung notes niya at ibinulsa at gumawa ng panibagong notes na para naman sa kanya.

Kutong lupa,

May pizza at lasagna sa ref. Dont bother to cook . I know you are tired already.

Dont wait for me. I'll be home late. Need to go to my bar.

The handsome Kumag

Natatawang idinikit ko ang notes sa ref. Im sure magrereact ito kapag nabasa na niya.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon