40

1.1K 20 0
                                    


Chapter 40
3rd Person's POV
"Time zone !"

Pumasok sina Paige. Agad sila nakaagaw ng pansin doon dahil sa tatlong babae. Naka-disguise naman si Dahlia ngunit agaw pansin pa din ito.

"Maraming games dito. Tara," ani ni Jackson at inaya ang mga asawa niya papasok.

"Gusto ko ng bowling!" ani ni Dahlia at tinuro kung saan may mga nagbo-bowling.

"Pa-register muna tayo," natatawa na sambit ni Jackson at inaya ang mga asawa.

Bumili ng mga cards sina Jackson para makapaglaro. Una nilang pinuntahan ang bowling. Maraming mga naglalaro doon na couples.

Mga lalaki doon ay napatigil at napatingin kina Paris na kumuha ng mga bowling ball. Lumapit si Jackson kay Dahlia. Hinubad ni Jackson ang suot na jacket at itinali iyon sa bewang ni Dahlia na napatigil.

"Laro ka na," may ngiti na sambit ni Jackson at tumalikod. Natawa na lang si Dahlia at hinagis ang bola.

Lumapit si Jackson kay Paris. Nakita ni Jackson na binaba ni Paris ang bola.

"Anong problema?" tanong ni Jackson. Tumingin si Paris.

"Medyo mabigat ang bola. Baka makasama kay baby," ani ni Paris. Ngumiti lang si Jackson at kinuha iyong bola.

"Tulungan kita?"

Tumango-tango si Paris. Pumuwesto si Jackson sa likod ni Paris. Hinawakan nila ang bola ng sabay at hinagis iyon.

"Napatumba natin lahat! Isa pa," ani ni Paris. Tumawa lang si Jackson at naglaro pa nga sila doon.

May mga nag-aaway ng couple dahil hindi maalis ng mga lalaki ang tingin kina Paris. Wala naman pakialam ang apat at nagpatuloy sa paglalaro.

Nang magsawa sila sa bowling, naglaro naman sila ng golf. Nagpapataasan ng score ang tatlo. Namamangha na lang si Jackson sa galing ng mga babae maglaro ng golf.

Napatingim si Jackson sa side kung nasaan ang basketball machine. Tumungo doon si Jackson. Malapit lang iyon sa golf side.

Karaniwan sa mga nandoom mga couple. Napangiwi na lang si Jackson dahil doon. Ginamit niya ang binili ni Dahlia na card. Kumuha ng bola at sunod na sunod na hinagis.

Marunong siya ng basketball at last yata na naglaro siya 'non noong elementary pa siya. Napatingim ang mga babae kay Jackson na sobrang focus sa pag-shoot ng bola. Iipon siya ng maraming points balak niya bigyan ng toys galing sa counter ang mga asawa niya.

Walang palya si Jackson sa paghagis ng bola. Maraming mga estudyanteng babae ang napapunta sa side ni Jackson at pinanood ang lalaki na sunod-sunod ang pagbato ng bola.

Nang matapos ang oras. Naka-score siya ng 230 sa loob ng 4 minutes. Nag-stretch siya sandali. Napalingon siya sandali matapos may tatlong babae ang lumapit sa kaniya.

"Kuya pwede makahingi ng number mo?" tanong ng babae na naka-school uniform. May tiyura din ang babae.

Ngumiti si Jackson at tinaas ang kaliwang kamy niya kung nasaan ang wedding ring nila ni Paris.

"May asawa na ako," ani ni Jackson. Imbis ma-dissapoint mga kinilig pa ito. Masyadong loyal si Jackson.

Sinuot ni Jackson ang earpods niya at nag-sorry sa mga babae. Ginamit niya ulit ang cards at naglaro.

Tila nainis naman ang mga lalaking nasa side ma iyon dahil kahit girlfriend nila pinanonood si Jackson.

Matapos ang oras nina Paris sa paglalaro nv golf. Hinanap nila si Jackson. Biglang nawala ang asawa nila.

Hanggang sa may makita silang mga babae na nagkukumpulan at nakita nila sa gitna ang cap ni Jackson.

Agad na lumapit sina Paris na may inis sa mukha. Mukhang nage-enjoy ang lalaki sa atensyon habang wala sila.

Paglapit nila agad nawala ang inis ng tatlo matapos marinig ang usapan ng nga babae.

"May asawa girl. Pinakita wedding ring kanina," ani ng babaeng nasa harapan nila. Hindi 'man lamg nagtapon ng tingin si Jackson at pinagpapatuloy ang pag-shoot ng bola.

May suot din na earpods si Jackson at mukhang ayaw paistorbo. Lumapit si Paige at agad na yumakap sa braso ni Jackson matapos ang oras ni Jackson.

Napaigtad ang lalaki at naitulak si Paige dahil nagulat ito. Natanggal ni Jackson ang earpods at nahawakan si Paige. Natabig kasi niya ang kamay nito.

"I'm sorry nasaktan ka ba? Bigla ka na lang sumusulpot," ani ni Jackson at hinawakan ang braso ni Paige na tumawa lang.

Halatang naka-defence mode si Jackson kanina kaya natabig nito si Paige sa pag-aakalang ibang babae ito.

Nag-alala sina Paris sa wala. Lumingon si Jackson at tinanong sina Paris kung tapos na sila.

"Yes! Doon naman tayo sa bumper cars!" yaya ni Paige at nagtaas pa ito ng kamay. Ngumiti si Jackson at sinabing sige.

Sinundan niya ang tatlo. May nagbabantay doon na staffs. Iilan lang ang mga costumers na nandoon. Kumuha na ng mga sasakyan sina Jackson.

Tawa ng tawa sina Paris habang binabangga nag sasakyan ni Jackson.

"Ang daya! Bakit ako inaatake niyo," ani ni Jackson. Nilabas lang ni Paige ang dila at binangga ulit ang sasakyan ni Jackson.

Tumawa lang si Jackson at umatake din. Nagpaikot-ikot sila doon hanggang sa magsawa sila.

Sunod naman ang dance revolution game. Naglaro ang mga Rivas. Sumali si Jackson ngunit paulit-ulit siy na ga-game over. Hindi siya marunong sumayaw.

Napa-palakpak si Jackson at napa-wow. Ang galing sumayaw nina Paris. Walang gusto magpatalo sa tatlo hanggang sa matapos ang oras.

"Yes nanalo ako!"

May scoring at nanalo si Dahlia. Ngumuso si Paige. Agad sila nilapitan ni Jackson at sinabing good job.

"Natalo ako," pokerface na sambit ni Paris. Nagmamaktol din si Paris.

"Ginawa niyo ang best niyo. Ang galing niyo pa din sumayaw," ani ni Jackson na natatawa.

"Bigla akong nagutom. Nabawasan yata ako ng 100 pounds dahil sa bowling at sayaw natin kanina," reklamo ni Paige at hinawakan ang tiyan niya.

"May food court yata dito tara."

Pumasok sila sa food court. Naghanap ng table para sa apat. May nakita sila sa pinakadulo ng foodcourt.

Si Paige ang bumili ng makakain nila. Nagpresinta si Jackson ngunit sabi ni Paige siya na lang. Wala naman pila kaya agad na nakabalik si Paige. Marami itong dalang pagkain at ini-assist siya ng isang staff.

"Ang daming pagkain. Nagutom talaga kayo?" komento ni Jackson na natatawa lang.

"Eh nagutom kami tapos napagod kami kanina," sagot ni Paige at tumabi sa upuan ni Dahlia. Kumuha ito ng burger at nagsimulang kumain.

My 3 Wive's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon