Epilogue

2.2K 46 8
                                    


EPILOGUE

3rd Person's POV
"Hatalang nag-enjoy kayo sa party," komento ni Dahlia. Gusot-gusot ang suit na suot ni Jackson. Wala din sa pwesto ang dress ni Paige.

Halata namam kung anong ginawa ng mga ito sa party. Tumawa lang si Jackson at hinapit ang bewang ni Dahlia. Hinalikan ito sa labi pababa sa leeg nito.

"Pumasok na nga kayo," ani ni Dahlia na napailing na lang. Hinalikan niya sa labi si Jackson at sinabing magpahinga na.

"Puntahan mo si ate after mo mag-shower. Mukhang nahihirapan matulog ang isang iyon. Nakakailang baso ng gatas," ani ni Dahlia. Nailing na lang si Jackson. Imbis patungo ng kwarto niya- dumiretso ito sa room ni Paris.

Pagbukas niya ng pinto nakita niya si Paris. Nakatagilid at may yakap na unan. Pumasok si Jackson sa room ni Paris. Sumampa sa kama at hinalikan sa pisngi si Paris.

"Shower lang ako," ani ni Jackson at bumaba. Tumungo siya sa bathroom ni Paris para doon na lang maligo.

Pagkalipas lang ng ilang minuto. Lumabas na din ang lalaki na may nakatakip na towel sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Lumapit si Jackson sa kama at sumampa. Tinanggal ang towel at binato sa baba. Lumusot sa comforter at pumuwesto sa likod ni Paris.

Hinarap niya si Paris sa pwesto niya. Inihiga sa mga braso niya at niyakap ito. Agad naman yumakap sa kaniya ang asawa.

Medyo napagod din si Jackson kaya agad siya nahila ng antok. Tuluyan na din nakatulog si Paris ng gabi na iyon.

Lumipas ang maraming taon
"Daddy! Daddy!"

May batang lalaki ang tumatakbo ngayon palapit kay Jackson na kasalukuyan ngayong kausap ang isa sa mga staff sa bakery shop.

Napalingon si Jackson at ilang costumer.

"Jasper! Madapa-"

Napatakbo si Jackson ng madapa nga ang anak na lalaki. Agad nito binuhat ang bata na nangingilid ang luha.

"Haist! Sabi ko sa iyo huwag kang tatakbo diba?" ani ni Jackson. Tiningnan kung may sugat ang anak na lalaki.

"Anong nangyari?"

Pumasok si Dahlia na may buhat na bata na nasa dalawang taon pa lang. May mga bata pang babae ang lumapit at natutuwang yumakap sa hita ng ama.

"Nandito na naman kayo makukulit na bata," natatawa na sambit ni Jackson at binaba ang anak na lalaki.

"Anong nangyari sa iyo Jasper? Nadapa ka na naman ba?" tanong ni Phinea na nasa walong taong gulang. Nagsimulang humikbi ang bata at bigla na lang umiyak. As in ngumawa ito.

"Iisa na nga lang lalaki ko iyakin pa," ani ni Jackson na napasapo sa noo. Agad naman siya inalo ng mga kapatid na babae.

Tumawa si Dahlia at sinabing anak niya iyon. Lumapit si Jackson at hinalikan sa labi si Dahlia.

"Nasaan mga kapatid mo at ikaw nagbabantay sa makukulit na ito," tanong ni Jackson. Tumawa si Dahlia at sinabing siya nakatoka sa araw na iyon.

"Hey Destiny. Ano tulog ka na naman?" tanong ni Jackson sa batang buhat ni Dahlia na agad niya naman kinuha.

Nagpapasag ito at mukhang tuwang-tuwa matapos siya makita. Pinaupo niya si Dahlia sa lamesa at ang mga anak.

"Erick, pakidalhan naman sila dito ng pagkain," utos ni Jackson.

Lumipas ang 8 years nagawa ni Jackson makapagpatayo ng sarili niyang bakery mula sa dugo niya at pawis. Nakapagpagawa din siya ng sobrang laking bahay na every year ini-extend niya para sa mga anak at asawa.

My 3 Wive's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon